CHAPTER 11: JEALOUSY ACTIVATED 102

JHOANNA's POV


Hindi pa nakakabalik si Mikha sa paghatid kay Zeph while mukhang matagal ngang nagsusuyuan ang HAMBEBE. Pakana talaga 'yon nina Ate Maloi at Ate Aiah eh na ngayong nag-eenjoy na lang  kasama si Stacey sa dance floor.






"Let's Dance?" Rinig kong niyaya bigla ni Chie si Colet since kami na lang tatlo ang nandito sa mesa.







No, Colet. Please say no. BABANASAN TALAGA KITA!







"Tinatamad ako, Chie, wala ako sa mood." Pag-ayaw niya rito. VERY GOOD! 






Napangiti ako sa aking isipan.






"Oh! Come on, Baby! Ngayon na nga lang ulit kita makakasayaw." Hindi na niya hinintay pang makasagot si Colet dahil hinila niya na agad ito.






NAPAKA LANDI TALAGA!






Sa sobrang inis ko ay nilagok ko ang isang baso ng alak na nasa harapan ko, wala pa naman sana akong balak uminom kasi I'm tired.






"Jho! Let's join them." Si Mikha na kakabalik lang. "Later, Mikhs." Saka nilagok ko na naman ang isa pang baso na may alak. "Hey, Jho, kung makainom ka naman like parang mauubusan ka." Saway niya sa akin saka umupo sa harap ko and stares at me. "Stop that look, Mikhs, I know what you're thinking." 




She just chuckled. "I didn't say anything naman pero just take your time, Jho, we're always here for you." She said that na parang may alam siya kaya I asked her. "What do you mean, Mikhs?" Hindi siya sumagot bagkus ay nagkibit-balikat lang siya.






Ininom ko ang pangatlong baso ng alak. "Jho! That's enough naaa." Pagsaway niya ulit sa akin saka kinuha ang baso na hawak ko.






Oh my gosh! Nahihilo ako! Bigla ay napahawak ako sa mesa na hindi pinapahalata kay Mikha kasi I'm sure na pauuwiin talaga ako nito.






"JHO! MIKHA!" Tawag sa'min ni Ate Aiah. "ANG KJ N'YO HA!" Stacey na agad akong hinila patungong dance floor while hinila naman ni Ate Aiah si Mikha. 






This is bad! Mas lalo lang akong nahilo. Napahawak ako sa ulo ko.






As soon as we got to the dance floor, the music began to take over my ears and mind, gradually making me feel less tipsy. "HOOOO!!" Sabay-sabay naming lima na sigaw while enjoying the music and dance with it. Dumadami na rin ang mga tao.






As I looked for her, this time it's not thousand of needles, I felt like a dagger knife struck my heart in an instant when I saw Chie wrapped her arms around Colet's neck at hindi man lang niya pinigilan ito.






Another struck of a dagger knife as she pulled Colet towards her and dance sexily in front of her. 






FUCK! THIS FEELING!






Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya I immediately wiped it. Muli ay hinila ako ni Stacey and we continue dancing wildly.














COLET's POV


Nang dahan-dahan ng dumami ang mga tao sa dance floor, umalis sina Stacey at Aiah saglit para yayain sina Jhoanna at Mikha. Nakaramdam ako ng pag-aalala nang mapansing nakahawak siya sa kaniyang ulo. 




Nahihilo ba siya? Nakailang baso ba 'tong babaeng to?







Bumalik ako sa aking diwa nang hinila ako bigla ni Chie and put her arms around my neck. She's now dancing in front of me sexily and pulled me towards her.






"C-Chie, w-what are you doing?" Naiilang kong tanong sa kaniya but she just sexily smiled and bite her lips kaya napalunok ako. "Let's just enjoy the night, Baby." Sabay hawak niya sa kamay ko at ipinatong iyon sa bewang niya.






She started to sway her hips, ngunit bigla rin siyang huminto nang mag-vibrate ang kaniyang phone. I just nodded as 'Yes' to allow her na sagutin ang tumatawag.






Bumalik ako sa table namin at agad na uminom ng tubig. Umupo ako paharap sa dance floor, medyo malayo rin ngunit malinaw sa aking kinauupuan ang mga girls. Pansin ko ring hindi pa nakakabalik sina Gwen at Sheena, siguro ibang paraan na ang ginawa ni Gwen para magkaayos sila.






Napakunot-noo ako nang mapansin kong ibang tao na ang kasayaw ni Jhoanna.






"Baby, I need to go home na kasi tumatawag na si Mommy." Pagpapaalam ni Chie at tumango na lang ako dahil distracted ako sa nakita kong ginagawa ni Jho. "Yeah, sure, chat me 'pag nakauwi ka na." She nodded and kissed my cheeks bago siya umalis.






Nang makaalis na si Chie, ibinalik ko ulit ang aking paningin kung nasaan si Jhoanna. Agad akong napatayo at tumungo sa kanilang pwesto nang makitang nakahawak na ang lalaki sa bewang niya. "JHO!" Sabay hila ko sa kaniya. "Don't touch me!" At inalis niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.






"Hey, who are you?" Tanong ng lalaki na matipuno ang pangangatawan at mas matangkad sa akin.





May pa english english pa 'tong unggoy na 'to, akala mo naman gwapo! Napakabastos, bwisit!






Lalapitan pa sana niya si Jhoanna ngunit tinulak ko siya nang malakas kaya napaatras siya. "DON'T YOU DARE TOUCH HER!" Pagbabanta ko sa kaniya.






Magsasalita pa sana siya when Mikha tapped my shoulder at sumenyas na umalis na, sumunod namang lumapit sina Stacey, Aiah, and Maloi.










"BITAWAN MO AKO, COLET! ANO BA!" Bulalas niya nang paulit-ulit habang hinihila ko siya palabas. "What's wrong with you!?" Sigaw niya agad nang bitawan ko na siya.




Ngunit, salubong na rin ang mga kilay ko nang harapin siya. "Ikaw anong problema mo? You don't know that guy pero basta-basta kang nakikipagsayaw sa kaniya! Tama ba 'yon!? Pa'no kong mapahamak ka at dalhin ka niya kung saan!?"




"ANO BANG PAKIALAM MO!? PINAPAKIALAMAN BA KITA HABANG NAKIKIPAGSAYAW KA SA IBA!?" Napakunot-noo ako at bakas na sa kaniyang mukha ang pagkainis pero hindi ako nagpatinag kasi ibang emotion ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. "Pwede ba!? Hayaan mo na ako!"




Akma na sana siyang papasok but I stopped her. "Jho, I care for you and you're drunk." At hahawakan ko na sana ulit ang kaniyang braso ngunit iniwas niya 'yon. "Care?" She smirked. "Letcheng care 'yan! I don't need your care and I'm not even drunk!"




"You can be mad at me, Jho, but I won't allow you to go back there!"




Pero hindi na siya nakinig pa at papasok pa talaga ulit sa loob kaya agad ko na siyang binuhat pabaliktad sa braso ko. "AAAHHHH!! COLEEETTT!! ANO BAAA!!" At pinaghahampas niya ako sa likuran.

"Sa ayaw mo o sa gusto, iuuwi na kita!"








"I HATE YOUUU!! IBABA MO AKO!!" Pagpoprotesta niya pa ngunit hindi ko siya pinakinggan hanggang sa makarating kami sa may sasakyan ko. Ibinaba ko na siya, pero agad naman siyang napahawak ulit sa braso ko. "What's wrong, Jho?" Pag-aalala kong tanong. "Nahihilo ako."




"Tigas kasi ng ulo." Agad ko siyang inalalayan papasok sa kotche at dali-dali akong tumungo sa driver seat. She's trying na makapa ang seatbealt sa gilid niya pero hindi siya makagalaw nang maayos dahil sa pagkahilo. "Your seatbealt, ako na."




I reached for the seatbelt at agad na ikinabit iyon. Nang magtaas ulit ako ng tingin, hindi ko napansin na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin, and she's staring at me na siyang nagpabilis ulit sa tibok ng puso ko.








There, there, after how many months of longing her in my arms, once again nagkaroon ulit ako ng chance na matitigan siya nang malapitan.








Pero just like what I've saw kanina, there are sadness and pain in her eyes. What's wrong, Jho? Who hurt you?








Nang bumaba ang paningin ko sa mga labi niya ay agad akong umiwas ng tingin at umayos ng upo.




I started the engine para maiuwi na siya sa kanila.








She fell asleep habang nasa byahe kami kaya nag doorbell muna ako bago ko siya binaba. Buti na lang ay nagising si Manang at sinabihan akong nasa business trip pa pala ang parents ni Jho kaya walang magbubuhat sa kaniya papasok. So, I offered na ako na lang kasi kaya ko naman.






Agad kong hinubad ang heels niyang suot at inayos siyang makahiga. Manang gave me a maliit na palanggana na may towel at maligamgam na tubig kaya dahan-dahan kong pinunasan ang kaniyang mukha, leeg, at mga braso para hindi siya magising.






I wanted to check the time, pero naiwan ko pala sa sasakyan ang phone ko at hindi ko pa nasuot ang relo ko kaya I opened Jhoanna's phone. It's 11:15 PM.






It was not my intention, pero Taneo's text caught my attention.






TO BE CONTINUED...

Comment