CHAPTER 10: THE ONLY EXCEPTION

COLET's POV


I am on my way sa isang Bar owned by our dearest Mikha. Inimbitahan niya kaming lahat kasi ngayon ang araw ng Grand Opening ng kaniyang business. Nauna na ang anim doon habang ako ay 1 hour late na kasi sinundo ko pa sina Zeph at Chie sa kanilang mga bahay.



As I looked at my rear-view-mirror ay napansin kong parang kinakabahan si Zeph habang nasa labas ng bintana ang tingin kasi kanina pa hindi mapakali ang kaniyang mga daliri. Since I've known her na for years, kabisado ko na ang mga ugali niya. 



"Bes, okay ka lang?" Agad siyang tumingin sa akin sa rear-view-mirror. "Kinakabahan ako, Bes." Sagot naman niya, pursing her lips at nakakunot-noo while caressing the top of her hand. "Hindi ka naman magtatagal sa party, Bes, tsaka isa pa susunduin ka naman mamaya ni Tito kaya wag ka nang mag-alala." She sighed and nodded, pressing her lips together.



Alam kong hindi naman talaga 'yon ang dahilan kung ba't siya kinakabahan, she's nervous because of her feelings for Mikha.



"I agree to Colet, Beb, we got you naman, ano ka ba!" Si Chie na nasa passenger seat ko ngayon, tumango-tango naman si Zeph and forced to calm herself bago ngumiti sa amin.



Chie's wearing a red dress at bagay na bagay iyon sa kaniya na siyang mas lalong nagpaganda sa kaniya.



The three of us have been friends na rin since highschool, mas nauna ko pa silang makilala before my BINI members. Katulad no'ng binahagi ko sa inyo na nauna kong maging kaibigan si Zeph, sumunod no'n ay si Chie. Hindi lang kami naging kaklase na ni Chie dahil ABM strand ang kaniyang pinili kaya no'ng SHS na kami, mas lagi ko nang nakakasama sina Zeph at Mikha.



Chie was my ultimate crush, patay na patay ako sa kaniya noon kaya no'ng highschool pa kami ay mas  lalo akong nagaganahan pumasok para lang makita siya.



After we became friends, nawala 'yong ganoong pakiramdam ko para kay Chie kasi mas naging komportable ako na maging kaibigan siya. Hindi ko alam kung ako lang ba ang gano'n, 'yong nawawala ang pagkakaroon natin ng crush sa isang tao kapag naging kaibigan natin sila. Tsaka, inamin ko rin 'yon sa kaniya at tinawanan niya lang ako.




Not until I met Jhoanna Christine Robles, because she's my only exception. Since I joined BINI at mas nakilala ko siya, everything has changed.



Kahit na naging kaibigan ko siya sa tagal nang pagsasama namin, I can't lie to myself anymore. Kahit anong pigil ko sa'king sarili, alam kong hindi lang isang kaibigan ang tingin ko sa kaniya.



She is so multi-talented. She can do everything na mas lalong hinangaan ko. Paghanga pa lang ang naramdaman ko noon pero nang tumagal hanggang sa araw-araw ko na siyang nakakasama, mula sa paggising at pagtulog ko, hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog.



Kahit no'ng paghanga pa lang ang nararamdaman ko ay alam na ni Mikha kasi siya lang ang sinasabihan ko no'n at kilalang-kilala niya na ako. Hanggang sa nalaman na rin nina Zeph, Maloi, Aiah, Sheena, and Stacey.



When I first saw her during our first day of training matapos i-announced ang mga natanggap, kakaiba na agad ang naramdaman ko, para bang kusang binigyan ako ng isang anghel na nahulog mula sa langit. And every time I look at her, I felt like I was looking at a sun, rising behind the clouds  with its yellow rays shining, kissing the surface of the sea, while waiting for it to smile back at me.



But the question is, how will she smile back at me if she already has someone who makes her happy?




Lagi ngang galit 'yon kapag kinakausap o nilalapitan ko na siya. Hays






*AT MIKHA's BAR*


As we entered the bar, iginala ko ang aking paningin para hanapin sila and I saw Mikha waving at us kaya tumungo kami sa kanilang pwesto.



Pagkalapit namin ay isa-isa namin silang binati, maliban kay Jhoanna. "Nasa rest room ang hinahanap mo." Ngumingising bulong ni Maloi after I greeted her. Umiwas ako ng tingin. "Hindi naman ako nagtatanong. Guniguni ka." Pagsisinungaling ko saka umupo sa tabi ni Chie. "Boang, tumigil ka, hindi mo ako mapapaamin." Dagdag ko pa dahil nakatitig  pa rin siya sa'kin with her teasing eyes and smile.



"Zeph, you sit here, beside me." Aya ni Mikha kay Zeph na siyang ikinatigil niya sa kaniyang kinatatayuan. Tatayo na sana ako para lapitan siya, pero inunahan ako ni Chie at ipinatabi siya kay Mikha kaya napangiti ako sa ginawa niya. "Are you okay? May sakit ka ba?" Kunot-noong tanong ni Mikha sa kaniya at hindi ko na narinig ang kanilang usapan dahil biglang pinalakas ang tugtog. Pero mukhang hindi yata natinag si Aiah kasi nakatitig lang siya kina Mikha at Zeph na nag-uusap.



Mukhang may nagseselos. I chuckled sa'king naisip. "Aiah, tubig gusto mo?" Pang-aasar ko sa kaniya na siyang ikinapitlag niya at muntikang nahulog sa upuan. Kaya natawa kami nina Maloi, Gwen, at Sheena nang mapansin 'yon. "That's okay, Ate Aiah, shot na lang natin 'yan mamaya!" Pang-aasar din ni Staku habang ngumingisi pa rin. "Ah gano'n? Sige mang-asar kayo, susunod talaga kayong dalawa." Banta niya pa sa aming dalawa ni Gwen pero tinawanan lang namin siya.




After a few minutes, someone caught my attention sa malayo.



She's wearing a silk light blue dress, walking towards our table with her sweetest smile.



Sa kabila nang maraming tao at malakas na tugtog ng musika ay biglang nag slow-mo lahat, tanging tibok ng dibdib ko na lang ang naririnig ko, at tanging siya lang ang natatanaw ko.



There she is, my living angel.




"Col, 'yong panga mo malalaglag na." Maloi teasing me again at sabay silang tumawa ni Aiah na nakatingin din pala sa akin kaya dahil sa hiya ay umiwas ako ng tingin saka uminom ng tubig.




"Wow! You're so beautiful tonight, Jhoanna!" Paghanga ni Chie sa kaniya pagkatapos nitong lumapit at batiin siya. "Oo nga, Ms. Pres., may pinapagandahan ba?" Dagdag ni Zeph kaya pinagdilatan ko siya ng mata. "Hindi naman, wala rin naman si Taneo eh pero thank you!"



Sanaol nga naman talaga oh!



After Jhoanna greeted Chie and Zeph ay umupo siya beside Aiah. Sinenyasan ko si Mikha na pahinaan ang tugtog kaya sumunod naman ang dalawang DJ.



Lumapit ang isang bar crew na babae at binuhusan nito ang aming mga wine glass, pagkatapos niyang lagyan ang baso ko ay napakunot-noo ako when she suddenly stopped at napatitig sa akin.



Problema nito? May dumi ba mukha ko?




"Miss, it's my turn, right?" Jhoanna called her attention at agad na tumungo ito sa kaniya na nataranta kaya napailing na lang ako. Chie suddenly held my hand kaya I turned my face on her. "Bakit, Chie?" Tanong ko sa kaniya pero ngumiti lang siya nang matamis at ginantihan ko rin 'yon ng ngiti while caressing her hands.



Bumalik si Mikha at kinuha ang kaniyang wine glass . "CHEERS FOR OUR SUCCEEESS!" Sigaw niya pa sabay taas sa kaniyang baso. Tumayo kaming lahat and Jhoanna added. "WALO HANGGANG DULOOO!" Saka ikinampay ang aming mga baso bago ito ininom.




After we drank all the wine sa baso, eksaktong nagtama ang paningin namin ni Jhoanna pero agad din siyang umiwas ng tingin na nakakunot-noo kaya umupo na lang din ako. 




Hanggang kailan mo ako matitiis, Jho?




Kumakain kami sa iisang mesa, pumapasok kami sa iisang paaralan, magkaklase sa iisang silid-aralan, magkasama sa iisang sikat na grupo, pero parang ang layo-layo niya na sa akin ngayon.




Mali bang mahalin ka sa malayo?




Mali bang palihim akong may pagitingin sayo?




I still remember what happened kanina sa Sky Gym habang hinihingi ko ang pirma niya. I could see through her eyes the hatred she felt towards me. Na bawat lapit ko sa kaniya ay mas lalo lang siyang naiinis sa presensya ko.



Nahihiya ako sa tuwing naaalala kong napapitlag siya sa paghawak ko sa kaniyang braso dahil baka mahalata niya ang nararamdaman ko. Nilunok ko lahat ng kaba ko kanina para lang talaga makuha ang pirma niya kasi kailangan ko 'yon.



Hindi ko rin alam kung ba't ko 'yon nagawa, para bang kusang gumalaw ang katawan ko para hawakan siya.




Bago pa ako lamunin ng mga iniisip ko about kay Jhoanna ay kinamusta ko na lang sina Aiah, Maloi, and Gwen since hindi naman kami lahat magkaklase  habang kumakain. Pero 'yon nga lang, nagising ko yata ang pagka-OA nina Aiah at Maloi dahil sa kanilang pagkukuwento na may kasama pang gestures na ikinatawa namin.



At ang pinakamalala pa ay nilaglag pa talaga si Gwen sa mga lumalandi sa kaniya.

"BEBE!? Totoo 'yon!?" Bulalas ni Sheena na inilapag agad ang kinakain dahil sa kuwento ni Maloi.



Aba! Ang bilis ng karma ni Gwen kay Aiah. 



"Nooo, Bebe, 'wag kang makinig sa kanila." Napapadyak pa si Gwen sabay takip sa dalawang tainga ni Sheena at umiiling-iling. "Ate Maloi, you stop naaa!" Pagmamaktol niya na. "Totoo 'yon oy! Sabi mo pa nga, 'mamaya na lang'  hindi ba?" Si Aiah na tinutulungan si Maloi na asarin ang dalawa. Kaya tinanggal ni Sheena ang nakatakip na kamay ni Gwen sa kaniyang tainga at padabog na umalis sa inuupuan niya. "BEBEEE! WAIT FOR MEEE! WHERE 'YOU GOING?" Agad na hinabol ito ni Gwen. "Tanggal angas ni Pareng Gwen kay Sheeshee!" Natatawang sambit ni Stacey at natawa na lang din kami sa trip nang dalawa.






"LET'S DAAANCE!" Pagyaya sa amin ni Stacey at excited naman tumayo sina Maloi at Aiah. "LET'S GOOOO!" Sabay na sigaw no'ng dalawa at tumungo silang tatlo sa dance floor.




Nauna nang umuwi si Zeph dahil sinundo na siya ni Tito, ako sana ang maghahatid sa kaniya sa labas but Mikha insisted kaya hinayaan ko na lang.




"Let's dance?" Yaya bigla sa akin ni Chie but umiling ako. "Tinatamad ako, Chie, wala ako sa mood." Sagot ko sa kaniya na nakanguso. "Oh! Come on, Baby! Ngayon na nga lang ulit kita makakasayaw." Sabay hila niya sa akin agad at wala na akong nagawa, nagpatangay na lang ako patungong dance floor.




Pero bago ako nakarating sa dance floor habang hinihila ako ni Chie ay lumingon muna ako kay Jhoanna na diretsong ininom lahat ng alak sa baso.




Kailan ka pa natutong lumagok nang gano'ng karaming alak, Jho?






TO BE CONTINUED...

Comment