Kabanata 9

Kabanata 9


Dedma





        Hindi ako nakatulog ng gabing yun.  Sari-sari ang nararamdaman ko. At ngayon ko lang hindi ma kontrol ang sarili ko sa pag iisip. Putcha talaga'


May araw din sakin yang Auel Salcedo na yan! Akala ko pa naman mabait sya kasi sinoli nya sakin ang ID at Wallet ko. Yun pala, Wala syang PUSO!!
Palibhasa di nya alam ang pinag daanan ko para lang mapalitan yung eyeglasses nya!
Tsk.


Kung alam ko lang na itatapon nya lang pala, sana di ko na lang pinilit ibigay sa kanya! Sana sa iba ko nalang binigay! Sa mas nangangailangan!



Nakakabwisit sya'
Seems like napa kagulo nyang tao! Tinulungan nya ko in some ways, pero nung ako naman yung nagiging mabait sa kanya, Para syang ewan!
Tatanggapin nya, tapos..


ITATAPON NYA LANG? Anong klase yun diba?


Kung alam ko lang din na dito rin pala sya nakatira sa apartment na to, at sa katabing unit ko pa, sana naghanap na nga lang talaga ako ng Condo!



"Oh Hija, kamusta ang pagtuloy mo dito sa apartment? Okay naman ba?"- bati sakin ng care taker ng apartment nang makasalubong ko sya sa Ground Floor.


"Okay naman po lola"- ngumiti nalang ako, kahit ang totoo medyo badtrip ako ngayon.


"Kamusta naman yung bagong Owner ng katabing unit mo ? Magkasing edad kayo nun. "-
Nakangisi sya na para bang may ibang meaning sa sinabi nya.



"Ah eh.. Haha di ko pa po nakikita kung sino sya Lola eh,"-napakamot nalang ako sa pagsisinungaling ko


Tama to. Mas better kung walang makakaalam na kilala ko yung kutong lupa na yun.


"Ah ganun ba, sabagay.. Last Two Weeks lang sya nung lumipat dito eh, kaya malamang eh hindi pa kayo nagkakakilala"-


Last 2 Weeks ba kamo?
Aha! Positive. Last 2 weeks din nung makarinig ako ng maiingay na kalabog sa Unit . Baka nga sya yung naglilipat ng mga gamit dun kaya maingay.


"Ah hehe siguro nga po"-


"Alam mo ba hija...."- hinawakan nya ang braso ko na parang may iku kwento.


"Napansin ko nun na Ka-Poging Binata nun, kaya naman nung naghanap sya ng Bakanteng unit, yung sa katabing unit mo na kaagad yung sinabi ko. Bagay kasi kayong dalwa"-
Woah! Pabulong nya pang sinabi sakin yun . Na para bang kinikilig sya samin.


tumawa sya ng malakas bago ako tuluyang tinalikuran.


What the--


Ewww!! Yuck!!! YUN? POGI? Saang part? Eh ang sungit sungit nun! Ang gandang tirisin!


---


Nang makarating na ako sa school. Hanggang Ngayon ba naman ay yung Jael na yun parin ang usap usapan sa campus.


Nakakasawa


Pero hindi ko magawang mag bingi bingihan ngayon dahil una sa lahat, wala ang bestfriend ko.


Ang Earphone at Cellphone ko.



Oo. Wala ngayong music na nakakabit sa tenga ko dahil nabasa yun ng ulan.
Remember the day na akala ko ay Mare rape /holdap ako ni Auel?
Sa sobrang lakas ng ulan nun, at wala pa akong payong. Nabasa ng sobra ang bag ko pati na rin ang nasa loob nun. Pati Sketch pad ko na damage din.


Pero hinayaan ko na lang.
Maybe this coming Weekend nalang ako bibili ng bagong Phone at Earphone. Importante kasi, baka tumawag sina Mommy. O.A pa mandin yung mga yun everytime na hindi ko masagot tawag nila, akala nila palaging may kung ano nang nangyari sakin


Kaya Kailangan na rin makabili ng bagong Phone.



--
Half day lang ang klase namin ngayon dahil may Conference daw ang mga Teacher ng mga grade 8 kaya naman tanghali ay nakauwi na agad ako




Paakyat na ako ng 2nd floor nang makasalubong ko sya.
Oo. Si Auel Sungit Kutong Lupa.


Hindi na Salcedo ang apelyido nya para sakin! SUNGIT KUTONG-LUPA NA!
Bagay lang naman sa kanya '


And Guess What?
Naka bihis sya ng Uniform. Seems like ngayon lang sya papasok sa school. Siguro ay hindi ko sya ka Year-level kasi may pasok sila eh. Kaming mga grade 8 ay Wala.


At..
Suot nya yung eye glasses!
Medyo natuwa naman ako. Pa Choosy pa sya eh! Gagamitin din pala nya! May patapon tapon pa sya sa basurahan eh. Kukunin rin naman pala nya wahahaha



Heto na naman ang paligid.





Bigla na naman bumabagal ang lahat.


Ang pag kurap ng mata nya sa ilalim ng salamin nya.


Ang bawat paghakbang nya pasalubong sakin.


Pati na rin ang..
Bawat pag hinga ko.
Tila sobrang bagal ng lahat ng yun.



Unti unting nag tama ang mga tingin namin. Napatigil ako sa paglalakad.
Ang mga mata nya. Nangungusap na naman. Minamagnet na naman nito ang buong atensyon ko. Ang buong sistema ko. May kakaiba na namang nangyayari sakin.


Hanggang sa ibaling na nya ang tingin sa ibang direksyon. At nagpatuloy na ang mabibilis nyang lakad.
Napailing nalang ako at kinalog kalog ang ulo ko para matauhan sa nangyayari.


Dinedma ako?



Sus. Akala mo naman.. Eh ano naman kung dinedma nya ko? Yuck! Kaya ko rin naman syang di pansinin noh.


Nang makarating na ko ng 4th floor ay pasimple kong tiningnan ang basurahan sa tapat ng unit nya. Para lang may ikumpirma. ツ


P-Pero bakit ganun?


Nandun pa rin yung case. At pati na rin yung Eye glasses na binili ko sa loob nun. Nandun parin? So ano yung suot suot nya kanina? A-akala ko eto yun!


Yun pala hindi.


So ibig sabihin nun, bumili sya ng bago. At yun yung ginamit nya. Ano ba talagang gusto nyang palabasin? Na hindi nya kailangan nung binili ko?


Kasi kaya nyang bumili?


Ginawa ko lang naman yun para wala na akong atraso sa kanya. At hindi para tapakan ang Ego nya na kaya nyang bumili nun.


Sana talaga, HINDI KO NALANG BINIGAY Kung alam ko lang na masasayang lang.


Sige. Kung gusto nya ng ganto yung tratuhan namin, Go. Pagbibigyan ko sya, di na ko magiging mabait pa sa kanya kahit kelan. Tutal. Wala na naman akong atraso diba, napalitan ko na yung eyeglasses nya kahit di nya tinanggap. Atleast napalitan ko.


Kung gusto nyang dedmahin namin ang isat isa,
Edi DEDMA!


Sino ba sya sa akala nya? Sungit na Kutong Lupa!


__


Tinigil ko na rin ang pag iisip sa Auel na yun dahil wala lang naman sya.


Kaya di na worth it isipin pa kung anong klase syang tao


Matapos kong magbihis ay Nag siesta na muna ako, tanghali ngayon. At Sobrang sarap matulog.


At sa kalagitnaan ng mahimbing kong pahinga, ginising ako ng malalakas na katok sa Pinto ng Unit ko.


SINO KAYA Itong Kumakatok?
Istorbo eh.


_____________________________________

Comment