Kabanata 8

Kabanata 8


Sayang Effort



   
     Weekends na ngayon. Exactly 8:30 nang magising ako. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay medyo late ako gumigising dahil wala naman pasok.
Agad pumasok sa utak ko ang tungkol sa Eye glasses ni Auel.


Ano kayang grado ng salamin nya?


Ayoko namang puntahan na naman sya sa unit nya, or istorbohin sya. Baka kasi nagpapahinga pa yun. At isa pa, baka isipin pa nun papansin ako masyado kaya ako punta nang punta dun


Ilang minuto din akong nagpalakad lakad sa tapat ng unit ko. Pabalik balik ang lakad ko, baka sakaling makaisip ako ng dapat kong gawin.


Paano ko kaya malalaman ang grado ng Eye glasses nya nang hindi nagtatanong sa kanya?







Hayyysss... No choice.









Nakaka mukhang tanga man isipin, Pero heto ako ngayon sa Tapat ng Bahay na tinaguan ko nung napagkamalan ko syang Holdaper/rapist.




Oo
Tama, nandito ako at ginagalugad ang daan, ang gilid ng daan.. Pati yung damuhan dito, ginalugad ko na din.


Napakamot na lang ako sa ulo ko nang hindi ko makita kahit bakas ng bubog ng salamin ni Auel.






Napabuntong hininga nalang ako
Pano na to? Nandito lang naman yun kahapon eh, tsaka nakita ko na yung isang side lang yung basag na basag kahapon, the other side parang gasgas lang.



"Neng! Anong ginagawa mo riyan?"-
Sigaw sakin ng isang babaeng nasa 30+ na ata ang edad. Mukhang sya ang may ari ng bahay.


"Ah eh.. May hinahanap lang po na Eye glasses ate, "-nginitian ko na lang sya at nagpatuloy sa paghahanap



"Ay Eye glasses ba kamo Neng?
Yung basag ba na kulay itim ..jan sa Gitna ng daan kahapon ?


"Opo, yun nga po"-


Napakamot sya sa ulo at tumingin sa garbage bag dun sa gilid ng bahay nya,


"Ay neng, nakita ko nga kahapon
Ang kaso ay tinapon ko na riyan sa garbage bag, baka kasi may makatapak pa neng"-


"D-Dito po sa garbage bag?"-sabay turo ko sa sinasabi nya


"Oo neng,'-


Putcha naman oh! Anak ng Tokwa!
Bakit naman sa Garbage Bag! Hoooo!!!
So ano? Hahanapin ko ngayon yung salamin na yun sa sandamakmak na basura na yan?


No choice na naman!
"Ate.. P-Pwede ko po bang hanapin sa loob ng garbage bag nyo yung salamin? Importante lang po eh"-


Pumayag naman yung babae at dahan dahan ko nang sinimulan ang pagbukas ng plastic na yun.


Pagbukas palang, tumambad na sa ilong ko ang kakaibang amoy, muntik pa akong maubo sa sobrang baho.
Ano pa nga bang ieexpect ko? Eh halo halong  basura nakalagay dito eh


Meron pa nga atang diaper



Kinapa ko yun isa isa, at inilagay ang bawat madampot ko sa gilid hanggat di ko pa nakikita ang hinahanap ko.
Matapos ang ilang minutong paghahalungkat ng mabahong garbage bag na yun, sa wakas may natanaw akong pag asa


Yung kulay itim na yun.


Agad kong dinampot yun sa gitna ng iba ibang trashy things


"Aray!"-
sh-t naman oh! Nabubog pa yung daliri ko!


Medyo maliit lang yung hiwa, pero tuloy parin yung pagdudugo


Sa wakas nakuha ko na din yung eye glasses, tama ako. Buo pa nga yung kanang part nun. Gasgas lang ang meron


Okay na to,
Binalik ko na kaagad yung mga basurang ikinalat ko sa gilid ko para lang mahanap to. Nagpasalamat nalang ako sa may ari nung bahay at agad nang bumalik sa apartment.



Naghugas kaagad ako ng kamay , at nilagyan ng band aid yung hiwa sa daliri ko.


Malapit na rin magtanghalian kaya naman dali dali na akong naligo at nagtaxi papunta ng Eyesight Center Store.


Malayo layo rin yun. At inabot pa ng ilang oras bago Maibigay sakin yung bagong eye glasses. Di naman daw ganun kataas ang grado nun, parang wala pa nga daw grado talaga.


Buti naman at may nahanap na katulad din ng style. Ganun na ganun. Plain Black lang .
Mas okay na to, para parang yun lang ding dati yung suot nya.




Umuwi na ako nang apartment at inabot na ako ng alas tres, nagpa deliver nalang ako sa fast Food na favorite kong kainin, At Para akong patay Gutom lumamon.
Bigla kong naalala na Gatas nga lang pala yung laman ng tiyan ko mula kaninang umaga.



My Gosh! Pinahirapan ako ng Eye glasses na yun ah.


Bukod sa ginutom ako, hinarap ko pa ang sari saring bacteria sa basurahan para lang mahanap yun.


Pasalamat talaga yang Auel na yan at mabait ako. Kung Wala lang akong atraso sa kanya, di ko ito gagawin.








Di ako mag eeffort nang ganun para lang mapalitan yung salamin nya.




______


Kinabukasan, nag pa Laundry ako kaya maybe.. Bukas ko nalang ibibigay sa kanya tong bago nyang salamin,
Tutal bukas pa naman nya to kakailanganin kasi bukas pa ang pasukan.


Di naman daw pala ganun kalabo mata nya eh. Kaya for sure, sa notes nya lang yun ginagamit . Kaya bukas nalang 



__________
Monday Morning.


    Sobrang aga ko na naman nagising.
At nang makabihis na ako, agad kong kinatok ang Unit nya.


Nakatatlo na akong katok bago nya pagbuksan. Tagal ha.


Topless sya ngayon.
MY -G!


Ang puti nya. Ang linis linis nyang tingnan, para nga yatang wala syang libag sa katawan. At yung...
Yung abs nya. Shuckss!


6 PACKS ABS yun. 


Nang Nabaling sa mukha nya  ang tingin ko, para syang Kuting na bagong gising. Magulo ang buhok nya, at ang mata nya, medyo nakapikit pa.
Ngayon ko lang narealize...


Mas bagay sa kanya ang walang eye glasses. Sobrang attractive ng mata nya kahit hindi pa yun nakatingin sakin



"B-bakit?"- nagkakamot pa sya ng abs. Este! Tyan nya ng tanungin nya ko


"Ah eh.. I-Ibibigay ko lang to"-
Sabay lahad sa kanya ng palad ko na may lamang case ng salamin.


Tiningnan nya yun, at nag iba ang ekspresyon sa mukha nya.
Parang nagulat yata. Napabuntong hininga pa sya bago humarap sakin.


"Para san yan?"-
Heto na naman sya, nakabaling sa iba habang kinakausap ako
Nakakabastos na ha. Ako yung kausap pero parang hindi ako tao dahil ayaw nya kong tingnan ng diretso.


"P-Pinalitan ko yung nabasag mong eye glasses"-
Napatungo nalang ako dahil natatakot akong mag iba na naman ang ekspresyon ng mukha nya dahil maaalala nyang ako ang dahilan bat nabasag yun.


"Di na kailangan,"- isasarado na sana nya yung pinto nang iharang ko ang kamay ko


"Aray!"- taena, ang sakit nung pagkakaipit, sa wrist ko pa tumama.


Namilipit ako sa sakit, at halos mabitawan ko na nga yung salamin nya.


At alam nyo ba kung anong reaksyon ng lalakeng to?




Tinawanan nya ko.


Parang ang saya nya pa yata na naipit ako ng pinto! -



Nang maka recover ako, inilahad ko parin ang kamay ko sa kanya.


"Gusto kong ibigay to, para hindi na ko makonsensya na kasalanan ko kung bat nasira yung salamin mo dati. Kaya naman tanggapin mo na lang para may magamit ka sa school"-
Nang tingnan ko sya ulit, nahuli ko syang nakatitig sa kamay ko.
Sa kamay ko.. At hindi sa case na nakalagay dun.


"Band aid? Napano?"-
Kumunot ang noo nya at seryoso akong tiningnan.


Naghihintay sya sa sagot ko.


"Ano ba.. Male late na ko, kunin mo na nga lang! Ayoko magtagal dito nakakangalay. Mabigat bag ko!"-
Yun na lang ang palusot ko. Di ko na rin sinagot ang tanong nya kung napano tong daliri ko.


Kung alam nya lang na yung eye glasses nya ang dahilan, baka isipin pa nito na ganun sya kaimportante kaya ako nag effort ng ganun mahanap lang yun.


No way! Para lang to sa konsensya noh!





“Kulit mo.. Akin na nga, "-sa wakas ay kinuha na rin nya yun at agad sinarado ang pintuan.


Ako naman.. Dumiretso na paglalakad papuntang school. Atleast ngayon ay magaan na ang loob ko dahil wala na akong natitirang atraso sa kanya.


Mukha namang magaling na sya. At napalitan ko na yung salamin nya kaya wala nang dahilan para kausapin ko pa sya ulit.


QUITS NA KAMI.



Hindi ko na ulit sya nakita sa school ng araw na yun. Kahit nung uwian, di ko sya nakitang umuwi.


Pero nang nasa apartment na ako,
Hindi ko alam na magugulat pala ako sa makikita ko.


Nadaanan ko ang unit nya, at sumagi sa paningin ko ang basurahan sa tapat ng unit nya.


Kinuha talaga nito ang atensyon ko.


Dahil nakita ko dun ang case ng eye glasses na binigay ko sa kanya.
Yun na yun.


Lumapit ako at kinumpirma kung yun nga, at nagulat ako nang makita nga sa loob nun yung salamin na binigay ko. Bagong bago pa, at positive na yun nga yun.



Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng mga oras na yun. Basta Naiinis ako.



Padabog kong isinara ang pintuan ng unit ko .


Ang naisip ko lang nun,



Sayang lang pala ang effort ko.




____________________________________

Comment