Kabanata 7

Kabanata 7


Konsensya


 



         Inalalayan ko na lang sya pagbubukas ng pinto ng unit nya hanggang makaupo sya sa sofa ng mini sala nya .


"Salamat, O-Okay na ko dito"-
Mahinahon ang pagkakasabi nya nito at bakas sa boses nya ang pang hihina



Nilapitan ko sya lalo at idinapo ang palad ko sa noo nya, napaatras pa sya nang gawin ko iyon.
As if naman akala nya may gagawin akong kung ano sa kanya noh.


"Ang taas ng lagnat mo, ibibili kita ng Gamot sa Grocery.. Hintayin mo ko"-


Nakatitig lang sya sakin, at hindi nagresponse sa sinabi ko.


"Magbihis ka na rin, basang basa ka, baka lalong lumala lagnat mo. Hintayin mo ko, mabilis lang ako"-
Yun na lang ang huling nasabi ko bago lumabas ng unit nya.





Agad akong nagpunas at nagpalit ng damit nang makapasok na ako sa Unit ko. Kinuha ko ang Wallet ko at buo naman ang laman nun.
Nagdala ako ng payong in case na lumakas ulit ang ulan. Nag taxi nalang ako para mabilis maka punta sa store.




Bumili kaagad ako ng medicines, sa lagnat, ubo.. Sipon.. Etc. Halos buong Laman ata ng Isang medicine kit.
Kahit di naman kailangan, mabuti na yung merong stock diba


Namili na rin ako ng mga ingredients na gagamitin sa pagluluto ng Soup.
Hindi okay sakin  mga Pagkain na more on Preservatives kaya mas gusto kong ako yung gagawa ng soup nya ngayon.




Bumili na rin ako ng mga Prutas,
Ang alam ko kasi nakakabuti daw yun ng pakiramdam pag may sakit


I dont know, but maybe.. I'm doing this kasi nakokonsensya ako.




Oo.. Hindi ako friendly na tao. Hindi rin ako sanay makipag socialize. Pero may konsensya din naman ako, at alam kong this time MALI AKO. Gusto nya lang naman ibalik sakin yung wallet ko, pero ako tong OA kung mag isip ng masama sa kanya.


Na Judge ko sya kaagad.





Feeling ko tuloy ang dami ko nang atraso sa lalakeng yun eh. Una, dahil naabala ko sya sa pagdadala sakin sa Clinic nung nawalan ako ng malay, then next is napagbintangan ko sya kaagad.
Napagkamalan ko syang RAPIST. HOLDAPER pa. Tapos pinaghahampas ko pa sya ng kahoy. MY-G!





Hoooooooooo. Tapos, nabasa pa sya nang sobra sa ulan para lang mahabol ako at maisoli sakin yung wallet ko


Kaya naman alam kong kahit hindi nya  kailangan, or kahit magsinungaling sya na OKAY LANG SYA. Somehow, kailangan kong bumawi sa kanya.




Napakamot nalang ako sa ulo ko habang iniisip yung mga katangahan kong yun.




"Miss, bale 1,200 po lahat"- binigay na sakin nung sales lady yung pinamili ko at nag bayad na ako kaagad.


Madali akong nakakuha ng Taxi Pabalik ng Apartment. Dumiretso kaagad ako sa tapat ng unit nya.


Kinatok ko yun, at pinagbuksan naman nya ako.






Nanliit pa ang mata nya nang titigan ako, at maya maya pa. Hinayaan nya rin akong pumasok sa loob ng unit nya.
Napansin ko rin na nagpalit na sya ng Plain Green na shirt at Pajama.


Lalo tuloy nahalata ang skin tone nya, may kaputian sya kumpara sa karamihang kulay ng mga lalake.
But still, masculine syang tingnan. Dahil sa Kilay at mata nya. Plus yung ilong nya pa, ang tangos.


Naupo sya sa Sofa habang Tinitingnan akong ilapag ang mga pinamili ko sa mesa nya.


Naramdaman ko ang Paglalakad nya sa likuran ko.


      
"Anong ginagawa mo?"-
Nakakunot ang kilay nya habang nakahalukipkip sa likuran ko


Hinawakan nya nalang bigla ang wrist ko para pigilan ang pag hahalungkat ko ng mga binili ko sa grocery. Naramdaman ko na naman ang init nya. Nakakapaso.
Tinanggal ko kaagad ang kamay nya.


Hinarap ko sya nang naka pamewang


"Ano pa? Edi magluluto ng soup!" -
Naglakad na ko papunta sa kitchen nya nang hawakan nya ulit ako sa braso .


Ang init parin ng kamay na yun




"Di mo na kailangan magluto. Kaya kong magluto para sa sarili ko. At isa pa, di naman tayo magka ano ano. Don't act like you're a friend"-
Medyo malalim ang ibig nyang sabihin dun, at masakit ang meaning nun. Pero para sa ikakapanatag ng konsensya ko kaya ko ito ginagawa.




"Kailangan bang magkakilala tayo? Look, I'm doing this para Quits na tayo. Pagkatapos nito, wala na akong atraso sayo"-
Tinalikuran ko na sya at dumiretso sa kusina ng apartment nya.


Malinis at organized ang mga gamit sa kitchen ng lalakeng ito kaya naman mabilis kong nahanap ang mga gagamitin sa pagluluto.
Mabilis lang kung iluto itong Shrimp Soup kaya naman after ilang minutes ay tapos na ako.



Dala dala ko iyon nang maingat .



Nakahalumbaba sya sa mesa na kala mo ay sobrang lalim ng iniisip nya.
Ipinatong ko dun ang Soup na niluto ko at nagdala pa ako ng dalwang cup na lalagyan para samin.


Umupo ako sa katapat nyang upuan at doon lang sya natauhan na nasa harapan nya na pala ako




Malamlam ang mga mata nya ngayon
Halatang wala syang lakas para kumain



"Kumain ka kahit konti, para makaalis na ako "-
Tinaasan ko sya ng kilay kaya naman kahit parang ayaw nya, napilitan syang kumuha at tumikim ng niluto ko.


Humigop sya nito at diretsong tiningnan ako.
Di ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nya. Hindi ko alam kung may balak na naman ba syang magsalita o yung mga mata nya naman ang mangungusap sakin.


Naubos nya rin naman ang isang cup ng soup na iyon at agad kong kinuha ang binili kong mga gamot.


"Inumin mo yan, pagkatapos mong kumain, at yung mga Prutas kainin mo rin. Nandun lang sa mesa sa kitchen"-
Inilahad ko agad ang isang Capsule na para sa lagnat /trangkaso


Kinuha nya naman at ininom na rin.




"Salamat"-matabang nyang sabi matapos kong iligpit ang pinagkainan namin.


Woah! TOTOO BA YUNG NARINIG KO?
NAGPASALAMAT ANG MASUNGIT NA TO?



Magpa Fiesta kaya ako? What do you think. Hahaha




"Its Nothing, Para lang to sa mga atraso na nagawa ko sayo"-
Nginitian ko nalang sya.



"I know, But still. Thank You. You dont know me, pero tinulungan mo parin ako in some ways"-
Heto na naman sya, nag iiwas ng tingin.


Well.. He's right. I dont know him.
Even he's name nga, hindi ko alam eh.



Naglakad na rin ako papunta ng pintuan nya.
"Sige, pag may kailangan ka . Just knock at my door. Sa katabing Unit mo lang ako"-
At sa pagbukas ko ng pintuan nya para lumabas na.. Doon ko narinig ang di ko inexpect na sasabihin nya.






"Auel..
Auel Salcedo. Is my name"-
Ngumiti sya sakin. At this time. Medyo totoo ang ngiting yun.


Ngumiti nalang din ako bago tuluyang umalis sa unit nya.




His name is “AUEL”


“AUEL SALCEDO”


“Auel”


“AUEL”




Paulit ulit yun nag eecho sa tenga ko bago ako matulog.
I dont know what to feel. Am I Going to be happy because I Finally Know His Name?


Nang gabing yun, patuloy parin ang pag ulan ng malakas. At kasabay nito ay ang patuloy ko ring pag iisip sa dami ng nangyari sa araw na ito.



Ako ba talaga to? Paano nya nagawang agawin ang atensyon ko... Parang masyado naman ata akong naging concern sa isang yun ah.


Well.. Talaga naman dapat ko lang syang tulungan kasi ako ang may kasalanan at nag mamagandang loob lang naman pala sya sakin.


Sa gitna ng marami kong iniisip. Biglang sumagi ang tungkol sa eye glasses nya kanina.




Isa pa yun! Paniguradong kailangan nya yun, at ako rin ang malaking dahilan kung bakit nabasag yun.


Malabo kaya ang mata nya kaya sya nagsusuot nun?
Kung ganun, for sure kailangan nya yun sa school. Sa pag aaral.






Maybe I should Buy Him One.


___________________________________

Comment