Kabanata 6

Kabanata 6


Holdaper


   


        Matapos ang nangyari ay hindi ko na ulit sya nakita pa sa bldg. 7A nung mga sumunod na araw, Wala naman akong balak hanapin sya kahit saan dahil sa lawak ng school na ito ay malabong mangyari yun kung hindi sya ulit mapapagawi dito sa tambayan ko


At isa pa, wala naman akong pakielam
Kung sino ba talaga sya ang alam ko lang ay ang apelyido nyang Salcedo
At wala akong balak ipagtanong ang pangalan nya sa kahit na sino



Ang mahalaga ngayon ay naisoli na sakin ang ID ko. Dahil ito ang mas importante


Last Day of Intramurals



Friday na ngayon at halos lahat ng staff ng school Organizations ay busy sa pag aayos ng lahat, ang last Portion ng Pageant ng MS. & MR. Intramurals, at ang mga announcement ng bawat winners sa ibat ibang Sports Category


Actually, wala na naman akong balak manuod. Puro kayabangan at pagpapakitang tao lang naman ni Jael ang makikita ko doon eh. Kaya Nonsense lang


Buti na lang at palagi kong bitbit ang sketch pad ko



Marami rami na rin itong laman ngayon dahil sa sunud sunod na araw na bored ako


Nang matapos ang Awarding at celebration ng mga nanalong estudyante.. Agad na rin nagsi balikan ang lahat sa kanya kanyang room


"Sabi sayo eh, mananalo talaga si Jael My Loves"-
Halos mangisay na sa kilig si Marion, yung number one fan ni Jael sa room


"Sa gwapo ba naman nyang yun diba, kulang nalang pati mga judges magkagusto sa kanya"- sabay tawa ng bakla kausap ni Marion


"How about you Ash, Ikaw.. Nagagwapuhan ka rin kay Jael nuh"-
Kinuhit pa ni Marion ang tagiliran ko na feeling nya close kami..


"Sali ka sa Fans Club namin daliiii"-
Binigyan ko lang sila ng blangkong ekspresyon kaya naman nilubayan na nila ako kaagad


Wala silang mapapalang response sakin
Lalo na sa Jael na yun.


Kung alam lang talaga nila pagkatao ng Jael na yun!
Ewan ko ba at bakit parang Patay na patay silang lahat dun. Palibhasa.. Sa panahon ngayon eh puro yung nakikitang maganda nalang ng mga mata yung nagugustuhan ng mga tao.




Well me, I Dont wanna be like them if ever na magkagusto ako sa isang tao.


Wait. Naisip ko yun? Hahaha
Hayyyy... Kung ano ano na naman naiisip ko.




Eh malabo naman akong magkagusto sa kahit na sino. Ngayon pang hindi parin ako nakakamove on sa past, walang magtatangka sakin,


Dahil bukod sa wala akong interes sa kahit na sino.. Wala rin akong balak pansinin na mga guys.




Although maraming nagpapapansin sakin sa school, kahit isa sa kanila walang nakakuha ng konting atensyon ko



Puro lang sila yabang


Ang gusto kasi ng mga lalakeng yun ay may maipagmalaki lang sila sa barkada. At hindi iyon totoong pag ibig kung ganun.





Halos buong araw din puro C2 at Chunkies ang laman ng sikmura ko.. Kaya naman nung uwian na talagang nakaramdam ako ng sobrang gutom


Sakto at may tindahan ng burger dito sa labas ng gate. Pumunta ako dun at agad bumili ng dalawa. Hinugot ko sa bulsa ko ang perang madampot ko. Ibinayad ko yun at hinayaan ko na ang sukli.



Pero bago pa ako makaalis ay napansin ko ang isang lalake na naka yuko sa gilid ng tindahan kanina pa..
Naka Jacket sya ng Black. At pants na black rin. Kulay black din ang rubber shoes nya.


Halata bang favorite color nya ang itim?


Naka Hood sya kaya naman natatakluban nito ang mukha nya na kanina pa naka yuko.
Napatitig ako sa kanya nang mapansing sa direksyon ng paa ko sya nakatingin.



Hindi parin sya natitinag. Na para bang hindi nya alam na tinitingnan ko sya


Anyways.. Never mind na nga lang
Ang weird lang nya eh.



Umalis na ko sa tindahan nang nakuha ko na yung order kong dalwang burger. Nag umpisa na ko maglakad pauwi sa apartment.
Ilang kanto pa ang kailangan kong lakarin.


Biglang bumuhos ang ulan kaya naman bago pa ako mabasa nang sobra ay sumilong na ko sa pinaka malapit na puno dun.





Ngayon pa ako hindi nakapagdala ng payong


Sh-t naman.


Ewan ko rin ba sakin at hindi ko hilig magdala ng payong kahit pa innanounce naman sa News na Tag ulan na.


Ayan tuloy. Palagi akong nababasa ng ulan kapag gantong panahon



Sumagi bigla sa gilid paningin ko ang isang pamilyar na taong papalapit sa direksyon ko.



Dahan dahan syang naglalakad sa ilalim ng mga patak ng ulan na unti unting dumarami sa bawat segundo
Nakalagay ang dalawang kamay nya sa bulsa at nakayuko parin sya.


At lower part lang ng mukha nya ang nakikita dahil sa nakataklob na hood sa ulo nya.




Sino ba yun?
Bakit napaka weird naman ata kumilos




Luminga linga ako sa paligid at narealize kong walang ibang tao dito kundi ako lang at sya na papapunta na sa eksaktong direksyon ko.
Di ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na yun


Habang papalapit sya nang papalapit, unti unti akong nakakaramdam ng takot. Bakit naman sya pupunta dito?




Wait.


Is he planning to rape me?
Or else..


HOLDAPER SYA? At saktong walang ibang makakakita samin ngayon kaya sinusundan nya ako


WAAAAAAAAHHH!!!!






Kumaripas kaagad ako ng takbo papalayo sa kanya. Hinayaan ko na lang ang bag at sarili ko na mabasa sa lakas ng ulan


Lumingon lingon parin ako sa likod habang tumatakbo..
Hanggang sa.....


PAKKKK!!! Sagalpak ang mukha ko sa Lupa. Sh-t!
Yung lace ng sapatos ko, kanina pa pala hindi naka sintas, natapakan ko yun kaya nadaplag ako ngayon.




Tinali ko agad yun nang mabilisan at kumaripas pa ako lalo ng Takbo.
Positive!


Ako talaga ang sinusundan nya dahil nung tumakbo ako, tumakbo na rin sya.


Patay! Lagot na! Ano nang gagawin ko!!


Gusto ko sanang sumigaw, humingi ng tulong pero paniguradong walang makakarinig sakin, dahil sa sobrang lakas ng ulan hindi maririnig ang boses ko sa sobrang hina


Tumakbo ako nang tumakbo kahit halos lahat ng suot ko .. Pati Undies ko ay basa na rin.




Nang lumiko na sa kanto, agad akong naghanap ng matataguan.
Sumandal muna ako sa gilid ng Isang bahay dun habang hinahabol ang pag hinga ko


Anong gagawin ko ngayon.. Papalapit na sya ng papalapit, at baka sundan nya ako sa apartment pag lumabas ako dito sa pinagtataguan ko


Lord! Please save me this time. Mabait na bata naman po ako




I was so Confused kung anong dapat kong gawin.



Pumasok na lang bigla sa utak ko na kunin ang kahoy sa gilid ng bahay na yun at Hawakan iyon ng mahigpit habang hinihintay ang kung ano mang balak gawin nya


Mabuti nang mamatay nang lumalaban!



Hinahabol ko padin ang paghinga ko.. Basang basa na ako ng ulan at medyo Blurry na rin ang paningin ko dahil sa raindrops sa pilikmata ko



"Miss!"- biglang may malakas na pwersang humawak sa braso ko.


Pumikit nalang ako at bigay todong pinag hahampas ang lalakeng yun gamit ang kahoy na hawak hawak ko.


Mabigat yun, pero worth it naman dahil naipagtanggol ko ang sarili ko kahit papano.




"Aaaaaaaaaaaaa!!!" -patuloy lang ako sa pagpalo nito sa katawan nya, hindi ko alam kung san ko sya natatamaan dahil nakapikit akong ginagawa yun


"Arayyyyyy!!! Tama n---"


"Tulong!!!! Rapist! Holdapeeeerrrr!!"-
Nagsisigaw na ko habang hinahampas sya ng buong lakas


Unti unti ko nang inimulat ang mga mata ko nang itigil ko ang paghampas sa kanya




Nakabalandra sya ngayon sa daan habang hawak hawak ang braso nya
Nakita kong namimilipit sya sa sakit




"Ano! Akala mo hindi ako manlalaban ha? Bagay lang sayo yan!"-
Dinampot ko ang bag ko na kanina pa pala nahulog dahil sa lakas ng pag hataw ko ng kahoy sa kanya




"Shit!-" mahina nyang sabi


Kaya naman napalingon ako ulit sa kanya


Namimilipit padin sya sa sakit at di parin sya makagalaw sa pwesto nya


Bigla syang tumingala sakin..






At muli kong nakita ang mukha nya










May halong lungkot at inis ang mga titig nya sakin.
Pero ganun parin ang dating ng mga matang yun. Nangungusap parin.


Tumingin sya sa gawing kanan nya at nakita ko dun ang basag nyang eye glasses.



Hindi ko alam pero dinalaw ako ng kaba.
Bakit parang may mali


Unti unting humihina ang pagpatak ng ulan kaya halos matuyo narin ang buhok ko sa lakas ng hangin




Ilang minuto pa bago sya makapag salita..


"Buhay nga naman oh-"
Mabibigat ang buntong hininga nya..
Pinilit nyang tumayo, may kinuha sya sa bulsa nya at ipinakita yun sakin


Nanlaki ang mga mata ko


"Nahulog mo ata kanina sa tindahan"-hindi sya tumitingin sakin,nakatungo lang sya
At bakas sa boses nya ang panghihina



Kinapa -kapa ko pa ang bulsa ko bago mapagtanto na positive nga! Yung wallet ko! Yun nga yun! Minions yun na bilog, wala yun sa bulsa ko..
Yun angHawak nya  ngayon


"Gusto ko sanang isoli pero tumakbo ka"-
Kinuha ko na sa kamay nya yung wallet ko at napa iling nalang ako sa sarili kong katangahan


Hinawi nya ang buhok nya gamit ang kamay at pa ika- ikang sinubukang maglakad


Nakakahiya yung ginawa ko!


SOBRA😒



"Sorry akala ko kasi---"
Tiningnan nya lang ako saglit at tumuloy na sa paglalakad


Hindi sya nag response sa sinabi ko



Bakit? Di ko naman talaga sinasadya ah! Malay ko ba na hindi pala yun katulad ng mga napapanuod ko sa news eh.. 
I just want to protect myself 


Yun nga lang maling akala pala


Hinabol ko sya na ngayon ay nauuna nang maglakad sakin, hanep din tong pilay na to eh hahaha


"Ihatid na kita sa inyo? Baka di mo kayang---"


"You better Go home, hindi ko kailangan ng tulong"-
Nagpatuloy sya sa paglalakad at dinedma lang yung offer ko




Edi wag! Ikaw na nga itong tinutulungan eh! Kasalanan mo rin naman kasi yan eh! Tinakot mo kasi ako, ayan tuloy.


Tutal ayaw nya naman ng tulong, sabi nya. Edi hinayaan ko nalang sya. Pero naglakad parin ako nang mabagal sa likuran nya, susundan ko nalang sya hanggang maka uwi sya



Nagi guilty lang kasi ako eh, feeling ko kasalanan ko . Somehow, naaawa ako kasi halatang pinipilit nya lang maglakad at maglakas lakasan.
Kahit na nakahawak parin sya sa braso nya ngayon at yung kaliwang binti nya,




Patalon talon kung ilakad nya, kaya alam kong masakit yun


Ganun ba kalakas yung pagpalo ko kanina? Grabe naman! Sumobra ata ako.







Patuloy ko lang syang sinundan sa likuran nya hanggang mapansin kong pamilyar ang dinadaanan namin ngayon.
Huminto sya sa paglalakad at dun ko nakumpirma na tama ang hinala ko


Positive!


“Bakit mo ba ako sinusundan ? Look, malapit na ko sa apartment ko Okay? Wag mo na kong sundan! Kaya ko sarili ko!"-
Masungit nyang sabi nung bumaling sya sakin saglit


Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko. Wow ha! Concern lang ako! Dahil kasalanan ko kung bat sya pilay ngayon, at pag may kung anong mangyari sa kanya kargo ko sya.
Wala akong balak sundan sya kung wala akong kasalanan sa kanya!


Ano ako stalker?


"W-What? Wag ka nga pong assuming! Di kita sinusundan..
For you information..Uuwi na ko..
SA APARTMENT KO!"-


This time umuna na akong maglakad at tinalikuran ko sya nang nagtataka ang mukha


Eh ano naman kung parehas kami ng apartment building na tinutuluyan? Pakielam ko sa kanya? Assuming nya rin'


Nang paakyat na ko ng hagdan, naisip ko kung paano sya makakahakbang dun. Ano kayang Floor ng unit nya?
Ilang steps din yun kada hagdan. Paniguradong mahihirapan syang humakbang kasi Pilay sya ngayon


Hayss.. Sabagay, sabi nya naman di nya kailangan ng tulong. AT KAYA NYA ANG SARILI NYA. Kaya bahala na sya
Although maganda yung intensyon nya sakin kanina, mali parin na sinusungitan nya nang ganun ang isang babaeng gusto lang naman magbayad ng utang na loob noh!


"Shiiittt!! "- umalingawngaw ang sigaw na yun matapos ang isang malakas na kalabog.


Nasa 2nd Floor na ko nang marinig ko yun, kaya agad akong bumaba para tingnan yun


Muntik na akong matawa nang nakita ko syang nakahiga sa sahig


Ayaw pala ng tulong ha.


Ano ka ngayon? Gumulong pabalik ng ground floor at mas lalo nyang ininda ang braso nya. Yun siguro ang napuruhan.


"Tsk"-
Bumaba ako ng hagdan at tinulungan syang makatayo ulit


"Aray, dahan dahan! Kaya ko nam---"iniwas nya ang sarili nya sakin pero this time di na sakin uubra yun


"Saang floor ka? "-
Heto na naman sya, tinititigan na naman nya ako ng ganun. Na para bang palagi nya akong kinakausap


Pero this time.. His face looks like he's anemic. Sobra syang namumutla. At ang kanina ay mapula nyang labi, ngayon ay kulay white na rin halos.


"Ano na? Saang floor ka!?"-pag uulit ko sa tanong ko dahil parang di nya yun narinig kanina


"4th Floor"


-halatang napilitan pa syang sabihin yun dahil no choice na sya ngayon, kailangan na talaga nya ng tulong


Agad kong kinuha ang kanang braso nya at iniakbay yun sa balikat ko.
Nung una ay nabigla pa sya sa ginawa ko pero hinayaan nya nalang din akong akayin sya.


Naramdaman ko ang sobrang init na temperatura ng katawan nya.
Sa Braso.. Sa gilid ko.. At hanggang sa mukha ko ay dama ko ang init nya
Nakakapaso iyon kung tutuusin.


"M-May Lagnat ka.. "- tiningnan ko sya pero umiwas ang mga mata nya , para bang ayaw nya pang amining nilalagnat nga sya.


Inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa tagiliran nya para suportahan ang likuran nya sakaling matumba sya ulit


"Tara na sa unit mo"-
Bulong ko sa kanya.
Nakatingin lang  sya sakin habang nakaalalay ako sa kanya paakyat ng 2nd at 3rd floor.




Pero hindi ko nalang pinansin ang mga titig na yun, dahil baka pag tiningnan ko yun... Baka kung ano na naman ang mangyari sa sistema ko


Patuloy kami sa paglalakad sa 4th Floor at bahagyang bumagal ang lakad nya sa UNIT 49


UNIT 49?


UNIT 50 ako ah'


So this means na dito lang pala sya nakatira sa katabing unit ko? Ow Sh-t bat ngayon ko lang nalaman to?


MAG KALAPIT LANG ANG UNIT NAMING DALAWA


___________________________________

Comment