Kabanata 5

Kabanata 5


Thank You





     Kakauwi ko palang sa apartment nang tumawag si Mommy sakin.
"Hello? Anak! Anong nangyari sayo. Tumawag sakin si Mrs. Agatha, napa clinic ka daw kanina, okay ka lang ba?"-
Sunod sunod ang mga tanong nya, at wala na akong pagkakataong makapagsalita


Kaya hinayaan ko na lng muna sya matapos



"Sabi ko naman sayo dapat dinala mo nalang yung sasakyan mo dyan sa Manila para di ka na mahirapang maglakad sa School, baka mapagod ka masyado paglalakad"


"Malapit lang po ang school"-


"Pero kahit pa, paano kung mapano ka sa daan? Paano kung madulas ka ulit somewhere?"-


"Sa school po ako nadulas, hindi sa daan"-


"Nag aalala lang kami sayo anak"-
Malambing ang tono ng boses ni Mommy, pero wala parin akong ganang makipag usap ng ganun katagal


Kahit pa sa sarili kong Mommy



"Alam ko Mom, But I'm Old enough to take care of myself"-
Narinig ko ang sunud sunod nyang buntong hininga
Ilang minuto pa bago sya nagsalita ulit


"You're just 15 Ashley, you're still young"
Nag iba na ang tono ng pananalita nya nang sabihin yun at alam ko na kung saan na naman to patungo



Napailing nalang din ako


"You're alone there, you're young to take care of your own, you need someone who can take good care of you.. You need ----"


"Mom, enough of this please"pinutol ko nalang ang kung sinong babanggitin nya dahil paulit ulit ko na lang yun naririnig since I was 10 years old hanggang ngayong Highschool na ako


That was too tiring to hear again and again.


"P-Pero anak, I just want to--


"Mom, I can take care of myself. Thanks for your time. But I need rest right now, Bye"-
Agad ko na rin pinutol ang kabilang linya


Sa wakas, ngayong nandito na ko sa Manila, mababawasan na ang pagiging Diktador nila sa buhay ko. Pati ba naman ang pag aalaga ko sa sarili ko, pakikielaman nila?




Akala ko pa naman, talagang concern ang dahilan kung bakit sya napatawag. Pero papunta parin pala sa ganun yung usapan


Business. Nanaman


Minsan, naisip ko sana naging katulad nalang ako ng ibang normal na tao. Gusto ko lang ng simpleng buhay, ayokong mabuhay dahil lang sa may responsibilidad akong magtaguyod ng Kompanya namin someday.




Ayokong matulad kina Kuya Sean, Dann at Ethan. Ayoko. Silang tatlong mga kapatid ko ang nagmamanage ng kompanya ngayong bata pa ako


Pero ang sabi kapag nag asawa na daw sina kuya, ang kahit isa sa kanila kailangan ako na daw ang mag take over sa Business namin


Putcha- wala nga akong interes sa Math Subject namin eh, sa negosyo pa kaya?
Nakakabwisit na buhay diba?


Nadagdagan pa ang bwisit na yun nang marealize kong nawawala ang School I.D ko , hindi ko na matandaan kung san ko yun nailagay


Sa Bag?
Tinaktak ko na ang lahat ng laman nun pero Wala


Hinanap ko na rin sa sofa at sa mga upuan sa kwarto ko, pero wala..
Sa banyo, ultimo lalagyan ng sabon ay hinalungkat ko na. Leche naman oh, san ko yun nailagay.
Hayyyysssssss. May Sakit na ata akong makakalimutin eh


Kahit wala akong ganang pumasok, nagbaka sakali pa din ako.
Nasa harap na ako ng school gate ngayon


Tinititigan ko lang ang Gate na yun. At nagtataka naman akong nilapitan ng guard?



"Anong meron sa gate hija?"-natatawa pa sya nang seryoso ko syang tinitigan.


"Nawawala po I.D Ko"-
Agad nabawi ang kanina ay natatawa nyang mukha.


"Naku, paano yan? Mahigpit ang school Ordinance na NO I.D NO ENTRY"- Napakamot sya sa ulo nya


Alam ko naman po. Diba nga kanina pa ko nakatitig sa Sign Board na NO I.D NO ENTRY. Kaya nga di ako pumapasok diba! Kuya ha..


Sakto naman na dumating na rin si Maam Trinidad at nahalata nya kaagad na may tensyong nangyayari


"Goodmorning Guard, what's going on Here? This is my student, may problema po ba?"-
Pabalik balik lang ang tingin nya saming dalwa ni Kuya Guard



"Ah eh, maam.. Itong estudyante nyo po kasi ay walang I.D"-


"Oh, well . Let me handle this Manong, ako na pong bahala sa estudyante ko"- tumango nalang din si kuya Guard at sumunod naman ako sa likuran ni Maam Papasok sa school


Nandun na ang mga kaklase ko sa labas ng room kaya naman halos lahat sila ay atat na atat nang makapasok dahil nasa aming dalwa ni Mrs. Trinidad ang susi ng Room namin


Ako kasi ang pinakamaagap kaya sakin ipinagkatiwala yung isa. Pero ngayon nagkasabay kmi ni Maam dahil sa kapalpakan ko sa ID na yun


"You know the school Ordinance Ms. Ferrer! Am I Right? Pero Hindi ka sumusunod!"-


As if naman sinadya kong makalimutan kung saan ko naipatong yung ID ko diba?


"I don't want this to happen again, Is it Clear ?"-


"Sorry po"-nakatungo parin ako dahil ayokong makita ang mga ngiting asong pagmumukha ng mga nakapalibot sakin


"Okay then, Find that as soon as possible! Alalahanin mo kung saan mo yun nailagay! Dahil next time hindi na kita isasalba sa guard na iyon"-
Naging kalmado naman ang boses nya ngayon


At matapos ang mga sermon nya,
Pinapunta na kami sa Event Court para sa 2nd Day ng Intramurals.
Lahat kami ay kailangang manuod ngayon dahil ngayon ipapakilala ang mga muse at escort na napili sa buong campus and for the next days ay ang Sports attire, Talent Portion at ang question and Answer Etc. Nila


Paano naman akong makakapag enjoy sa ganito kung ang nasa isip ko ay kung saan ko talaga nailagay yung ID ko
Paano ako papasok bukas nito.
Ekk-


Patuloy lang ang pag rampa ng bawat candidates, panay ang hiyawan nila lalo na ng si Jael Quizon na ang naglalakad sa Gitna ng event court


Kung alam lang nila


Hindi ko nga rin alam kung bakit halos lahat sila ay baliw na baliw doon sa lalakeng yun samantalang gwapong mukha lang naman ang meron sya


Pero magaspang ang pag uugali


"Hooooo!!!! Goooo Jael!!!!! "
Nakakabinging sigaw ng nasa likuran ko


"Strip Quizon Strip!"-


"STRIPPPPPPP!!!!!"- Padami na nang padami at palakas na nang palakas ang hiyawan na iyon


Nginitian lang sila ni Jael na parang Pa humble effect pa sya.


Umalis nalang ako at lumabas sa event court na iyon. Hindi ako pwede sa room pumunta dahil paniguradong mapapagalitan ako ni Maam Trinidad,


Bldg. 7A
Hindi ko alam kung bakit ito ang unang pumasok sa isip ko, pero sinunod ko nalang ang instinct ko


Patago akong naglakad papunta dun, dahil baka may makakita sakin na estudyante or worst ay teacher at bitbitin ako pabalik sa event court


Buti naman at walang nakakita sakin
Palinga linga muna ako bago tuluyang humakbang papunta sa benches dun


Biglang may nag strum ng gitara
Narinig ko na naman ang himig na yun


"You walked into the room and now my heart has been stolen


You took me back in time to when I was unbroken..


Now you're all I want


And I knew it from the very first moment


Cause a light came on


When I heard that song
And I want you to sing it Again..."


Nandito na naman sya


Nakapikit habang memoryadong iniistrum ang gitara nya


Seems like kabisadong kabisado na nya ang mga Chords na ito


Bakit parang pakiramdam ko magkatulad kaming ayaw sa mataong mundo?
Parang parehas namin gusto sa ganitong lugar at Gusto namin sa Mundo ng Musika


"I swear that every word you sing
You wrote them for me...


Like it was a private show, I know you never saw me


When the lights come on and I'm on my own


Will you be there to sing it again..


Could I be the one you talk about in all your stories


Can I Be Him...."


Bigla syang huminto sa pag strum ng gitara nya matapos ang huling salitang kinanta nya.


Nakapikit parin sya


"Gusto mong matuto mag gitara?"-
Walang nagbago sa ekspresyon nya at nanatili parin syang nakapikit nang sabihin iyon


Tiningnan ko ang paligid nya,


Sinong kausap nya?


Bumukas na ang mga mata nya, at diretso ang titig nya sakin,


Gusto kong mag iwas sa mga titig na iyon dahil parang may kakaiba na naman itong ginagawa sa akin, pero kahit anong pilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko, hindi ko magawa


Parang MAGNET ang mga titig nya na hinihigit ang buong atensyon ko.


"Ikaw ang kausap ko.."-malamlam ngayon ang mga mata nya habang binibigkas ang mga salitang yun


"Gusto mong magpaturo kaya ka nandito?"- hindi nagbabago ang hilatsa ng mukha nya


Tumaas lang ng kaunti ang kaliwang kilay nya nang mamalayang hindi parin ako sumasagot


This time hindi ko na sya pwedeng iwasan pa ulit, dahil baka kapag ginawa ko yun kung ano pang isipin nya


I have to act like normal


"No, I'm not. Hindi ako interesado"-


"Then Why are you staring at me and my guitar?"- tumayo sya at inilagay ang kanang kamay nya sa bulsa


"Actually, nandito lang ako kasi ayokong manuod dun"-
Yun lang naman talaga eh. At hindi ko rin naman alam na nandito sya


Nanaman.


"Okay then, "-


Tinalikuran ko na sya , babalik nalang ako sa event court kung andito rin naman pala sya


"Ashley Keith Ferrer"-
Kakaiba ang pag banggit nya sa pangalan ko, ewan ko kung ano pero kakaiba talaga ang bawat pagbigkas nya dito


Napahinto ako sa paglalakad


Nilingon ko sya nang nagtataka


Paano nya nalaman ang pangalan ko?


Napansin nya ang nagtatakang hilatsa ng mukha ko kaya agad syang nagsalita ulit


"Ashley Keith Ferrer right?"-nakangisi pa sya habang sinasabi yun


"P-Paano mong---"


"Remember Yesterday?Nung Tatakbuhan mo sana ako at nadulas ka, Nawalan ka ng malay
Bago kita Dinala sa clinic.. Nahulog mo ito"
May dinukot sya sa bulsa nya at nakita ko ang ID ko


"Nasa sayo lang pala yan"- agad akong lumapit para kunin yun sa palad nya at inilagay sa bulsa ng palda ko


"Naputol yung lace nyan, kaya tinahi ko na muna bago isoli sayo. Ako yung dahilan bat ka nadulas kaya inayos ko"-
May point naman sya


Pero kung hindi rin dahil sa kanya,  baka kung napano na ako kung di nya ako kaagad dinala sa clinic


"Hmm.. Salamat"-
Ngumiti ako ng kahit papaano at parang ngayon ko lang ito ginawa


"Thank You.. Lalo na sa pag dala sakin sa Clinic"-
Tinalikuran ko na sya bago pa sya makapag salita ulit


Maybe thats enough to say Thank You..


Nothing more


______________________________________
[Insert: the song (CAN I BE HIM ni: James Arthur)


@Author_himuah!!!

Comment