Kabanata 4

Kabanata 4


His Name




       Gusto kong makilala kung sino sya
Buong araw gumugulo sa sistema ko ang kung anong ginawa nya sakin


Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sakin


Natapos ang araw na yun, at hanggang sa pagtulog ay ang lalakeng yun parin ang sumasagi sa isip ko. I just can't stop my brain thinking of that guy


Ano bang meron sa kanya? B-bakit ganito ? Di kaya isa syang maligno? Lamang lupa? Na nagpanggap lang sa isang charismatic guy na nakita ko


Or maybe.. Baka imagination ko lang yun lahat? Tama, tama. Imagination ko lang yun! Tsaka bat ba ako nag iisip ng ganto.


Hindi dapat


Ayokong ma involve sa buhay ng kahit na sino, kaya hindi pwedeng magkaron ako ng pakielam sa kahit na sino. They are all none of my business


All I need is my self. Myself only


__


Buong week ang lumipas at hindi manlang nahagip ulit ng paningin ko ang misteryosong guy na yun. Kaya itinatak ko na lang sa isip ko na siguro ay dahil lang yun sa imagination ko


Di kasi ako palaging nag te take ng almusal kaya siguro , kung ano ano nang nakikita ko last week.


Busy parin ang lahat para sa gaganaping Intramurals, this week na kasi yun at magiging busy halos kaming lahat,
Well, sila lang pala


Wala naman kasi akong sinalihan kahit isa, kahit sa Art Competition ay di ko rin naisipang mag participate
Siguro ay matitira nalang ako palagi sa Room dahil wala rin naman akong interes manuod


First Day Of Intramurals ngayon..


Maaga ulit akong nagising ngayong Monday, hindi ko alam kung bakit ang aga ko na masyado laging pumasok


Pero okay narin siguro ang ganto
Marami akong magagawang sketches dahil matagal pa ang free time ko


Agad kong tinungo ang Bldg. 7A


Pero bago pa ako tuluyang makapunta dun ay may isang pamilyar na tao ang nahagip ng mga mata ko


Nakatalikod na naman sya
Kagaya ng kung paano ko sya unang nakita
Pero alam kong sya yun


This time, wala syang bitbit na gitara


Bahagya akong sumilip para makita ang ginagawa nya,


Dahan dahan, dahil ayokong mahuli na naman nya akong tinitingnan sya


Nakapikit sya, habang nakalagay ang earphone sa tenga nya.


Paulit ulit bumubukas ang bibig nya na tila ginagaya nya ang music na pinapakinggan


Seryoso ang ekspresyon ng mukha nya habang nakapikit na dinadama ang Kung anong pinapakinggan ng tenga nya


Naagaw muli ng mga mata nya ang atensyon ko.


Behind that eye glasses..
Nakapikit sya, kaya naman lalong nakikita ang makapal nyang pilik


Ang buhok nya ay tulad parin ng dati, bagsak, magulo
May suklay kaya sa kanila?
Kasi parang bagong gising na hindi nagsuklay pagkatapos maligo yung style ng buhok nya


But still fits with him


His hair, his nose, his eyes..


Lahat ng yun, parang nag dedefine ng pagkatao nya. Napaka misteryoso ng bawat detalye


Ano kayang ginagawa nya dito?
Tsaka bakit dito? Bakit ngayon ko nalang ulit sya nakita


Kasi kung tumatambay din sya dito, bakit di nagtatagpo ang landas namin samantalang last week ay dito ako pumupunta before and after class


Nakakapagtaka.
Tao ba talaga sya? O imagination ko lang lahat ng to? Lahat ng kung ano sya


Sinubukan kong kurutin at sampalin ang sarili ko dahil baka malakas lang ang imagination ko, pero di parin sya nawawala sa paningin ko


Nandun parin sya sa kinauupuan nya
Nakapikit at nili lip sync ang kanta


Dahan dahang bumukas ang mga mata nya,
Dun ko lang namalayan na nakatitig na naman ako sa kanya


At bago pa nya ako tuluyang makita, agad akong nagtago sa gilid ng bldg. Ayokong makita na naman nya ako at tumakbo na naman sya papalayo


Baka ayaw nya rin ng may taong tinitingnan sya kaya maagap rin sya kung tumambay at mag muni muni


Ilang minuto pa at muli ko syang sinilip
Dahan dahan. Unti unting paghakbang.


Pero wala na sya
Wala na ang kahit anino nya sa upuang yun


Bakit sya umalis? Imposible namang nakita nya akong tinitingnan sya


Napasandal na lang ako sa pader na pinagtataguan ko. Nang may biglang bumuntong hininga sa tabi ko
Kaagad akong napahawak sa dibdib ko sa sobrang gulat


Sobrang lapit nya sakin. At ang mga mata nya, may kakaiba talaga dun
Parang may mahikang nakapagpapatigil ng oras sa paligid


Diretso lang syang nakatitig sakin
At parang sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga ng maayos


Seryoso ang mga mata nya. Ang ekspresyon nya .. Blangko iyon at walang gustong iparating na kahit na ano


Hanggang sa kumunot nang kaunti ang noo nya at mahinahong bumukas ang mga labi nya
"Anong ginagawa mo dito?"


Ilang sandali pa bago ako natauhan sa kasalukuyang sitwasyon,
Napatulala lang ako sa mga labi nya, ang bawat pag galaw nito ay parang sobrang bagal


Ang Lungkot ng boses nya
But still sounds so mysterious.


Anong dapat gawin? Hindi ko alam'
Nasa harap ko sya. Ngayon lang ako na conscious nang ganto sa isang katulad nya. At parang nahuli nya ako na pinanunuod sya, kaya baka ang iniisip nya ngayon may gusto ako sa kanya kaya ako nandito


Baka isipin nya sinundan ko sya dito
Hello? Tambayan ko kaya ito


Ayokong makipag usap sa kanya
Nakakahiya. At isa pa hindi ako sanay


Kaya naman nagkusa nalang ang mga paa ko na talikuran sya at tumakbo pero hindi pa man ako nakalalayo sa kanya ay may kung anong bagay ang naging dahilan para madulas ako


At ang huling naaalala ko lang ay humampas ang ulo ko sa matigas na bagay bago mag black out ang lahat


__
"Oh, Ms. Ferrer, gising ka na pala, mahiga ka muna dyan at magpahinga"- bungad sakin ni Mrs. Agatha , ang incharge dito sa school clinic


Napabangon naman ako at kaagad napahawak sa ulo ko. Ang sakit! SH-T
"Mrs. Agatha.. P-paanong--"nagtatakang tanong ko


Napangisi naman sya at parang natatawa pa nga ata sa tanong ko
May nakakatawa ba dun?


"Nawalan ka ng malay, tumama ang ulo mo sa bato. Buti nalang at nadala ka kaagad dito ni Mr. Salcedo"


"S-Salcedo? S-sinong......"bago pa ako makapag tanong ulit ay nagpaalam na kaagad si Maam.


"Anyways, wala namang internal bleeding sabi ng doktor kaya maya maya pwede ka nang umuwi. Magpahinga ka muna, sige na pupunta pa ako sa Guidance"-
Ngumiti sya bago tuluyang isarado ang pinto


"Mr. Salcedo? " -
sya na kaya yun? Well, obviously kami lang naman dalwa dun kanina at isa pa, sobrang aga pa kaya wala pang masyadong estudyante.


Kaya malamang eh sya nga iyon.
Thats his Surname. Salcedo


Well, he gives me this much curiousity to know his name.


Mr. Salcedo


_____________

Comment