Kabanata 3

Kabanata 3


Sino Sya?




              Dito sa school, halos lahat ng tao ay invisible para sa akin. Actually, sa almost 2 years kong pag aaral dito sa school eh iilan lang ang mga estudyanteng kilala ko sa pangalan


Thats because I don't even care to anyone



Nagkalat ang mga gwapo at bigating mga estudyante sa campus, mga anak pa nga ng celebrities yung iba
Pero wala akong interes sa kahit isa sa kanila


Ayoko sa mga masyadong socialize na tao. At sa tuwing pinipilit ako ng mga kaklase ko na maging muse ng section, palagi akong tumatanggi.
Hindi naman sa ikinakahiya ko ang kung anong meron ako, pero ayoko lang talaga na tinitingnan ng maraming tao



"Sayang naman, bakit ba ayaw nyang lumaban ng muse?"-


"Palagi nalang syang nag iinarte palibhasa alam nyang sya lang palagi yung choice kasi maganda at maputi sya"


"Kung ako lang yung kasing ganda nyan, Go na Go ako!"-


"Lalo na at balita kong yung muse ng section natin ang ipapartner kay Jael-
Ilan lang yun sa bulong bulungan sa gilid at likuran ko matapos ko na namang umayaw sa offer ni Maam Trinidad na mag Muse for this coming Intramurals.



Palagi na lang silang nagbubulungan na kala mo ay hindi malakas masyado para marinig ng direkta.
Palibhasa alam nila na palagi lang silang dinededma sa kung anong sasabihin nila


Wala lang talaga ako sa mood para makipagtalo
Kaya hinayaan ko nalang sila


Kung gusto nila, edi sila nalang! Akala mo naman kung sino yang Jael na sinasabi nila,


Halos maglupasay na sila mapansin lang nung lalakeng yun
How Flirt diba?


Mga kababaeng Tao sila pa ang nagpapansin sa isang guy
Hayyyy*
Buong araw na naman silang nag usap usap sa kung sinong pipiliing muse para sa Intrams


Yung iba ay sinubukan pa kong kumbinsihin ulit


"Ashley, Try mo lang this time. For sure panalo ang tandem nyo ni Jael pag nagkataon"


"Oo nga, parehas kayong may dating pag tiningnan palang eh, Bagay kayo sa pageant kahit hanggang balikat ka lang nya girl, Cute kayo tingnan"


Nginitian ko lang sila ng konti at inilingan. For sure alam na nila ibig sabihin nun.



Yun naman palagi reaksyon ko, Bihira kasi talaga akong Magsalita at mag response sa usapan.


Well madami naman kasing maganda sa section namin eh, matatangkad pang higit kaysa sakin.
Hindi ko lang alam kung bakit palaging ako yung gustong gusto nilang ilaban
Eh halata naman na wala akong hilig sa ganun ganun.




"Okay Class, Dismiss"-
Sa wakas ay natapos na ang class hours para sa araw na to


Niligpit ko na rin kaagad ang gamit ko at umuwi na


--


Matapos magbihis ay Inilagay ko kaagad ang Headphone sa Tenga ko.
Humilata kaagad ako sa Malambot na kama at unti unting ipinikit ang mga mata


kasabay ng parang hineheleng music na pinapakinggan ko ngayon




*BOOG-- BOOOGSH---BOOOOG- BOG--- BOOOOOOOOOOOG!!!*


Napadilat agad ang mga mata ko sa pagkabigla.


Nakatulog na pala ako,


Tinanggal ko ang headphone na kanina ay nagpaparelax sakin.



Ano ba yun! Ang ingay naman sa kabilang unit! Ano kayang meron?
Nakikinig ako ng soft music pero tagos sa Headphone yung pagkalabog galing sa katabing unit.




parang humihila ng kung ano anong gamit , maybe cabinets? Etc.


Para kasing nag tutulak ng gamit sa loob e. Sh-t ang lakas ng kalabog at narinig hanggang dito sa unit ko




Nasanay kasi akong tahimik yung kabilang unit. Ngayon lang nagkaron ng ganun kalakas na mga Kalabog


Pero bago naman matulog ay unti unti narin nawala ang mga kalabog na yun. Siguro may inaayos lang
-




Maaga akong nagising kinabukasan.


4:30 palang nang maalimpungatan ako, ginawa ang schooldays routines at agad na akong nakarating sa school nang 5:30


sobrang aga


Friday na , at for sure late na naman dadating yung teacher namin.


As Usual naman ganun sya mas malala nga lang kapag friday kasi almost Time na sya kung dumating


Wala pang halos estudyante sa school nang pumasok ako. Tiningnan ko ang room at naisipang wag munang buksan yun.


Tutal nasa akin naman yung keys ng section namin, at masyado pang maaga kaya sa iba muna ako didiretso.


"Hmm, san kaya ako pupunta"- bulong ko sa sarili ko habang inililibot ang paningin sa malawak naming school ground


"Aha, Bldg. 7A "- sabay kuha ko sa phone ko
Inilipat ko yung tugtog


Eto nalang! PHOTOGRAPH (By: Ed Sheeran)


Ganito yung mga trip kong patugtugin kapag gusto kong mag muni muni out of nowhere


Nandito na ako ngayon sa Likod ng Bldg. 7A pinag mamasdan yung paligid habang nakaupo sa bench.


Ang ganda dito


Maraming Bulaklak ng gumamela sa gilid ko at may dalawang puno ng Star Apple sa may bandang kaliwa ko.


Tumingala ako at dinama ang Bawat sun rays na nanggagaling sa espasyo ng mga dahon


Parang kumikinang na ginto ang ilaw na nanggagaling sa dalwang punong yun


Ang Sarap i appreciate ng Nature


Naisipan ko tuloy mag sketch. HAHA*


Tinanggal ko na muna ang Earphone na palaging nakakabit sa tenga ko. Although mahina lang naman ang music na pinapakinggan ko, mas gusto ko munang alisin ang music ngayon.


Gusto kong i appreciate ang Sounds Of Nature sa paligid ko
Buti nalang at meron mga ganitong sceneries dito sa school,


Kahit papaano ay merong nakapag papaalala sakin sa buhay Probinsya


Maingat kong kinuha ang Sketch Pad sa Bag ko. Pati narin ang Lapis na paborito kong gamitin


Palagi kong dala tong mga to, pero hindi ko pinapakita sa kahit na sino tong talent ko sa Arts


Mas okay nang ako nalang ang nakakaalam ng pagkatao ko, kahit ng mga talents na kaya kong gawin


Nag umpisa akong mag sketch ng Table sa gitna ng Papel, at Sumunod ay ang mga puno sa paligid nito.


Obviously, parang sitwasyon ko ito ngayon HAHAHA


Luminga linga pa ako ng ilang saglit hanggang magaya ko na ang background ko ngayon


Napangiti ako sa hindi alam na dahilan
Ako nalang yung kulang sa Sketch


Pero paano i do drawing yung sarili ko? Mag isa?


Hindi ba parang anlungkot naman kung mag isa.


Hmmm..
Pero sige, sanay na naman


kaya bakit pa nga ba mag aalinlangan?


Hindi ko alam kung pano sisimulan ang Sarili kong i-sket----


"Huling Hirit......


Di ko alam kung bakit...


Paano mo napapawi ang kalungkutan ko..


Abot langit....


ligayang dulot mo


Ngiti ang tanging dala sa mga labing ito


Di ka ......


manlang.......


kumikibo


A-Ayos na ....


May mahika..


Ka bang dala dala....."


Natigilan nalang ako sa pag do drawing nang marinig ang boses na iyon


Kasabay nito ay ang dahan dahang pagtugtog ng gitara


San yun galing?


Iniwan ko muna saglit ang sketch pad doon at sinundan ang boses na yun


Hindi ko alam kung bakit pero napangunahan ako ng instinct ngayon.


Unti unti kong sinilip ang Likod ng Bldg. 5B kung saan nanggagaling ang kantang narinig ko kanina...


Patuloy parin sya sa pag kanta


At bawat salita nya ay parang dinadama nya


"Sa Piling mo.....


Bumabagal....


Humihinto ang mundo....


Sa piling mo......


Ayaw kong mawala.......


Ayaw kong mawala........"


Tama sya


Huminto ang mundo...


huminto ang mundo ko panandalian nang marinig ko ang boses nya


Kung sino man sya,


Parang may kakaiba sa kanya na wala ang sinuman


Nakatalikod sya kaya naman hindi makita ang mukha nya.


Iniistrum nya ang gitara nya at patuloy sa pag himig ang boses nya


Nakaupo lang sya sa asul na Bench doon, habang nasa tabi nya ang Bag nya


At ang boses nya,


Hindi ko akalaing kukunin nito ang atensyon ko


Marami na akong napakinggang kanta.
Hilig ko nga ang Music diba? Pero nang mapakinggan ko ang kanta nya,
Tila may Ginawa itong kakaiba sa sistema ko


Hindi ko sya kilala


Pero Gusto kong makita ang mukha nya.


Yun nga lang nakatalikod sya sakin, at hindi nya alam na sa mga oras na ito ay may isang babaeng pinanunuod at pinakikinggan syang kumanta


"ASHLEY!"- Pamilyar na boses ang tumawag galing sa likuran


At dahil sa sh-t na yun
Na tumawag sa pangalan ko, nagkaron ng dahilan ang nasa harapan ko ngayon para mapunta sakin ang atensyon nya


Mabilis syang bumaling sa likuran nya


Hindi ko alam ang eksaktong dapat gawin. Tatakbo ba ako papalayo?
Magtatago ba ako kung saan.


That was so embarassing for a girl like me na nahuli nya akong pinanunuod sya


Na nahuli ako ng isang lalakeng tinititigan sya mula sa likuran
Baka kung ano pang isipin nito ah


Pero bago pa ako makakilos ng kahit ano,


Bumagal ang lahat sa paligid
Ultimo ang bawat paghinga ko, ang pag laglag ng ilang dahon mula sa puno sa paligid


LAHAT


May suot syang eye glasses
Pero
Nag tugma parin ang tingin naming dalawa


Nakita ko ang mukha nya


Bagsak at magulo ang itim nyang buhok
Maputi sya, matangos ang ilong


ang kilay nyang medyo may kakapalan,


maitim pero maayos ang pagkaka ayos ng bawat hibla nito
Nakaka masculine ang mga detalyeng yun sa mukha nya


At ang mga mata nya,


Ilang Hakbang ang layo ko sa kanya pero kitang kita ko ang kapal at itim ng pilik nito
Ang mga mata nya,


Nakakaakit nang sobra.
Parang kinakausap ako


Parang yun ang naging susi para himinto ang lahat sa paligid ko


Pakiramdam ko sa saglit na iyon ay natandaan ko ang bawat detalye sa mga mata nya.


Mabilis syang nakatakbo bitbit ang gitara at gamit nya bago pa dumating si Ericson, ang Class President namin.


Nawala sya sa paningin ko sa isang iglap


"Andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap, nilibot ko na halos ang buong campus! Yung Room natin, buksan mo na...


Tsaka magpapatulong ako sa Banner natin para sa Intrams, baka may idea ka--"


Hindi ko sya sinagot.


Nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ko.


Wala akong ibang nasa isip kundi ang lalakeng yun,


Ang mukha ng lalakeng yun


Na Kaisa isang nagbigay sakin ng kuryusidad na malaman kung sino sya


At kung anong kakaibang meron sa kanya


SINO BA SYA?


---------------------------------------------------------
[Insert: yung song na ginamit (Photograph) at (MAHIKA ni TJ Monterde) - @AuthorHimuah!

Comment