Kabanata 12

Kabanata 12


OVERNIGHT




        Bumaba na kami ng rooftop at saktong nakita kami ng care taker ng Apartment na yun. Si Lola.


"Oh mga Hijo... Hija.. Sa Rooftop kayo galing?"-
Nakangiti na naman si Lola. Ang cute nya


Tumango lang si Auel, kaya ako nalang ang sumagot.


"Ah..opo Lola.."-


Tinitigan nya kami bigla ni Auel. At pabalik balik samin ang mga titig na yun.



"Ahahaha Sabi na nga ba, kayong dalwa ha"-
Whut? Hano raw?
Lola ha.. Malisya agad? Yuck. Masungit na kutong lupa kaya yan. As if naman......... Ewwwww


"Lola, pwede po ba kaming gumawa ng project magkasama sa unit ko?"-
Di ko inexpect na itatanong yun ni Auel



"Ah Eh.. Ang Ordinance dito eh Bawal ang Lalake at Babaeng Teenager sa iisang unit"-
Napakamot sya sa ulo pero agad din bumaling samin .lumapit sya at may ibinulong.


"Pero alam ko namang mababait na bata kayo, kaya sige. Kayo ang bahala. Basta wag lang kayong magpapakita sa iba. Baka sabihin may favoritism ako"-
Tumango na lang kami ni Auel at Si Lola naman ay dumiretso sa Rooftop. Kanya ata yung mga sinampay dun




Sinunod naman namin ang payo nung Lola. Nung maramdaman naming wala nang lalabas na tao sa katapat naming mga unit, pumasok na kami sa Unit ni Auel.


"P-pwede bang kumuha muna ako ng snacks sa Unit ko? Mabilis lang"-
Tanong ko sa kanya habang inaalis nya sa lalagyan yung gitara nya.




Nakapamewang sya nang hinarap ako.


"Snacks? Ang takaw mo. Hindi ka naman tumataba''-
Sama ng ugali nito! Pag ako talaga napuno sa kanya. Isasako ko na sya.


"Syempre ganun pag sexy"-bulong ko sa tagiliran ko.


"May sinasabi ka?"- kumunot ang noo nya. "Andun, kumuha ka na lang sa Ref"-
Tinuro nya ang kitchen kaya agad akong humarurot papunta dun, nagugutom narin kasi ako eh





Piknik? Bat naka ref to? Baliw talaga.




Yun ang bumungad sakin, pero ayoko nun eh. Puro snacks nga naman dito. Andaming Junk Foods. Pinakielaman ko na rin ang Freezer nun.


Aha! May French Fries.





"Hoy. Pwede magluto ng French Fries?"-
Sigaw ko sa knya


"Bahala ka, pag tayo lang walang nagawa. Puro pagkain. Tsk."-


Nag open agad ako ng stove at mabilis na iniluto yun. Finally mabilis natapos, nilagyan ko yun ng maraming cheese at dinala ko na sa mini sala nya




"Kain. "- nanguna na ako sa paglamon dahil wala na kong panahong mag inarte pa. Gutom na ko. Tsaka dapat lang, sya kaya nagpapunta sakin dito.


Napansin ko naman ang tv sa tapat ko kaya napatanong ako


"Bat di mo binubuksan yung Tv? Di ka mahilig manuod ng movies?"-


Bigla naman syang humarang sa tapat ko. At nakapamewang na naman. With matching kunot noo pa ang Mokong



"Miss, paalala lang.. Nandito ka para sa Project. Hindi ka bakasyonista"-


Tumayo naman ako at agad kinuha yung Notepad ko. Grabe to ha. Ang Harsh nya sakin. Kanina parang mabait.. Tas ngayon sungit na kutong lupa na naman!



"Okay! Fine.. Anong naiisip mong magandang topic?"-


Ayan na naman yung mata nya. Minamagnet na naman ako. Kahit may salamin sya. Ang lakas parin ng hatak nun.


Gising! *ano ba!!!


"About Love.."- gentle ang pagkakasabi nya nun, bago ako talikuran.


Bumalik sya sa pag kapa ng strings ng gitara nya.



About Love daw?


"L-Love? Eh Ano namang Alam ko dun? Iba nalang kaya?"-


"As if naman hindi mo pa naranasang mainlove ."-
Diretso na naman sakin ang mga titig nya.


"H-Hindi pa naman talaga"-pabulong kong sinabi yun .


So anong isusulat ko? Yung unang lalakeng minahal ko? Yung tungkol kay Gerard? Kung paano ko syang nakilala at kung gano kasakit nung iwan nya ako? Paano?


Parang ayoko.





"Okay fine... Try kong magsulat din"-kumuha sya ng kapirasong papel sa taas nung cabinet at kinuha yung ballpen ko.


So wala kang ballpen? Ganun?


Ilang minuto rin syang nagsulat. Pabalik balik lang ang tingin nya sakin at sa papel habang nag iisip sya.




At ilang minuto ko ring pinagmasdan ang lalakeng nasa harap ko. Ilang ulit din nyang ginulo ang sarili nyang buhok gamit ang kamay nya. Hilig nya rin kagatin ang labi nya bago magsulat.


Mahilig pala syang mag lip bite. Kaya ba mapula yung labi nya dahil hobby nya yun?


Sabagay. Sa point of view ko, mukhang natural lang naman lahat ng meron sya.



Yung bridge ng nose nya. Grabe. Wala ako masabi, may Foreigner blood kaya sya? Ang puti nya kasi. Tapos yung ilong at labi nya pa. Parang sa mga amerikano.





Pero yung mata nya. Pinoy na pinoy talaga. Though hindi lahat nabibiyayaan ng ganun ka attractive na mata. Wait. May napansin ako.


Yung mata nya, pag nasisinagan ng konting liwanag, or lights... Color Brown yun.. Grabe. Ang astig.


But behind that characteristics, meron parin talagang something sa mga mata nya. At hanggang ngayon hindi ko parin malaman kung ano .




"Tingnan mo nga kung okay na "-inilahad nya sakin ang papel nya at dun lang ako natauhan nang tuluyan


"H-Huh? Ah eto? S-Sige"-
sh-t kang bibig ka, ngayon ka pa mauutal utal. Baka kung ano isipin nito


Yuck. Di ko sya type noh.



Tahimik ang mundo
Noong wala ka pa
Walang saya, walang kulay
Tila walang sigla..


Pero bakit may kung anong tumama
Pana ata ni Kupido..
Bakit sakin pa


Chorus:


Di akalain..
Magmamahal ako ng ganito'
Di akalain..
Ikaw pa nga ang hahanap hanapin ko...


Di akalain na.. Ikaw na nga


Bawat sandali ay nais makasama ka
Bawat paghimbing gusto nasa panaginip ka
Na sana'y ramdam ko ang yakap mo't halik.
Sana ako nalang .
Sana Tayo nalang...


(Repeat Chorus 2×)





"Wow! Grabe! Ang Galing mo"-
Pumapalakpak ako habang sinasabi yun sa harap nya.


Napangisi naman sya at bahagyang inistrum ang gitara





"So anong ginawa mo? Wala kang naitulong eh. Tsk"-


"Hahahaha eh Ikaw kaya nag offer!"-



"Kaya nga eh, sabi ko work together, eh ako na nga mag gigitara, ako pa gumawa nung lyrics"- umupo sya sa dulo ng sofa na inuupuan ko ngayon..
Tiningnan nya ko habang kinakamot ang chin nya na parang nag iisip...
"Hmm.. Well, ganto nalang. Para may maitulong ka, ikaw nalang ang kakanta at ako ang mag gigitara"-
Tumayo na ulit sya at bumalik sa kanina nyang pwesto


"O-Okay"- ano pa bang choice ko diba? Pag nag inarte pa ako, baka lalo akong walang maiperform sa Friday




Minemorize ko na yung lyrics at sinubukang gawan ng tono


"Game na? Try natin.. "-


Ilang ulit namin sinubukang I timing ang tono ng kanta sa Strumming nya. ..
Nakakahiya nga nung una kasi di naman ako sanay kumanta. Kaya hindi ko alam kung panget ba pakinggan yung boses ko




Nakailang ulit na kami at sa wakas ay okay naman ang naging resulta. Pinractice nalang namin yun ng ilang beses pa,


Nag iistrum sya habang ako ay nakahiga na sa Sofa nya habang kumakanta.




Tinititigan ko nalang ang kisame ng unit nya, may ilang stars na nakadikit dun, glow in the dark ata,


Mahilig din ata sya sa stars.


Anong oras na kaya? Ilang ulit pa kaya ang pagkanta ko dito. Memorize ko na naman eh. Pagod narin ako eh.






____


"Hoy.. Miss..... Miss.............."-
Ilang segundo pa ay namulat na ang kanina ay pakurap kurap kong mata


"Gumising ka na, Wala ka bang balak pumasok?"-tinititigan ko parin yung lalakeng nasa harap ko. ..
Wala syang Eye glasses ngayon. At yung buhok nya. Para na namang bagong gising.


Yung mata nya, parang kuting na naman. Bagong gising lang?




Whut?





Bagong gising?







Bagong gising sya? So ibig sabihin........





Umaga na?






Inumaga ako sa unit nya?





Whut the....




Kinapa ko ang katawan ko, napansin ko kaagad na may kumot na ako'
Pero thanks God at Yun parin naman ang suot ko.


Agad akong napabangon.



Nagtanggal agad ako ng muta. Dahil baka meron. Nakakahiya.




"Nakatulog ka na kagabi dyan sa Sofa. Di na kita ginising. May kumot ka kasi malamok. Baka makapag paospital pa ako pag na denggue ka"-


"S-Salamat. Pasensya na. Di ko namalayan"


Ipinuyod ko na ang Buhok ko at inayos ang itsura ko. Baka may laway pa ko sa Gilid ng bibig ko eh. Hahaha Nakakahiya. Tulo laway.



"6:15 na, umuwi ka na sa Unit mo"-
Nagtitimpla sya ng kape kaya hindi ko maaninag yung ekspresyon ng mukha nya.


"Sige." -binuksan ko na ang pintuan at humakbang na papalabas ng unit nya.


"Sa Susunod, pag mag oovernight ka, magdala ka ng sarili mong kumot, tsk. Napuyat pa ako dahil sayo"-


Narinig ko ang bulong na yun bago ako tuluyang makabalik sa unit ko.


Tsk. Bahala sya sa buhay nya. Kung ano na naman sinasabi nya! As if naman mag oovernight ako ulit dun noh!
Utot nya! Di na mauulit yun!


Nakatulog lang talaga ako kagabi. Pero di na mangyayari yun ulit.


___________________________________

Comment