Kabanata 11

Kabanata 11


Para sa Project Lang



          


         Nagtataka parin ako kung bakit yun nasabi ni Auel. Nakasalubong nya ba si Jael papunta ng unit ko kaya inakala nya merong something samin?
Well... Bahala sya.


Kung ano man yung ibig nyang sabihin dun, ang importante alam ko yung totoo


Buong week, naging busy ang lahat ng estudyante sa Section namin, nung mga sumunod na araw kasi ay puro pagbibigay ng Activities at Projects ang inatupag ng teacher namin


May galit ata si Maam Trinidad samin eh



Nag assign sya samin ng kung ano anong project projectan. Tinatamad lang yun mag turo samin, kaya kung ano anong pinapagawa.
Groupings yun.


Kaya naman medyo nahirapan akong maghanap ng group kung saan ako sasali. Wala naman akong ka close kahit isa sa kanila. At wala rin namang nag akit sakin na pumunta sa grupo nila.



Kaya nagpaalam nalang ako na Mag Individual nalang. Pumayag naman si Maam kaya okay narin. Sanay naman ako sa gantong sitwasyon eh, kaya ko naman mag isa.


Hindi ako sanay makisama, dahil pakiramdam ko wala akong dapat pagkatiwalaan na kahit sino


Lalo na patungkol sa buhay ko.





___
Habang nakahiga ako sa kama ko, pinag iisipan kong mabuti kung paano makakahugot ng inspirasyon sa Gagawin kong kanta


Kailangan naming mag compose ng sariling kanta para sa project namin, at bukod dun, kailangan may intsrumental na kasama


Mangangamote ako nito eh. Mahilig ako sa Music pero di ko alam kung kaya ko bang mag compose ng kanta. Wala naman akong Makukunan ng inspirasyon kasi hindi naman ganun ka ganda ang buhay ko.


In one word..


BORING


WALANG KABUHAY-BUHAY. Parang isang drawing na puro sketch lang at walang kulay.



Pinipilit kong magsulat pero wala talagang magandang words ang pumapasok sa utak ko. Ilang gabi na rin akong napupuyat.


Thursday na bukas, at Friday Kailangan na namin iperform yun. Sila groupings, at ako, mag isa lang. Tapos ganto pa'


Walang laman ang utak ko ngayon.





Bukas kailangan meron na akong gawa. Dahil kung hindi, pati Grades ko mangangamote.






Lumabas ako ng Unit ko. Dala dala ko ang Notepad ko sa Rooftop, baka sakaling pag ganito ang view may maisip akong mga words.



"Anong ginagawa mo dito?"-
Napalingon naman ako kaagad sa nag salita.


Si Auel. Naka Dark Green na Long sleeve sya ngayon. Medyo Loose yun sa kanya tingnan pero somehow, still fits with him


"H-Huh? W-wala"-
Binalik ko na lang ulit yung atensyon ko sa Pagsusulat.


Naramdaman ko na lang na humakbang sya papalapit sakin. And this time.. Ilang centimeters lang ang pagitan ko sa kanya


Napalingon ako sa kanya, pero sa iba sya nakatingin. Sa ibaba. Sa mga kotse na nakaparking sa labas ng apartment building. Lumagok sya ng Canned Softdrinks na iniinom nya ngayon.



"Compose a Song with Instrumental Background, Am I right?"-
Napanganga nalang ako sa sinabi nya.


Hindi parin sya tumitingin sakin. Dun parin ang atensyon nya sa mga kotse.


Nak ng! Stalker ko ba sya? Pano nya nalaman? Nakakahalata na ko sa isang to ha, The other day.. Yung tungkol sa boyfriend. Ngayon naman, alam nya ang ginagawa ko


"Yung totoo, iniistalk mo ba ako?"-
Nanliit ang mga mata ko habang tinatanong sa kanya yun


Pero nanatili lang syang walang imik.


"Last Week, you said Bagay kami ng boyfriend ko. What do you mean with that? Si Jael ba ang tinutukoy mo? Nakita mo ba kami? Thats why you think na boyfriend ko sya?
Well.. Its a Big Mistake. We're not even friends for me"-


Hindi parin sya nagreresponse na parang wala syang balak kausapin ako.




"Then now.. Alam mo kung anong ginagawa ko, even if you didn't see it yet. Di ka naman siguro manghuhula, so Stalker ka?"-


Napangisi nalang din ako sa sinabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling lahat ng yun ngayon.


"Andami mo nang sinabi.."
Tumingin sya sakin ng diretso at agad akong nag iwas ng titig sa kanya. Hindi ko pala kaya pag sya na yung diretsong tititig sakin



Feeling ko matatalo ako palagi sa mga mata nya kapag hilahan na ng atensyon yung pag uusapan.




"I know that because thats also our project kay Maam Trinidad."-
Uminom ulit sya ng softdrinks kaya nabaling na dito ang Tingin nya.




Medyo naguguluhan ako nung una. Pero now I know.




Grade 8 student rin pala sya. Akala ko kasi hindi ko sya Ka Year Level eh. Pero sabagay, sa dami ng sections at students sa campus .. Di ko masisisi kung di ko sya nakikita.


"Ahhh.. S-Sorry"- ngumisi ako at nag peace sign sa kanya.


"At dahil may atraso ka na naman sakin Miss, Pinagbintangan mo kong stalker...
I have a good offer for you"-
Humarap sya sakin



"H-Huh?"-





"You need Instrumental Background Right? And Me I need Lyrics. Lets work together"-


Ano kamo?


Work together.




Napahagalpak naman ako ng tawa sa sinabi nya. Napaka seryoso nya..


"Ano? So You mean, ako gagawa ng lyrics, tapos ikaw ang mag gigitara?
Hahahahaha Lakas mo rin eh"-
Napanganga pa sya sakin na parang nawi weirduhan sya sa sinabi ko


"What's funny with that?"-
Di ko na naman mapigilang tumawa sa hilatsa ng mukha nya. Napaka seryoso talaga. Eh baliw rin pala tong mokong na to eh.


"Look, paano kita matutulungan sa lyrics, eh tingnan mo oh-tinuro ko ang notepad na wala pang kasulat sulat kahit isang letter "Ilang gabi na kong nagpupuyat pero wala parin akong maisip isulat dito"-
Inilingan ko na lang sya dahil napakaseryoso nya.



Sabagay. Una palang naman eh misteryoso na ang dating nya. Napaka seryoso. Bihira lang mag salita.
At Isang beses ko nga lang yata sya nakitang tumawa.


At yun yung time na naipit yung wrist ko sa pinto ng unit nya. Remember nung ibinigay ko sa kanya yung eyeglasses? Yun yun.





At ngayon. Seryoso na naman sya.



Napahalukipkip sya at parang may kung anong iniisip.




"Hmm...then, with that.. We'll work together nalang. I'll help you with that, baka sakaling may maitulong"
-kinuha nya ang notepad ko at tinalikuran ako.



"Dun na tayo sa Unit ko"-
Whut? Unit nya? MY-G!


Baka mahuli kami nung care taker.
Tsk. As if naman may kung ano kaming gagawin dun.
Ehem..



Para sa Project lang to.


Yun lang. Bawal mag isip ng kung ano!










____________________________________

Comment