Kabanata 10

Kabanata 10


Sinong Boyfriend?


          Kinukusot kusot ko pa ang mata ko habang naghihikab na tinungo ang pintuan ng unit ko. Sino ba kasi to, kasagsagan ng tulog ko tsaka mang iistorbo.


Dahan dahan kong pinihit ang door knob at bumungad sakin ang nakakainis nyang mukha. Ng Taong pinaka kinaiinisan ko nang palihim.


Nakasuot sya ng Long sleeves at pants .
Nakasumbrero sya at nakayuko na para bang kailangan nya yun para mag Disguise'
Tsk.


Napaawang nalang ang bibig ko. Anong ginagawa nya dito? Bakit nya naisipang pumunta dito?


Nakakasura talaga ang pagmumukha ng lalakeng to! Kumukulo ang dugo ko pag nakikita ko sya, pero syempre hindi pwedeng ipaalam sa kahit na kanino. Lalo na ang tungkol sa kakilala ko sya.



Bago pa man ako makapag salita ay agad na syang pumasok sa unit ko. Nang walang pakundangan sa nasa harap nya. Sa may ari ng unit nato.
Sakin.


Nilagpasan nya lang ako.


Ang kapal talaga ng mukha nya kahit kailan.


Diretso syang humilata sa sofa ko na parang at home na at home sya sa unit ko.


"Anong ginagawa mo dito?"-nakapamewang ako nang sabihin yun sa kanya.


"Ano pa? Edi sinasamahan ka"-
Humalukipkip sya.


"Ang kapal mo rin talaga eh noh, Lumabas ka na"- tinuro ko ang nakabukas na pinto sa tapat nya


"Oh.. Rellax lang Ash, look."-inayos nya ang upo nya.


" Pinapunta ako ni Tita Miranda dito.
Sabi ng Mom mo, di ka raw nya ma contact eh. Kaya tinawagan nya ko. Nag aalala lang ang Mom mo sayo"-


"Jael, alam ko. Well, pakisabi nalang na nasira ang phone ko accidentally kaya di nila ako ma contact. You may go now"-
Seryoso ko lang syang tinitigan.


Pero parang mukhang Joke lang ang lahat ng sinasabi ko sa isang to



"Ano ka ba.. I can stay here whenever you wanted me to, sasamahan kita kung bored ka"-
Tumayo sya at akmang hahawakan ang kamay ko pero iniwasan ko iyon.


"Lumabas ka na..
Pakiusap lang"-mahinahon ang pagkakasabi ko nun pero di parin sya gumagalaw.



Kaya napilitan na akong komprontahin sya.


"Hindi mo ba naiintindihan Jael? We need to be friends just because of our family's business. Kahit ayoko. Kaya hindi mo na kailangang magkunwari sakin dahil hindi kita gusto. Di ako kasing cheap ng mga babaeng nagkakagusto sayo dahil sa Quizon ka, at kilala sa school ang history ng pamilya mo. Ibahin mo ko sa kanila dahil di ako interesado sayo. Kaya PAKIUSAP LANG. Please...
Just Go out of my Unit"-



"P-Pero gusto ko lang namang kamustahin ka... Samahan ka...
I just want to take care of you...
Not because Your Mom wants me to do. But because I really wanted to Take care of you......
Kahit..... Kahit as Friends lang"-


Sa tono ng pananalita ni Jael, parang dinalaw ako bigla ng awa. Maybe sa sinabi nya.. He just really want good intentions for me, pero still.... Ayoko


Kaya naman hindi na ako nag response pa sa sinabi nya.
Hinila ko na lang ang braso nya palabas ng Pinto.


"Ash... Please... Look.. Im here for you"-
Ginamit pa nya ang pa cute nyang mata para ma convince ako.



"Pakisabi nalang kina Mom Na nasira yung phone ko. "-


Nagulat nalang ako nang bigla nyang higitin ang kamay ko kaya napapunta ako sa  harapan nya. Habang hawak nya ang kamay ko.



Napatingin sya saglit sa gilid nya,


Bumaling naman sya ulit sakin,
At  bigla na lang nya akong niyakap.



Honestly, I don't know how to react on it. This is the first time he did that.
Kaya hindi ko alam kung dapat ko bang itulak sya, o hayaan nalang.


Pero bago pa ako makapag desisyon, agad din syang kumawala sa yakap nya sakin.


“You Take Care Okay?. Bye"-
Binitawan na nya ang kamay ko at naglakad na papalayo sakin.



Bumalik na rin ako sa unit ko matapos mawala ni Jael sa paningin ko






Nagpadeliver nalang ulit ako ng pagkain. Yun na rin ang kinain ko sa Dinner. Hindi ko naman nauubos ang order ko palagi kasi mag isa lang ako.


Masyado pang maaga para matulog kaya naisipan kong mag sketch nalang muna . Pero this time sa bago ko nang sketchpad. Kasi nabasa yung dati. Sayang andami pa mandin nung laman .


Kinuha ko yun at ipinuyod ang buhok ko na parang ensaymada sa tuktok.
Mas presko mag sketch pag nakatali ang buhok ko


Pumunta na ako sa Rooftop. Medyo matagal tagal na rin since nung huling beses na nag relax ako dito.


Nung mga nakaraang araw kasi eh palaging umuulan kaya wala ang mga stars na paborito kong titigan pag nasa rooftop ako, well. Ngayon eh okay na ang panahon. Sana marami na ulit stars dito


Ilang hakbang pa ay nandito na ko.



At nandito rin pala si Auel.



Nakatalikod . Kulay black na naman ang suot nya. Paniguradong paborito nya talaga ang kulay Black.


Naka halumbaba sya habang tinitingnan ang mga tanawin sa baba ng 4story apartment na to.


Mahangin ngayon at nakikita ko ang dahan dahang pagsabay dito ng bawat hibla ng buhok nya sa likuran.



Tumuloy lang ang mga paa ko sa pagpunta dun dahil kapag umatras ako, baka maisip pa nya na iniiwasan ko sya dahil may something.


Kaya Dedma na lang din, Eh ano kung nandito rin sya diba? As if naman kanya tong Rooftop diba?
Teritoryo ko din kaya to nuh. At isa pa, bago lang sya dito. Ako matagal na.


Ilang meters ang layo ko sa kanya. Kaya wala syang pake kung gusto ko din pumwesto sa balkonahe dun noh!


Ipinatong ko ang dalwang siko ko sa pasimano, at nagsimula na rin akong mag sketch. Pinanunuod ko lang ang lahat ng nakikita ko. Tama ako, marami na nga ulit stars dito ngayon.


Napatingin nalang ako bigla kay Auel . Kanina pa kasi sya tahimik.


Yun naman pala eh, nakapikit sya. Wala ngayon ang humaharang sa mga mata nya kaya naman kitang kita ko na naman ang mahahaba nyang mga pilik


Hindi ko alam kung bakit namamangha ako sa kung anong meron sa mga mata nya. Kahit nakapikit ito, may eye glasses, nakatingin... For unknown reasons ay napaka misteryoso ng dating para sakin.


Palagi nitong pinapahinto ang lahat sa paligid namin.


Pag tinitingnan ko ang mga mata ni Auel, i see a Kind man behind it.
Hindi Masungit na Kutong Lupa kundi parang Taong May Mabuting pagkatao.


Hawak nya lang ang eye glasses sa kaliwang kamay. At ilang ulit ko syang nakitang huminga ng malalim bago muling imulat ang mga mata nya.


Kaya naman agad kong nilipat sa iba ang tingin ko.


Binalot ng katahimikan ang bawat minutong lumilipas sa pagitan naming dalwa.






"Bakit ka nandito"- muli nyang isinuot ang eyeglasses nya pero hindi parin nya ako tinitingnan.


"Nag i sketch ako dito"-
Matapos kong sabihin yun ay tinitigan nya ko nang diretso.


Nangungusap na naman ang mga mata nya.



Tinalikuran nya ako...
At unti unting humakbang papalayo sakin,



Pero huminto sya bigla sa pagitan ng mga hakbang nya



"Nga pala...-


"Bagay kayo ng Boyfriend mo"-


Matapos nyang sabihin yun, inilagay nya ang kanang kamay sa bulsa nya at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.


At sa pag alis nya sa rooftop, maraming tanong ang naiwan sakin




Sinong Boyfriend?



Si Jael Ba yung tinutukoy nya?
Yuck ha, malabo akong magkagusto dun.


Pano nya naman nasabing may Boyfriend ako.


Tsaka... Anong ibig sabihin nya na  BAGAY KAMI ?




Eh wala namang namamagitan samin ni Jael Quizon na yun eh.


Wala.
Hindi ko sya boyfriend.


Pero parang yun ang akala ni Auel.




___________________________________

Comment