Unforgettable Tears 1.1 ( Finale )

SA ospital:

Nabalitaan po namin ang nangyari., Kamusta po si drei tita,kayo kamusta po kayo?

Eto okay Lang Naman ako Pero ang anak ko, Hindi pa Siya nagigising hanggang ngayon.

Papasok ang ama ni drei.

Oh, kayo Pala!? Wla ba kayong pasok?

Maaga po Kaming pinauwi ni ma'am, Nung kayo po ang sumagot SA cellphone niya, at sinabi niyo po na NASA ospital si drei,,nag alala po talaga Kami sakaniya.

Kaya dinalhan po namin Siya Ng paborito niyang prutas. (Saad ni Jerome)

Ang Sabi Ng doctor masyado daw malalim ang tinamo niyang sugat, Hindi ko magawang tignan ang anak ko Ng ganito, dapat ako nalang bakit ang anak ko pa, (napahagulhol Ng iyak).

Mayamaya pa ay nagsimula na itong umiyak, at sinisisi na Naman ang sarili dahil SA nangyari.

naghimala ang Diyos dahil, mukhang narinig  ni drei ang pagtangis ng kaniyang ina,, Maya Maya pa'y nagising si drei Ng mga oras na iyon.

Anak, jusko salamat SA Diyos, nagising kana,,ilang araw  Ka Nang tulog.

Nay! Hindi...ako...makakilos!?

Hay nako! Humiga Ka lng wag mong pilitin ang sarili mo, Hindi kapa magaling.

Yohan,, nandito Ka?!

Oo nandito Kami ni Jerome, dinalhan Ka Rin namin Ng paborito mo.

Mapapangiti si drei,Ng Makita si yohan at Jerome.

T-tulungan moko yohan, Itayo mo ako.

Ano Kaba drei, di mo narinig nanay mo, Hindi kapa magaling, at ska kagigising mo Lang.

Sige na,, Itayo mo ako,( ang pakiusap na Sabi ni drei SA kaibigan )

Mapapayakap si drei Kay yohan

Ang sarap, ramdam ko ang init , Pero Alam mo yohan, gusto Kita, Di ba gusto mong malaman bakit wala akong sinagot kahit na isang Babae, Kasi ikaw talaga ang first love ko.  (Mapapangiti, habang tumutulo ang kuha.)

(Hihigpit ang yakap ni yohan SA kaibigan)
ako din, ikaw ang first love ko, Kaya dapat lumaban Ka, Yan lagi ang sinasabi mo sakin, Kaya dapat Hindi Ka Rin dapat sumuko.

Pakiramdam ko Hindi ko na Kaya. Malungkot at mahinang saad ni drei

Ano bang sinasabi mo diyan drei?!

Oo nga ano bang pinagsasabi mo, Kala ko  ba si yohan Lang ang aalalayan ko, pati ba Naman ikaw!?

Mapapangiti nalang si Drei
Salamat SA pag aalala mo sakin Jerome kaibigan talaga Kitang tunay.

Oo Naman,, ikaw din ang first love ko eh. Sabay yakap SA kaibigan at napahagulhol Ng iyak.

Jusko anak ano ba Yang pinagsasabi mo, mahiga Ka nalang ulit.

Nay,, maraming salamat SA lahat,.hihingi ako Ng pabor.

Ano yon anak, sige magsabi Ka,, gagawin ko para sayo!.

( Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ni yohan habang nagsasalita ang kaibigan ).

Pwede mo bang ibigay mo Kay yohan ang bone marrow ko, para SA matalik Kong kaibigan...ang first love ko.. (sabay ngiti)

Pagkasabi nito ay unti unting lumuluwag ang pagkakayakap nito Kay yohan,, at bigla namn itong nawalan na Ng malay.

Andrei!!drei!!! sigaw ni Jerome.

Habang umiiyak , Niyakap nalamang Ng husto ni yohan ang kaibigan kahit SA sandaling iyon, dahil alam na niyang tuluyan na itong namaalam sakanila.

Doc! Doc! Nurse...Tulungan nyo anak ko,, Jusko ang anak ko, gumising Ka..
Ang Sigaw Ng ina ni drei, habang itoy napahagulhol Ng iyak at makikitang ni rerevive ang anak niya.

CLEAR!!
Toooooooooooooooooottttt.....ang tunog Ng aparato na maririnig mo kapag,wala Ng buhay ang isang Tao.

Time of death 9:45 am
Cause of death: cardiac arrest
Name of patient; Andrei dela cruz
Age: 17 yr old

Ang malakas na banggit Ng Doctor sa mga Ito.

SA mga sandaling iyon biglang naging tahimik ang buong paligid.
Yong Pakiwari na panaginip Lang ang lahat.

At tila bang nabuhusan Ng malamig na tubig si yohan dahil sa nangyari, at halos nakatulala nalamang Ito SA kawalan.

Kinabukasan Ng umaga
Habang inililigpit ni yohan ang mga gamit nito SA loob Ng kwarto, habang tinitigan niya ang jacket na ipinahiram sakaniya ni drei,,bumalik na Naman SA alala niya nag mga panahon na magkakasama pa sila.

.....at mamaya pa ay napaiyak nalamang Ito Ng husto,habang yakap nito ang jacket.

Makalipas ang isang buwan, nakapag transplant narin si yohan ngunit dahil malala na ang sakit niya at kumalat narin Ito SA isang binti, Kinailangan Nang putulin ang kaliwang binti nito para makasurvive, gayunpaman naging successful ang operation at transplant Ng bone marrow sakaniya.

Maraming salamat po tita SA papayag nyo pa na I donate ang bone marrow ni drei, para sakin, utang na loob ko po ito sainyo.

Wala yon,..iyon din Naman Kasi ang huling kahilingan niya bago Siya pumanaw, masaya ako dahil naging successful ang operasyon mo.
Pero.... Makikita ang kabilang binti ni yohan, at medyo malulungkot ito Ng bahagya.

PoV:

kailangan Kong ingatan ang natitira Kong binti,, dahil dito ang kaibigan Kong si drei ay palaging mabubuhay para sakin.

SA dalampasigan;

Wooiii,,Yohan!! Halika na malalate na Tayo SA job interview..( ang Sigaw ni jerome Mula SA di-kalayuan ).

Oo, andiyan na saglit lang!..     sabay ngiti nito sa kaibigan, at sa tabi ni Jerome makikita Rin niya ang masayahin na tila kumakaway Rin sakaniya ang matalik na kaibigan nilang si andrei.

Naging magkasintahan sina yohan at erina nabiyayaan din sila ng apat na supling., Si jerome naman ay may sarili naring pamilya at migrated na sa ibang bansa..at dahil narin sa kagustuhan kaya nagpaiwan dito sa pinas sina yohan at erina para sa binuo nilang pamilya.

Ika pitong taon na mula ng pumanaw ang kaniyang kaibigan, ngunit halos sariwa parin ang mga alaala nito sakaniya at sa tuwing dadalaw siya sa puntod ng kaibigan, isinasama niya ang kaniyang bunsong anak na lalaki at dito ikinuwento niya ang tungkol sa matalik niyang kaibigan at kung paano ito naging mabait sakaniya at kung gaano rin ito kasipag na tao at matulungin sa kapwa lalong lalo na sa kaniyang mga matalik na kaibigan.

Sa pag tatapos  isa lamang ang  nais na ipabatid satin nitong kwento ay ang pagiging responsable hindi lang sa mahal natin sa buhay kundi sa mga taong handang samahan ka at pahalagahan ka bilang isang tunay na ..........

                      "KAIBIGAN"


Wakas!




Comment