IV


“Is this all?” My friend, Gaeul asked as she went out of the room, carrying a box of things.


“May isa pa 'dun sa may closet, ako nalang kukuha”


“Alright ” nginitian niya 'ko at umalis para ilagay ang gamit ko sa truck.


Chineck ko ulit mga gamit ko. Sinisiguradong walang gamit na maiiwan.


Clothes, passport, accessories, check. Okay na lahat.


Titira na ako dun sa bagong dorm kasama ang members ng national swimming team.


The national swimming team.


Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nakapasok ako sa team. Akala ko nga prank lang yun ni Yujin pero nung tumawag ang mismong captain ng NST napaluha ako sa tuwa at agad nag-impake pagkatapos niyang sinabi na sa bukas na ang alis ko.


Ready naman na ako iwan ang lahat, pero parang may something na nag-uudyok sakin na wag umalis.


“Iniisip mo parin ba siya?” Hinanap ko ang may ari ng boses. Si yujin.


“Hindi ah” sagot ko.


Alam ko kung sino tinutukoy niya.


“Okay, makakamove-on ka rin soon pag nagfocus kana sa swimming. May tournament daw next next month and i think that's good to keep your mind occupied for a while” she patted my back.


“Don't worry yuj, my feelings aren't that deep, it will fade away sooner” I assured her with a faint smile.


Hindi malalim kundi sobrang lalim.


Tinitigan niya ko na para bang binabasa niya kung ano man nasa isip ko pero umalis siya pagkatapos at sinabing sumunod nadin para di ako maiwan ng bus.


It's been days since nagkita kami ni rei. she's probably with that guy and I'm guessing that they really made up from that night when we went to the cliff.


That guy even said buttery words with flowers in hand and his flashy grey honda car that's parked in Rei's doorway. Okay, siya na may lahat.


Hope all nalang.


Pupuntahan niya lang naman ako pag nag-away silang dalawa which happens once in a blue moon. Or twice.


Kinuha ko na yung huling box at naglakad paalis.


Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bumukas ito mag-isa at bumungad sakin ang babaeng gusto 'kong makita sa huli.


“Rei”

Comment