Chapter 8

Gabi na at ang huling sinakyan namin ay ang carousel bago pumunta sa souvenir shop. Binilhan ko sila lola at mama ng damit at natira na lang sa akin ay ang pang commute naming apat. Nasa labas na ako habang silang lahat ay nasa loob pa.

"Lods, pikit ka muna" Sabi niya at sinunod ko naman. I can hear him count one to three and when I opened my eyes, I saw him with a wizard plushie while smiling at me.

"Para sayo," Sabi niya sabay bigay sa akin ng plushie. "Thank you for making this day a memorable one, Alex. Thank you for being my haven." Tuloy na sabi ni Clyde. I can't express how I feel right now but one thing's for sure, my heart is happy. I hugged him tightly hanggang sa lumabas na din ang iba naming kasama.

"Dami namang langgang here..." Sabi ni Sergio and I pulled out the hug. Naglakad na kami papuntang parking lot para ihatid sila Clyde.

"Ano sasakyan niyo pauwi?" Tanong ni Luke.

"Jeep lang or taxi kung meron pa" Sabi ko.

"Nako wala ng jeep or taxi ng ganitong oras no," Sabi ni Kale. Madaling araw na pala, hindi ko napansin. Tulog na sila mama at lola ng ganitong oras.

"Sumabay na kayo sa amin, delikado na sa daan ng ganitong oras" Sabi ni Agust. Nahihiya kami nung una pero sabi nila they insist naman. Gabi na din kaya pumayag na din kami. Si Agust ang nagdrive habang ako ay nakatulog na sa byahe. A few hours later, tinatapik ako ni Clyde dahil nandito na kami sa street sa may bahay. Lumingon ako sa paligid ko at nakitang wala na yung mga kaibigan ko.

"Inuna ko nang ihatid silang tatlo, since mag-kapitbahay nama kayo ni Clyde, hinuli ko na kayo." Sabi ni Agust. Chineck ko ang phone ko at 4am na pala, dalawang oras na lang ay aalis na sila lola at mama para mag tinda. Inalayan ako ni Clyde sa pagbaba ng kotse at bago kami maglakad ay nagsalita si Agust.

"Drei, mag-ingat kayo ah, I heard kay dad na hinahanap ka ni tito at bukas ata ay magsasagawa ng searching para sayo" Sabi niya. Nagising ang diwa ko nung narinig ko yun, tumango na lang si Clyde at naglakad papunta sa akin. He held my hand and we started walking papuntang bahay. Ilang hakbang lang ay nasa tapat na kami ng gate namin.

"So... goodnight?" Sabi ko. He hugged one last time. Iba toh sa yakap naming dalawa, this hug feels suffocating. Hindi dahil mahigpit ang yakap niya pero I have this feeling na parang maglalaho si Clyde anytime. I hugged him tightly dahil sa naiisip ko.

"Don't worry about my dad, Alex. Hindi niya ako mahahanap and I promise you that kung mahanap man niya ako, I will find a way to be with you." He said in the middle of our hug. Sa mga sinabi niya, mas lalong humigpit ang yakap ko. He pulled out the hug and kissed my forehead before entering the gate of Aling Susan's house.

I went inside our house and went straight to my room. I checked my calendar at na lamang bukas pala ay aalis din kami nila mama at lola papuntang probinsya. We will go to our farm para mag-ani at kumuha ng bagong supply ng fresh vegetables and fruits. I changed my clothes into pajamas and went to sleep. 

The next day, I woke up dahil may kumakataok sa gate namin. Tinignan ko kung sino yun at nakitang si Clyde na may dalang tupperware.

"Clyde? ano ginagawa mo dito? maaga pa ah" Tanong ko habang nakatingin sa tupperware na hawak niya.

"You have a lot of questions, lods. Bibigay ko lang sana toh oh," Sabi niya sabay bigay sa akin nung tupperware. "Nagluto ako ng tocilog para umagahan mo. Aabot ko sana kay tita kaso gising ka na pala" Sabi niya.

"Wala sila lola at mama dito eh, nasa palengke na sila ng ganitong oras," Sabi ko. "Gusto mo bang pumasok sa loob? hati na tayo dito oh" Tanong ko sabay turo sa tupperware. I saw him smiled at tumango na lang siya kaya naman pumasok na kami sa loob.

Naka upo kami ngayon sa dining table at habang naghahain ako, nakita kong nililibot ng mga mata niya ang bahay namin. His eyes caught one picture frame, ang kaisa-isang family portrait namin.

"Lods, nasaan kayo nito?" Tanong niya habang tinitignan ang picture frame.

"Sa province namin, diyan kami kumukuha ng supply para ibenta sa palengke dito sa atin. Pumupunta kami sa probinsya tuwing 25 ng bawat buwan." explain ko. Binababa niya na ang frame at tumabi sa akin sa hapagkainan. Nagdasal muna kami bago kumain at nagkwentuhan kami.

"Teka, 25 ngayon tiba? so it means aalis kayo?" Tanong niya. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Oo, actually susunduin ko sila mamaya sa palengke mga bandang 5 o'clock. After nun, mag-aayos kami ng gamit at babyahe na." Sabi ko.

"Pwede ba akong sumama?" Tanong niya at nagulat ako.

"Bakit naman gusto mong sumama? Maputik dun at mag-aani kami ng gulay, at tsaka baka hanapin ka pa ni Aling Susan." Sabi ko.

"Hm, okay! Sama ako para matuto din naman ako. Tsaka para hindi masyadong mapagod si tita Alexis" Sabi niya. Mukhang hindi ko na talaga siya mapipigilan at gusto talagang sumama.

"Pano si Aling Susan? Papayagan ba?"  Sabi ko.

"Edi magpaalam ako after naming magtanghalian. Dun ko din muna pastay sila Luke at Agust hanggang hindi ako bumabalik, para may bantay si mama" Sabi niya at nag smile nang parang bata na binigyan ng ice cream.

"Okay, basta dalawa o tatlong araw tayo doon" Sabi ko at nagpatuloy kumain.

After naming kumain, dumiretso na siya kayla Aling Susan habang ako naman ay naglinis ng bahay. 11 o'clock na at nag-iisip ako kung ano pwedeng ulam para sa lunch. Yayayain ko sana sila Kale pero mukhang busy ata dahil hindi pa nagrereply. Nanonood ako ngayon ng tv habang may kumatok sa gate namin.

"Ano po iyon?" Tanong ko habang binuksan ang gate. Nakita ko si Aling Susan na nakatayo sa gate at sabay ngiti.

"Ay kayo po pala Aling Susan, ano po iyon? may kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

"Kumain ka na ba iho? sabi kasi ni Clyde na katukin daw kita para sumabay sa amin kumain ng tanghalian dahil mag-isa ka lang sa bahay niyo." Sabi niya.

"Ah hindi pa po eh, nag-iisip pa nga lang po ako ng lulutuin" Sabi ko at kumamot sa may batok ko.

"O sya, sumabay ka na sa amin at bawal malipasan ng gutom" Sabi niya. Tumango ako at pinatay muna ang telebisyon bago lumabas at isara ang gate. Pag pasok ko ng bahay ay amoy ko agad na may nagluluto. Pagakyat ko sa hagdan ay nakita ko si Clyde na busy na nagluluto.

"Alex! Andito ka na pala, upo ka na dito oh," Sabi niya sabay galaw sa upuan sa gilid ng lamesa. Umupo na ako at tumulong din sa paghain. Nagluto si Clyde ng sinigang na hipon, kaya naman nagdasal muna kami bago kumain. Humigop muna ako ng sabaw at ang sarap.

"Ma, pwede po ba akong sumama kayla Alex papuntang probinsya nila? gusto ko po sanang matuto mag-ani at magtanim doon" Paalam ni Clyde.

"Oo naman, kasama ko naman ang mga kaibigan mo dito kaya pwede kang sumama. Ilang araw ba kayo doon?" Sabi ni Aling Susan.

"Dalawa o tatlong araw daw po, ma." Sabi ni Clyde. Tumango na lang si Aling Susan, senyas na yon na pinayagan niya si Clyde na sumama.

Comment