Chapter 7

Days passed at nagigising ako na laging may breakfast. Sabi ni mama niluto daw yun ng bagong kapitbahay namin na lalaki, si Clyde. He would always wake up early in the morning to make breakfast for me.

"Anak, sino ba yung lalaki na yon at lagi kang binibigyan ng umagahan?" Tanong ni mama.

"Kaibigan ko po sa school ma," Sabi ko at kumain ng tapsilog na luto ni Clyde. In fairness, masarap yung luto niya.

"Kaibigan o magka-ibigan?" Sabi naman ni lola. Bigla akong nabulunan dahil lakas maka deja vu ng tanong ni lola. Naalala ko nung tinananong ko din kay Kale yon about sa kanila ni Shio.

"Kaibigan lang po lola" Sabi ko at sabay uminom ng tubig. To be honest, I also don't know kung ano kami ni Clyde. One moment, I feel like he likes me too tapos biglang hindi na. Kakabugin na ata ni Clyde ang halo-halo dahil sa mixed signals.

After kong kumain ay naligo na ako at nagbihis ng pang-alis, it's a Saturday so it means na gala day ng grupo naming apat. Kale, Shio, Sergio and I have been best friends since high school, kaya naman nung grumaduate na kami ay nag decide kami na mag-enroll sa Santillian University which is where I met Clyde. I had a crush on him since 1st year and now, we're already in our 4th year of college. Inaayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil malayo-layo ang pupuntahan namin. Enchanted kingdom.

After kong mag-ayos ay kiniss ko na si mama at lola sa cheeks para umalis na. Kumatok muna ako kayla Aling Susan para sana makita si Clyde at sabihin na aalis ako, pero sabi ni Aling Susan ay umalis si Clyde kasama ang mga barkada niya. Chineck ko ang phone ko para sana imessage siya, pero bungad sa akin ang 9 missed calls ni Kale at sinasabing bilisan ko na daw. Binilisan ko na ang paglalakad ko at pumunta sa mall kung saan kami magkikita-kita para sabay sabay daw pumunta sa Enchanted Kingdom.

"Kale!" Sigaw ko at lumingon silang tatlo sa akin.

"Hoy bat ang tagal mo? Mamaya wala na tayong masakyan" Sabi ni Kale. Narealize kong naka couple outfit sila ni Shio kaya napatingin ako kay Sergio at nagpipigil siyang mang-asar.

"Di naman ako informed na kailangan pala na naka couple outfit tayo" Pang-aasar kong sabi. Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti. Nakita ko si Sergio na nagpara ng taxi at sinenyasan kaming sumakay na.

"Ambagan na lang sa bayad ah," Sabi ni Sergio.

"Tayo na lang magbayad sa taxi tapos sila Kale at Shio sa ticket natin sa EK" Sabi ko, tumango naman sila at nagsimula na magdrive si manong driver.

1pm na at nakarating na kami sa destinasyon namin. Nagbayad na kami at pumila na sila Kale at Shio sa ticket. Nakatambay lang kami ni Sergio sa gilid at lumapit yung dalawa sa amin at ibinigay ang ticket namin. Pumasok na kami sa loob at una naming pinuntahan ay ang food court. Kami ni Sergio ang bumili ng pagkain habang ang dalawa naman ay naghanap ng upuan.

"Gio, punta lang akong comfort room. Okay ka lang ba mag-isa dito?" Sabi ko, nagdadalawang isip ako kung iiwan ko ba siya mag-isa dito sa dami ng tao.

"Okay lang ako dito, sige na at mag cr ka na" Sabi niya.

"Sige sige, bilisan ko na lang" Sabi ko at pumunta ng cr. After kong lumabas ng cubicle ay naghugas muna ako ng kamay at may lalaking tumapik sa balikat ko.

"Lods," Sabi ng lalaki at napatingin ako sa kanya dahil pamilyar ang boses niya.

"Clyde?!" Sabi ko at tinanggal niya ang facemask niya kaya naman niyakap ko siya bigla. Lumabas kami ng comfort room at sinamahan niya akong maglakad pabalik sa upuan namin.

"Ano pala ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Birthday ni Luke kaya nag-aya siyang pumunta dito. Hindi na ako nakapag paalam sayo dahil tulog ka pa daw sabi ni Tita Alexis, kaya naman nilutuan na lang kita" Sabi niya. Nasa foodcourt na kami at tinuro ni Clyde kung saan sila nakaupo nila Luke at Agust. Malapit lang sila sa amin kaya naman sabay na kaming pumunta doo at umupo.

"Uy Alex bat ang tagal mo?" Tanong ni Sergio habang kumakain ng burger.

"Haba ng pila grabe, muntikan ko na mailabas sa pants ko" Sabi ko at umupo na sa table namin. Kinuha ko na ang burger at carbonara ko at kumain. At biglang nagsalita si Kale.

"Uy tiba sila popular rich IT boys yun?" Sabi niya at sabay turo sa katabi naming table. Tumingin kaming tatlo at nakitang nagtatawanan sila. Bumalik kami sa pagkain at nagkwentuhan. After non ay lumapit ang grupo nila Clyde sa amin.

"Hello!" Bati ni Luke sa amin.

"Uy hello din!" Sabi ni Kale.

"Uhm pwede ba kami sumama sa inyo? It's my birthday and I just want to spend it with all of you" Sabi ni Luke.

"Hala OMG happy birthday!" Bati naming apat sa kanya.

"Sige ba!" Sabi ni Sergio. Naging close na silang lima dahil nga magkakasama sila tuwing recess. Pumunta kami sa Space shuttle at doon ay sigaw kami ng sigaw ni Kale. Katabi ko si Clyde at ang higpit ng hawak ko sa kamay niya. After ng ride ay hinanap ko si Clyde dahil wala siya sa tabi ko, ng biglang lumapit siya sa akin at binigyan niya ako ng tubig na may kasamang medicine.

"Para saan ito?" Tanong ko na may nagtatakang mukha. Naramdaman ko ding nakatingin ang mga kaibigan namin sa amin. 

"For you. Tili ka nang tili kanina sa ride baka tuyo na yang lalamunan mo," Sabi niya and chuckled. "I also brought some medicine para sa hilo in case na mahilo ka sa mga rides na sasakyan natin." He said and smiled. I can't help but blushed like a tomato.

"Uy si Alex oh naging kamatis na" Sabi ni Luke at tumawa silang lahat. 

"Kayo ha, ano ba talaga kayo at mas sweet pa kayo sa asukal ah?" Tanong ni Kale at tinaas baba ang kilay niya. 

"He's my special friend, but he's going to be my boyfriend soon" Clyde said and smiled. Nagulat ako at tumingin sa kanya na may malaking mata. 

"HALA SHET BAGAY KAYO" Sabi naman ni Kale at tumalon talon na parang bata. 

"Kaya pala gusto mong kapitbahay si Alex ah" Sabi ni Agust.

"What? magkapitbahay sila Myles at Andrei?" Sabi ni Shio na may gulat na mukha. 

"Omsim lods, pero bawal ko ikwento why" Sabi ni Agust at tumango na lang yung tatlo kong kaibigan.

Nagpatuloy kaming maglakad lakad at sumakay sa mga rides hanggang sa gumabi na. 

Comment