Chapter 3

Nasa gate na kami ni Clyde when we saw our friends na kumakain ng tusok-tusok. While we're walking towards them, naramdaman kong lumayo ng distansya sa akin si Clyde. Hindi ko na lang pinansin kasi baka hindi pa siya sanay na kasama ako.

"Myles! kuha ka na dito oh, libre na kita" Sabi ni Kale habang naglalagay ng sauce sa baso niya. Kumuha na ako ng fishball at kikiam at nilagay ko sa plastic cup na binigay ni manong. I saw Clyde's circle walking towards a black jeep car with two bodyguards on the side.

"Mauna na kami Alex, baka hanapin kaming dalawa ni Shio sa dorm eh" Sabi ni Sergio. Both of them are staying at the school dorm dahil malapit lang naman dito sa school kaya maaga din sila nakakapasok sa school. Kale hugged Shio before leaving kaya napatingin kami ni Sergio sa isa't isa. Shio pulled out the hug and they left.

"Hoy ikaw ha, ginagalaw mo na ang baso ah" I said teasingly because i know something is going on with the two of them.

"Sira! bawal ba maghug kaming magkaibigan?" Sabi niya habang inuubos yung fishball sa cup niya.

"Magkaibigan o Magka-ibigan?" I asked jokingly. Biglang nabulunan si Kale kaya naman bumili ako ng gulaman sa katabing street food stall ni manong fishball. After uminom ni Kale, hinampas niya yung braso ko kaya tumawa na lang ako. Nagsimula na kaming maglakad pauwi sa bahay namin. After walking for almost one hour, narating na naming dalawa ang bahay nila Kale.

"Bye sizzling!" He said and hugged me bago ako nagsimulang maglakad pauwi.

After a few minutes, nasa loob na ako ng bahay. Wala si mama at lola since nagtatrabaho sila sa palengke parehas. It's already four o'clock in the afternoon kaya naman nagsimula na akong maligo para tulungan sila mama mag-uwi ng mga gamit. After kong maligo, narinig kong tunog ng tunog ang phone ko. I checked my phone and saw...

I was shocked when i saw all Clyde's account follow me. I jumped like a little kid before i followed back his accounts. Hindi ko siya nareplyan dahil late na ako at baka hinahanap na ako ni mama at lola. Sinuot ko na yung black t-shirt ko at pants bago suotin yung white slippers ko. I started running on the way to the market dahil malapit na mag five o'clock and yun ang closing time ng public market here. After a few minutes, I already arrived at the market. Nakita ko si mama na nagliligpit ng mga tindang gulay kaya naman tumulong na ako.

"Ako na po ma," Sabi ko and started putting the vegetables sa mga baskets. Inuna ko ang talong, kangkong at next naman ang kalabasa.

"Kamusta school mo anak?" Tanong ni mama habang inaasikaso si lola.

"Okay lang po ma, malamig nga yung hangin eh kaya halos nakajacket mga estudyante." Sabi ko. Malapit na ako matapos sa pag-aayos, yung bawang at sibuyas na lang na ilalagay sa plastic labo. Narinig kong umuubo si mama, siguro sa lamig ng panahon niya nakuha yon.

"Ma, mauna na kaya kayo ni lola sa bahay? malapit na lumubog ang araw at malamig na din" Sabi ko.

"Eh pano ka 'nak?" Tanong ni mama na may nag-aalala na mukha.

"Okay lang ako ma. Mauna na kayo ni lola at baka magkasakit pa kayo. May natira naman akong allowance dito, bibilhan ko na lang po kayo ng gamot." Sabi ko. Niyakap ako ni mama at bumulong sa akin.

"Salamat 'nak" Sa simpleng salamat lang ni mama ay gumagaan na ang puso ko. Mahal na mahal ko silang dalawa. Dumaan muna ako sa isang pharmacy store malapit sa public market at nagsimula na akong naglakad na pauwi ng bahay, mabigat din tong mga gulay kaya naman medjo mabagal ang lakad ko. Pagdating ko ng bahay, nakita kong nagluluto na si mama ng hapunan kaya naman inayos ko na yung mga gulay at inilagay sa lagayan nila. Nanonood si lola sa telebisyon kaya naman pumasok na ako ng kwarto ko para magbihis.

I checked my phone na iniwan ko dito sa bahay at binuksan yung messages ko. nakita kong nag-chat pla yung tatlo sa group chat namin kaya naman nag-reply ako.

Sergio was the last chat sa group chat kaya naman pumunta na ako ng kusina para maghain dahil kakain na kami. Sinigang na hipon ang niluto ni mama, perfect for a cold windy night. Umupo na kaming lahat at ako na ang nagdasal. After kong magdasal, kumain na kami habang nanonood ng isang teledrama sa tv. Habang kumakain, ngayon ko lang naalala na nagchat pala si Clyde sa akin. So after naming kumain, mabilis na akong naghugas para replyan si Clyde. Inutusan muna ako ni mama na umag-ayos ng kwarto ko since magulo na din at madumi. Chinarge ko muna ang phone ko at nagsimulang maglinis.

I finished cleaning my room at saktong patulog na din sila mama. Niyakap ko si mama bago ako humiga sa kama ko at binuksan ang chat ni Clyde.

After that hindi na siya nagreply, so triny kong matulog but ayaw pa ng mga mata ko. Nanonood muna ako ng video sa tiktok at mukbang sa youtube.

Clyde's POV

After Alex and I talked, bumaba ako ng kwarto to eat something. I'm craving for noodles so nagpa-init ako ng tubig para sa cup noodles ko. I heard the doorbell rang and saw dad with a new girl, again?! It's the fifth time na nag-uwi si dad with a girl he met at some bar near the company building.

"Clyde, bakit gising ka pa? may pasok ka pa bukas tiba?" Tanong ni dad.

"I'm hungry so I cooked some noodles." I answered. I saw the girl looked at me and wink. I feel disgusted.

"Hmm okay. We'll go to my room na, matulog ka na din after." He said and started to walk upstairs until I spoke.

"Dad, when will you stop to bring random girls here at our house? They're just after your money" I said and dad stopped walking and looked at me. He started to go down and now we're face to face.

"It's none of your business Clyde." Sabi niya. Tumalikod siya pero nagsalita ulit ako.

"It's one of my businesses dad! This is also my house! Bahay natin ito ni mom! how can you easily replace her with some random girl?" I said while shouting. And that's when dad's temper rise like a volcano with a hot lava inside, he punched my face and then my stomach.

"Don't you dare mention that woman! Wala na siya Clyde! Move on!" He said. And with that, my blood started to boil.

"It's easy for you to say because you never loved her. And you know what, I wished mom was the one who's here and not you!" I said with my fist closed. Kinuha ko yung cup noodles ko at umakyat sa kwarto ko. Binilisan ko ang pagkain and messaged Alexander.

Comment