Chapter 13

It's graduation na, ito na din ang last day naming magkakaibigan bago magfocus sa kanya kanyang mga buhay, I'll miss them. Hindi parin ako makapaniwala na g-graduate na kaming lahat after so many iyak sa Math, dugo na ilong sa English at nabubulol sa Science dahil ang hirap ng ibang words at spelling doon. It's 9am in the morning and andito na kami sa gym for our graduation. I can't believe that I am finally going to be a nurse while my boyfriend is going to be a businessman although he wants to be an engineer. Gulat kayo no? Nurse ang pinili ko since then because I want to take care of my mom and lola, pero ngayon, nadagdagan ng rason ang pagiging nurse ko. I want to heal Clyde too. I want to be the one na maglalagay ng betadine sa mga sugat niya tuwing sinusuntok niya yung pader, kapag nahihiwa siya ng kutsilyo kapag nagluluto at lalo na ang feelings niya. As long as I am here, Clyde don't need to hurt himself, because I am willing to get hurt if it's for the love of my life. 

Isa-isa na kaming tinatawag at nung tinawag na ako, nagulat ako when ako ang Cum Laude. My hardwork paid off. After ng graduation ay sinopresa ako ni Clyde ng isang bouquet of flowers. The colors of the flowers were my favorite colors. After that, dumiresto kaming lahat sa kanya kanya naming mga bahay at nagcelebrate ng tagumpay namin with our parents. Clyde and Tita Susan celebrated with us sa bahay, then mga bandang alas-dose, sumunod na ang mga kaibigan namin sa bahay ko para mag celebrate. 

"Hoy Kale! balak mo ba maglasing at isang case ng red horse ang dinala mo?" Sabi ni Sergio. Kanya kanya silang dala ng mga alak habang kami naman ni Clyde ang bahala sa pulutan. Red horse kay Kale at Shio, Soju kay Sergio at Champagne naman kayla Luke at Agust. Taray ang yaman naman ng magjowang toh. Nagtulong tulong kami sa pag set-up ng lamesa habang si Clyde naman ay nagluluto sa kusina. Mama and Lola are already sleeping kaya tahimik lang kami. 

"Chong, kamusta na kayo ni Kiara?" Tanong ni Clyde kay Sergio na tamang kain lang pero less shot. Pulutan lang talaga pinunta niya dito joke. 

"I am still courting her, chong. Actually dapat sasama siya sa akin papunta dito, eh kaso sabi ko na mag-stay na muna siya kayla tita at tito dahil andun din ibang family relatives niya." Explain ni Sergio.

"Eh, pinakilala ka na ba niya sa parents niya?" Tanong ni Kale. 

"Yes chong, bait nga nila eh. Also, binigay na ng parents niya yung basbas nila since sabi ko nga, nangliligaw ako. So yes na lang ni Kiara ang hinihintay ko." Sabi ulit ni Sergio.

"Pano kung hindi ka niya sagutin? Ano gagawin mo?" Tanong ni Shio na lasing na dahil namumula na yung cheeks niya.

"Well, syempre masasaktan but I won't regret it. Kasi in the first place, I am the one who likes her. It's not her responsibility to like me too. Sabihin man nila na sayang, para sa akin hindi sayang yun, dahil sa pangliligaw ko, mas lalo ko siyang nakilala, mas lalo akong nahulog sa kanya. I won't regret liking or loving her mga chong."  Explain ni Sergio sincerely.

"Grabe, ang laki na ng anak ko oh, dati torpe yan eh. Laki ng pinagbago nung nakilala si Kiara." Pagbibiro kong sabi. We spend the night na parang wala ng bukas at lahat kami ay nagsleep-over na sa bahay namin dahil lasing na sila masyado para magdrive pa ng madaling araw. 

Months passed and lagi kaming nagdadate magkakaibigan. Sinagot na din ni Kiara si Sergio and kaming magjojowa naman ay patuloy na nagmamahal ng lubos. Excited na din ako since bermonths na at first christmas ko toh kasama si Clyde. Pero yung excitement ko ay napapalitan ng takot dahil sa mga panaginip ko. I've been dreaming of me seeing Clyde crying at one corner of my room while looking at our picture frames kung saan nakalagay ang picture ng mga first na nangyari sa relationship namin. Like, first date, first picture, etc. 

"Love, kanina ka pa tulala, nakatingin ka lang sa inorder mo." Sabi ni Clyde. Bigla kong naalala na lumabas pala kami para mag date dahil naging sobrang busy na namin at wala ng time sa isa't isa. 

"Sorry love, pagod lang po." Sabi ko. Sobrang nakakapagod ang nursing school dahil syempre may mga imememorize kami. Clyde insisted na umuwi na kami sa bahay at magpahinga na ako. He doesn't like it daw pag napapagod ako. Kakilig naman sa bones lods.

"Love, take a nap first hm? Ako na bahala kayla tita at lola." He said. 

"No na love, kaya ko pa naman eh. Hindi naman ako inaantok, need lang ng pahinga po." Sabi ko.

"Dahil sa katigasan ng ulo mo last time, nahimatay ka and you didn't even tell me kasi sabi ni tita ayaw mo daw ako maistorbo. Tampo kaya ako sayo, pero it's my fault din naman kasi hindi kita nabibigayan ng oras ko." Sabi niya.

"Shh, don't blame yourself ok? Nasobrahan lang ako nun sa pag-aaral and I am sorry na tinago ko sayo, I love you and I know you have priorities kaya I didn't want to bother you mahal." Sabi ko while caressing his cheeks.

"But you are my number one priority, love." He said. I swear my heart was exploding inside that time.

"I know love, pero remember may iba ka ding priorities so don't just focus sa isa lang mahal." Sabi ko and kissed his forehead. Still, ako ang talo sa amin kaya naman ako ay humiga at natulog habang siya ay nagbabantay kayla mama at lola. 

I woke up with horror in my face, napaginipan ko ulit yung nightmare na yun. But this time, mas malala, Clyde was looking at me, INSIDE A COFFIN?! So nung araw na yun ay bad mood ako dahil baka may sign ang mga panaginip ko.  Lord, please wag muna. Paabutin mo lang ako kahit sa christmas oh, I want to spend it with him. My love. 

Hindi na ako makatulog after ng panaginip ko kaya naman lumabas na ako ng kwarto seeing the most handsome boy peacefully sleeping at our couch. Lumapit ako sa kanya and I kissed his forehead. I was silently watching him sleep ng bigla siyang nagising.

"Love, aga mo magising ah. Do you need anything?" Tanong niya.

"Wala naman love, hindi na ako makatulog kanina kaya pinanood na lang kitang matulog." Sabi ko at tumayo para kumuha ng tubig. I thought he was going to sleep pa but he's already fixing the couch.

"Love, 'di ka na magsleep ulit? Maaga pa oh, 3 o'clock pa lang ng umaga." Sabi ko.

"Hm, not sleepy na eh. Samahan na lang kita, let's watch your favorite movie or labas tayo then bili ng ice cream." He said then smiled at me. Gosh, I love this man so much.

We ended up getting some ice cream and foods sa convenience store na pinagbilhan namin, buti nga 24 hours ang bukas nila kaya hindi kami nahirapan maghanap pa ng ibang stores. Clyde was cooking carbonara, our favorite pasta. Ako naman ay inaayos yung couch at lamesa na uupuan namin at lalapagan ng pagkain.

We are already eating our pasta, sinusubuan pa nga ako ng taong pinakamamahal ko. We are watching my favorite movie, titanic. Favorite ko toh ever since bata pa ako dahil ang ganda ng story eh. Lagi kasi tong pinapalabas sa tv tuwing holy week kaya naging favorite ko na din.
I was eating peacefully when someone knocked at our gate. Sino ang taong kakatok sa bahay ng 4 am? Clyde went outside para icheck kung sino yun. We are both suprised when it was Agust.

"Oh chong, ano gawa mo dito? Ang aga pa ah," Tanong ni Clyde. Pumasok muna silang dalawa dito sa bahay.

"So, what's up?" Tanong ulit ni Clyde.

"Dude, I think kailangan niyo ng mag-ingat ni Alex." Sabi niya habang hinihingal.

"Huh? bakit naman? Hindi naman alam ni dad about sa amin ni Alex right?" Tanong ulit ni Clyde.

"Yun nga eh, hindi alam ni tito about sa inyong dalawa and since hinahanap ka na ni tito dahil ilang months ka ng hindi umuuwi sa bahay niyo, he is going to have a search sa bawat bahay near school. Baka daw na implewansiyan ng mga kaibigan eh." Sabi ni Agust at uminom ng tubig na inabot ko.

"How did you know about this?" Sabi ni Clyde.

"My dad and tito were having a conversation sa call kanina lang, kukuha sana ako ng tubig pero pinakinggan ko muna sila at nagtago sa likod ng counter-top namin. Dad revealed kay tito na someone saw you with Alex sa isang farm sa Batangas." He said. Ito na ba ang kinakatakot ko? I said in my mind.

Comment