Chapter 11

It was our last day since we went here sa farm namin. The rest of the days after I said yes to Clyde was splendid. We went on dates by eating street foods, we went to the public market kung saan nagbebenta sila tita Catty and he even helped them carry those heavy bags of vegetables. It was morning and naramdaman kong wala si Clyde sa tabi ko, so, I went up and fixed myself bago siya hanapin. I walked everywhere sa farm looking for him perp hindi ko siya makita, so I asked Asreh where her tito Clyde is.

"Asreh, alam mo ba kung saan nagpunta tito Clyde mo? 'Di ko mahanap eh," Sabi ko.

"Nasa may animal farm po sila, sumama si tito Clyde kanina kayla mama para daw siya na magpakain sa mga animal dun." Sagot ni Asreh.

"Okay Asreh, thank you." I said then dinala ko na si Asreh sa loob para kumain kami ng umagahan. It's just the three of us now. Lola, Asreh and me. Nagluto lang ako ng scrambled egg para palaman namin sa tinapay at nagtimpla na rin ng kape.

As I was washing the dishes, nakita ko na may tricycle na pumarada sa harap namin kaya binilisan ko nang maghugas  nung nalaman kong sila Clyde na pala yun.

"Mahal!" Sabi ko habang tumatakbo papalapit sa kanya. Yayakapin ko sana siya kaso pinigilan niya ako.

"Oops, mamaya na love baka madumihan damit mo. Galing ako sa putikan, inararo namin yung isa pang bukirin doon." Pag-eexplain niya.

"Okay love, magpalit kana para mababad ko na yang damit mo." Sabi ko and he held my hand as we walk inside the house.

"Hijo, sumabay ka ng kumain sa amin at mamaya ka na maligo at pawis ka pa," Sabi ni mama.

"Sige po tita," Sagot ni Clyde. He changed his clothes muna bago umupo at kumain. Binabad ko na ang damit niya pagkatapos. Si Clyde naghugas ng pinagkainan nila habang ako naman ay nag haharvest ng strawberries, ipapasalubong ko sana sa mga kaibigan ko.

"Love, need mo ng tulong diyan?" Tanong niya.

"No love, okay na ako dito. If you want pwede ka nang mag harvest ng mga mangoes dun oh, pasalubong mo kayla Luke at Agust." Sabi ko. He hugged me first then kissed my forehead before heading to the mango tree. I swear this man never fails to make my heart skip a beat.

It's already night at nakahanda na ang mga dadalhin namin for tomorrow morning. The vegetables, fruits and pasalubongs are inside the bags already. Natulog na kami for the night and Clyd ehugged me as we sleep. Ang mga tunog lang ng tipaklong at iba pang malilit na hayop ang naririnig ko.

Pag gising ko ngayong umaga ay ang awit ng mga ibon ang unang bungad. What a good day to start with! Naligo na ako at si Clyde then nagpalit na kami ng pang-alis, same with lola and mama. Mama was very supportive when she knew na kami na ni Clyde, tinutukso niya pa nga kami tuwing may sweet moments kami ng boyfriend ko. Wow boyfriend? hindi parin akong makapaniwala na ang boyfriend ko na ang crush ko.

Bago kami umalis ay pinatahan ko muna si Asreh sa sobrang iyak dahil ayaw niya daw kaming umalis. Buti na lang at sabi ni Clyde na babalik din kami dito basta maghintay lang siya. Ang galing ni Clyde sa mga bata. Nagpaalam na ako kay tita Catty bago umalis at sumakay kami ng tricycle bago sumakay sa kotse na pinark namin. We entered the car and I kept staring at the most handsome person I ever know in my life. My Andrei.

"Love, baka matunaw ako sa mga titig mo. Kanina ka pa nakatingin sa akin," He said and chuckled.

"Why, masama ba? Tinitignan lang kita, baka kasi biglang magbago isip mo at iwan ako." Sabi ko teasingly and chuckled.

"Love, I will never do that. You know why? Because leaving you would be the worst thing I could ever do." He said at kumindat sabay ngiti sa akin.

"Corny mo," Sabi ko at inaalis ang tingin ko sa taong pinak mamahal ko. I didn't realize na nakatulog na ako habang tumitingin sa paligid ko. Naramdaman kong tinapik ako ni Clyde since siya lang naman yung nasa driver's seat. Dinilat ko ng konti ang mga mata ko.

"Love? Wake up na, nag stop-over muna tayo since nagugutom na sila lola at tita." He said and I fixed myself. Pinagbuksan ako ni Clyde ng pinto at inalayan pababa. Nakita kong naka-upo na sila mama at lola sa isang vacant seat doon at hinihintay kaming dalawa ni Clyde.

"Ma, La, ano po gusto niyong kainin?" Tanong ko.

"Kahit ano anak, basta may kanin para hindi na tayo puro stop-over" Sabi ni mama.

"Ikaw love? Ano gusto mo?" Tanong ko habang nakatingin kay Clyde.

"Ikaw na bahala love, I'll stay here na lang, bantayan ko si lola." Sabi niya. Lumakad na kami ni mama papunta sa iba't ibang stall na nakikita namin at pumila sa isang stall na nagtitinda ng tapsilog. Habang nakapila kami ay biglang nagsalita si mama.

"Anak, seryoso na ba kayo ni Clyde sa relasyon niyo? Hindi naman sa hindi ako payag sa inyo pero alam nating mayayaman sila." Sabi ni mama.

"Yes ma, pinaghandaan namin ni Clyde toh. And as I said nga po, proprotektahan at mamahalin ko siya no matter what po." I said sincerly kay mama at hinug niya ako. In this world, it's Clyde and I against our surroundings. Alam naming delikado kapag dumating sa papa niya pero we still love him no matter what.

After a few minutes, bumalik na kami sa table with the foods. Tinulungan kami ni Clyde sa pag assemble ng pagkain na ilalapag sa lamesa.

"Love, kunin ko lang yung drinks natin ah," I said.

"Ako na love, kumain ka na dito." Sabi niya. Wala naman akong palag dahil gutom na din ako at tumayo na siya. Tahimik na bumalik si Clyde sa table para bang may iniiwasan siya. He even wear a mask para daw hindi siya mamukaan.

"Love, are you okay? Kanina ka pa tahimik diyan." Sabi ko with a worried face.

"Habang kinukuha ko yung drinks kanina, I spotted a familiar car sa may parking lot. It was my dad's car, wala siya doon pero puro mga bodyguards niya ang lumabas. I guess they already started looking for me."
He said and with that parang biglang natakot ako. Clyde signalled me to look at my right side and that's where I saw three muscular men wearing a suit. Shit! Malapit na sila sa table namin.

Tinignan ko ang phone ko dahil may notification na tumunog, I saw Clyde's message. 'Stay calm, love' that was his text message. Nag-inhale exhale ako since naririnig ko na ang boses nila na onti-onting papalapit sa amin.

"Sir, may I ask you a question?" Sabi nung bodyguard na lumapit sa akin. Tuminggin sila mama at lola sa lalaki. I gave mom a signal na it was one of the bodyguards of Clyde's dad by looking at her eyes. Mabilis namang nakuha ang signal dahil mukhang ready mang kidnap tong naka suit na lalaki.

"Yes, how may I help you?" I said calmly pero ang totoo ay parang nawawala na ata ang kaluluwa ko.

"May kilala ka bang Clyde Andrei Santillian? Here," He said at nagpakita ng picture ni Clyde na nakasuit.

"Hm, sorry but I don't know who that is. Sayang, gwapo pa naman oh," Sabi ko at tuminggin sa bodyguard.

"Eh kayo sir? Have you seen this guy?" Tanong niya sa lalaking naka-upo sa tabi ko, si Clyde.

"Ah eh, boss, 'Di ka niya maririnig. May problem siya sa hearing." Palusot ko, buti na lang naniwala yung lalaki.

"Ah sige po, sorry sa abala. Enjoy eating." Sabi ng bodyguard bago umalis. Nakahinga ako ng malalim. Binilisan na namin ang pagkain at umalis na agad.

Comment