Chapter 20

Ailene Archesia Kim-POV


"Bye Babe!"


"Ok take care huh dalahan ka namin nila Jane ng lunch maya"Ani ni Tristan ngumiti Naman ako sakanya.


Napaka bait at sweet niya talaga hihi.


"Okiee po love you"Sabi ko at bahagyang lumapit sakanya at hinalikan siya sa labi. Napangiti naman siya sa ginawa ko at kinintilan pa ako ng isang halik.


"Hmmm love you too"Sabi nito binuksan ko naman na Ang pinto ng kotse niya. Sabi Niya Kasi na siya na Ang mag hahatid saakin Wala Naman na akong nagawa kasi alam kong matatalo lang ako makulit kaya toh.


Pag baba ko at kumaway muna ako sakanya at sinara na Ang pinto. Hinintay ko muna na umalis siya bago ako pumasok sa entrance ng companya.


Papasok palang ako ng biglang may nakabangga ulit ako nahulog ang dala nitong folder.


Pinulot Niya naman ito at tumingin saakin nagulat ako ng makita ko Ang muka niya teka siya Yung nakabanggaan ko kahapon.


In fairness gwapo si kuya. Medyo makapal na kilay mahahaba Ang pilik mata niya tas Yung kulay ng mata Gray then matangos Ang ilong at mapula Ang labi niya inshort Perfect kung baga hehe.
Lande mo self.


"Done checking me?."nakangising tanong nito na nag pabalik ng ulirat ko. Huhu nahuli Ang landi Kasi ng mata ko.


"Hehe sorry mr."nahihiyang ani ko at nag bow Ng kunti Ng bigla akong napaisip teka diba ako Ang boss dito eh bakit ako nag bobow dito.


"Still pretending that you don't know me huh?!"Ani nito naguluhan Naman ako eh kahapon ko lang ito nakita ah siyaka Hindi ko Naman talaga alam pangalan nito naka drags yata si Mr I don't know.


"What are you saying eh kahapon lang kaya kita nakita siyaka I don't even know your name naman talaga"Ay napa conyo language nanaman po ako.


"Great pretender tsk. Tsk. Tsk"naiiling na ani nito at tinignan ako ulo hanggang paa.


"Still Pretty until now love..."bulong nito na Hindi ko masiyadong narinig luh.


"Sinasabi mo alis kana nga diyan late na ako"sungit na Ani ko at nilagpasan siya.


Pag karating ko sa office ko ng may biglang emaheng nag pakita sa aking isipan bahagya akong napapikit Ng mariin Ng sabayan ito ng sakit ng ulo.


"I Miss you"


"Hey I miss you love"


"I love you"


Napa upo ako sa upuan ko ng biglang tumindi Ang kirot.


"Ma'am Ai ok lang po kayo?"rinig kong tarantang tanong ng secretary ko.


"M-my My medicine in b-bag"hirap kong naiusal nakita ko namang kinalkal Niya ang bag ko hanggang ilabas Niya ang lalayan Ng gamot ko binuksan Niya ito at binigay Niya saakin Ang isang gamot.


Kinuha ko ito at kaagad na isinubo. Hanggang sa ilang minuto pa ay nawawala na Ang sakit.


Ngayon lang ito nangyari saakin Kasi ibig sabihim ba nun baka may posibilidad na pumalik pa Ang alala ko.


Sabi Kasi Ng doktor ko dun sa London makakaranas ako ng sakit ng ulo,makakarinig Ng ilang boses na galing sa past ko at ilang emahe kaya binigyan niya ako ng gamot na mag papakalma sa pananakit Ng ulo ko kung sakaling umataki ito. Sa London Hindi ko ito nararanasan maski Isa dito lang sa pilipinas. Ang ibig sabihin ba nun dito sa pilipinas ko nahahanap Ang mga memoryang nawala saakin.


Iniling ko nalang Ang ulo ko at tinuon ko nalang Ang pansin ko sa trabahong nasa harap ko dami kong ichecheck na design.


...............


Napaangat Ang ulo ko ng may marinig akong katok.


Pumasok dito Ang secretary ko na may dalang flower? Luh wag mong sabihin na may gusto ito saakin pero babae siya ngina.


"Ma'am Ai Mali po Ang iniisip niyo straight na babae po ako may nag papabigay lang po nito sainyo."Sabi nito napangiwi Naman ako ito kasing si brain ko masiyadong anli sa Pag iisip Ng kung ano ano.


"Ayy hehe sorry... Sino ang nag papabigay nito"Ani ko at inabot ang buklaklak pinakatitigan ko ito Ang ganda tas Ang bango.


"Hindi ko po alam ma'am sorry po"Ani nito tumango naman ako nag paalam na ito. Tinignan ko ng mabuti ang bulaklak hanggang sa may makita akong letter.


-im sorry for everything
alam kong masaya kana sakanya
Pero pasensya na kukunin kita
Just wait I know your Just pretending
That you don't know me.
I miss you And I love you...love.


Basa ko sa letter nanindig Naman Ang balahibo ko sa aking nabasa hala. Tama nga Ang sinabi saakin ni mommy maraming baliw at adik dito sa pilipinas.


Pero Hindi ehh parang kilala ko ang pamilyar saakin Ang callsign na Yun.


"I miss you love"


Love... Siguro siya Yung nasa emaheng nakikita ko pero Hindi ko Naman alam ang nag padala nito arrrgggh Ang gulo.






Ezikeil POV


Bakit ba ganun siya kung umasta talaga bang Hindi mo ako kilala.


Kaylangan kung malaman Ang totoo.


Ang sakit eh malapit na nga ako sakanya pero bakit parang Ang layo Hindi ko man lang siya magawang yakapin. Yung dating mata niya na pag nakatingin saakin puno ng Pag mamahal pero ngayon. Parang Wala lang parang normal lang Ang tingin Niya saakin parang Hindi Niya ako kilala.


Ganun ba Ang asta Niya Kasi masyadong nasaktan ko siya. Hindi ko Naman Yun ginusto. Nasaktan lang ako nun kaya ko Yun nagawa.


Ikaw ba Naman na malaman mong may kasamang iba Ang taong mahal mo anong nararamdaman mo.


Pero Ang Tanga ko at nag palamon ako sa galit ngayon Wala na Ang taong mahal ko saakin.


Napatingin ako sa cellphone ko ng may tumatawag.


*/Sir napadala ko na po/*Sabi sa kabilang linya.


"Ok thanks"Ani ko at binaba na Ang tawag napatingin nanaman ako sa larawan ng taong mahal ko at bigla nalang ulit nahulog Ang mga butil ng luha ko.


"You crying again because of her."biglang sulpot ni Iya sa harapan ko tinignan ko Naman ito ng malamig.


"Shut up! You don't care"asik ko dito.


"I care gabi gabi ka nalang umiiyak dahil sa babaeng yan andito Naman ako ahh bakit Hindi mo ako magawang mahalin?!"tanong nito tinignan ko namn ito ng parang Isa siyang napaka walang kwentang tao nag iinit talaga ang ulo ko tuwing nakikita ko siya.


"You care?. Pero kasalan mo kasalanan mo kung bakit ko siya nasaktan at kasalanan mo kung bakit ako ganito kaya pwede ba  WAG KANG UMASTA NA MAY PAKIALAM KA AT ITO RIN ANG TATANDAAN MO HINDING HINDI KITA MAMAHALIN.... Kasi siya lang ang mahal ko siya lang!"sigaw ko dito nakita ko Naman na napaatras siya at gumuhit Ang takot sa mga mata niya.


"Dalawang beses ko na siyang sinaktan at kasalan mo Yun.... I fuc*ing hate you for doing this to me kaya wag kang umasta na mamahalin kita Kasi ikaw na rin mismo ang gumawa ng dahilan upang kamuhian kita ngayon at hanggang kailan man...."

Comment