CHAPTER 7

Pasado alas nuwebe na ng narating ni Tom ang tinitirahan niyang bahay kasama ang tiyahin sa may Dagat Dagatan. Malakas ang kaba niya sa dibdib. Alam na niya ang posibleng mangyari. Patay na ang mga ilaw sa buong bahay ng marating niya ang mismong tapat. Umusal siya ng tahimik na panalangin na sana'y himbing na ng tulog ang tiyahin niya. May sarili siyang susi ng bahay.


Tahimik siyang nakapasok ng bahay. Isasara na lamang niya ang pintuan ng noon nagliwanag ang buong sala. Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang gumawa noon. At saktong pagharap niya upang harapin ito ang siyang pagbagsak ng kung anong mabigat na bagay sa mukha niya.


His auntie angrily slapped him. "Alam mo ba kung anong araw ngayon? At talaga bang napatigas na ng ulo mo para suwayin ang mga patakaran ko sa sarili kong pamamahay?" sigaw nito.


Hindi siya umimik. Mabilis na yumuko. Sanay na siya sa timbre ng boses nito. Manhid na siya. Simula ng ampunin siya nito ay hindi na mabilang ang ilang beses na pananakit nito maliit o malaki mang pagkakamali. 


"Hindi ka matutulog hanggat hindi mo natatapos ang labahin! Kailangan ko ung mga damit na 'un para bukas!" Mariing sabi nito sabay tulak sa kanya. Umakyat na ito sa silid nito.


From Renzo to his Auntie Lupe. What a bad day. A bad life. Pero sino siya para magreklamo? Dinampot ni Tom ang mga nagkalat na gamit pang-eskwela sa lapag ng sala. Tinungo ang maliit na silid malapit sa kusina. 


Ilang buwan na lang naman eh, makakatapos na siya ng Kolehiyo sa kursong BS Information Technology. Kapag nakahanap na siya ng magandang trabaho, bubukod na siya. Sapat ng kabayaran ang pagtira nya at pang-aalipin sa kanya ng Auntie nya sa ilang taong pamamalagi niya.


May kinuhang larawan si Tom sa ilalim ng kama. Larawan ng kanyang mga magulang. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. At parang tuksong lalo siyang gustong paiyakin, dinig niya ang mabining musika mula sa kapit-bahay. Ang paboritong kantang sabay na kinakanta ng kanyang mga magulang tuwing may okasyon sa kanilang tahanan. 


"....And now, the end is near 


And so I face the final curtain 


My friend, I'll say it clear 


I'll state my case, of which I'm certain 


I've lived a life that's full 


I traveled each and ev'ry highway 


And more, much more than this, I did it my way..."


Niyakap ni Tom ang larawan ng mga magulang. Kung may konsolasyon mang bago nawala ang mga ito. Ay ang trust fund na naiwan ng mga ito para makapag-aral siya sa magandang eskwelahan. Kung wala lang monthly allowance ang kanyang tiyahin, half sister ng ina niya, ay hindi siya kukupkunin nito.


Muli, tahimik na umiyak sa maliit at tila dagang espasyong kwartong iyon si Tom. 

Comment