CHAPTER 5

Sinipat ni Tom ang sarili sa side mirror ng isang Honda Civic na nakaparada sa parking area ng Saint Michael's Academy. Sa bahagyang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw, bahagya niyang napansin ang pangingitim ng ilalim ng kanang cheeckbone niya. Napalatak siya sa sarili.


I hope Auntie Lupe shall not notice this. bulong niya sa sarili.


Alam niya kung bakit siya sinugod ni Renzo at ng grupo nito. Nahulaan na niya un. Huli na ng nalaman niyang mali ang naibigay niyang sagot sa assignment na pinagawa nito. Dala ng sunod sunod na pagpupuyat dahilan sa sandamakmak na exams, hindi niya namalayan na maling formula ang nagamit niya sa trigonometry na homework nito. Renzo warned him in the first place na 40% ng final exam nito sa subject na iyon eh dun kukunin sa homework.


And he was so careless. Subalit may bahagi ng utak niyang nagsasabing tama lamang ang nangyayari. Aral sa kayabangan nito at pambubully sa tulad niyang estyudanteng hindi lumalaban dito. He smiled silently. Kung alam lang nito. Mariin siyang umiling. 


"And what do you think you're doing?" Ang boses mula sa likuran ni Tom. 


Bahagya siyang nagulat. At bigla ding hinarap ang pinanggalingan ng boses. And to his surprise, he loudly gasped. Tama ba ang nasa harapan niya? Tama ba ang nakikita niyang kaharap niya? Oh this girl! Si Tamara Villaverde! Ang unica hija ng isa sa Vice President ng pinakamalaking telecom company sa bansa. He lost his words.


"Yeah, no need to explain. I could guess..." Blangko ang ekspresyon sa mukha nito. At natagpuan na lamang ni Tom ang sarili na gumilid sa daan. Noon niya lang napansin sa kabilang banda ng sasakyan ang driver nito. May pigil na ngiti at tawa sa mukha nito. 


And it hit him! She thought that he's stalking her! 


Numipis ang labi ni Tom. When he about to say something, nakapasok na ng sasakyan si Tamara at umusad na iyon papalabas ng eskwelahan. He contained his anger. Na kung saan man nanggaling, hindi niya kailangan man malalaman. 


Bitch. He murmured. 

Comment