CHAPTER 12

HE heard someone muffled a stiff scream.


        Kung bakit napadaan si Tom sa hallway na iyon ay hindi niya sigurado. Bagaman may haka-hakang may nagpapakitang multo sa bahaging iyon ng campus ay hindi na niya naisip. Isa pa'y hindi naman siya matatakutin. Subalit kakaiba ang sandaling iyon. Hindi siya pinepeke ng pandinig niya. May naulinigan siyang sigaw. Saglit lamang pero alam niyang mula sa isang babae.


         Binilisan niya ang lakad. Kudlit na naisip ang kwento ng white lady na kadalasang nakikita sa hallway na iyon kapag malalim na ang gabi. Ilang estudyante na din ang nagpatunay subalit mabilis na sinasawata ng Office of Student Affairs. At kung sinuman ang mapagalamang nagpapakalat ng kwento'y ikinukulong sa school chapel ng buong maghapon at pinagdadasal ng 50 Our Father, 30, Hail Mary at 20 I believe in God.


        Isang kanto na lang lilikuan niya at malapit na siya sa bukana ng hallway na iyon palabas ng campus. At ganoon na lamang ang gulat niya ng may masinong mga bulto sa kalagitnaan ng likuang iyon. Hindi multo ang naulinigan niya, kundi mga totoong tao!


        Hindi siya napansin ng mga tao dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya. Subalit mabilis ang pagtataka niya ng makitang pumapalag ang babaeng hawak ng lalaki. Malalim na kumunot ang noo ni Tom at akmang lilingon ang lalaking bulto ng mabilis siyang nakapagtago sa nilikuan niya.


        He can't be wronged. May mali sa nakita niya. Mabilis na nag-isip si Tom. Whoever the girl it is, kailangan niyang tulungan. Hindi na niya naisip kung ikapapahamak niya iyon.


        He made a decision. Kumudlit ang isang paraan sa utak niya ng may makitang isang bagay sa hindi kalayuan. He smiled. 

Comment