CHAPTER 1

MALAKAS na sumigaw si Fred sa office ng student council. Halos mabingi silang lahat sa sigaw nito. "Wit galore!" Sabi nito. Obviously he is gay. Shocked ang lahat. Malapad ang ngiti ni Fred o Freda sa circle of friends nito.


"So ano nang plano?" Si Chena, ang Vice President ng Student council. Maarteng tumayo si Fred sa kinauupuan. Pumunta sa harapan ng lahat. Nilagay ang magkabilang kamay sa bewang at kulang na lang eh mag-wave sa lahat. Sampu silang naroon sa opisina. Si Fred and student elect PRO. Si Ralph na nasa kabilang dulo ng mesa ang Presidente ng student council. Kulot ang buhok nito, makapal ang salamin at tila walking thesaurus sa unang tingin. But yes, he is. 


Sa kanan ni Fred naroon si Chena, bestfriend nya sa grupo. Kahanay nito si Pauline, secretary at nabiyayaan ng kagandahang sobrang kinaiinggitan niya. Naroon din sa hanay si Alfred, ang auditor ng grupo with his killer smiles. Super crush nya ang loko pero snob at mayabang. He wonder why he won in the first place. At ang limang naroon pa ay pawang mga year level student reperesentatives. Wit ng banggitin ang mga namesung, hindi nya maalala. Semestral meeting nila ngayon. At may malaking problema silang kinahaharap.


"I'm warning you Fred, if this PR thing project you've thinking right now shall not effective enough to promote our party, we shall be ruined." Si Ralph. Fortunately, lahat silang nasa silid na iyon ay nagmula sa iisang student political party and three months from now, magsisimula na ang election period sa school nila. And so far, malakas ang bulong bulungan na matatalo na sila ng long time na kalaban nilang partido ang ISIP party. Kaya kailangan nila ng gimik para muling maupo sa konseho ang UTAK party.


"70% ng population ng school natin eh male. But come to think of it, every year we are only organizing beauty pageant for female dahil nga sa strategy nating woman is the best weakness of every man. But morally speaking, nawawalan na ng sense of values ang partido natin. At iyon ang gusto kong ibalik."


"So ano ngang plano mo?" Iritang sabi ni Alfred. Sumirko ang kilay ni Fred. di nagustuhan ang timbre ng boses ni Alfred. But made back easily his composure para di masira ang atmosphere. 


"A beauty pagent for male. That would be called: MISTER PANGIT 2014!"


Walang palakpakan. Walang ni isang bayolenteng nag-react. Pero lahat malalim ang kunot ng noo. Bakas ang pagkadismaya. Padabog na tumayo si Ralph. "Ano bang kalokohan ito?!"


And Fred lost his hope. Am I good enough as PR officer? He asked himself.

Comment