chapter 9

Happy reading :>


Blaire's POV


Hayst ano ba yan! Bakit ba kasi ako yung mag bibigay eh! Pwede namang si HM!


Kainis ka HM!!


Nandito ako sa hallway papunta sa elites house para ibigay tong pagkain na nasa lunch box. Nakakainis nga pwede namang kunin dun mg elites diba?


House yung sa elites dahil anak sila ng mga reyna at hari.


Nang makarating ako dito ay nag door bell ako and napakalaki ng bahay! As in! Never pa akong naka punta dito and eto na nandito nako anlaki dai!!


Mas malaki pa toh sa bahay namin sa mortal world.


Bumukas ng automatic yung gate kaya pumasok na ako.


May pintuan pa yawa.


Kakatok na sana ako ng bumukas ito at bumungad si agatha.


"Hey blaire napa dalaw ka?" Tanong sakin ni agatha at pinapapasok ako pero tumanggi ako.


"Pinapabigay lang toh ni HM, para daw sa prinsesa" saad ko at inabot kay agatha yung pagkain. "Sige una na ako madami pa akong gagawin" nakangiti kong sabi at tumalikod na para umalis pero tinawag ako ni kea.


"Bes! Tara dito sa loob daliiii" sabi nya pagtapis nya akong yakapin.


"Uhmm may gagawin pa ako eh sa susunod nalang" nakangiti ko ding sabi dito at lumungkot naman ang mukha nya.


Yawa toh.


"Sigi hmm next time nalang hshshs ingat ka hah?" Sabi nya at tumango lang ako.


Nagteleport ako sa professor's office at nakita ko dun sila mama.


"Mama!" Sigaw ko at napatingin sila sakin.


"Anak, napadalaw ka?" nakangiting tanong ni mama sakin.


"Wala naman boring lang sa dorm, musta po kayo dito? Namiss ko po kayoooo" saad ko sa kanila at niyakap sila.


"Okay naman kami dito nak, namiss din namin ang prinsesa namin" nakangiting saad ni mama.


"Anak tara may pupuntahan tayo" sabi ni papa kaya sumunod nalang ako pati si mama.


Pumunta kami sa isang garden dito sa academy.


Wow ang ganda dito!


Malayong malayo ang istura nya sa garden ni safira dahil dito madaming puno kaya madami kang pwedeng pagsilungan.


Naglatag si mama ng banig na pang picnic yung may stripes ganun, tapos nilagyan nya rin ng picnic basket na may lamang pancake at juice na ititimpla pa.


"Nak wala pala tayong tubig at pitchel" sabi ni papa kaya nagteleport ako sa dorm at nakita ko dun sila erika na nanonood.


"Erika, max sama kayo sakin" sabi ko sa kanila at kumuha ng baso saka pitchel na may lamang tubig.


"Saan?" Tanong ni erika pero pinahawak ko sa kanya yung baso at pitchel naman kay max saka sabay silang hinawakan at nag teleport kila mama.


"Eto na ma" saad ko at pinalapag kila erika yung dala nila hshshs.


"Oh sino sila anak" nakangiting tanong ni mama sakin.


"Ah si erika at max po mga bago kong kaibigan" saad ko kay mama at umupo kaya umupo din silang dalawa.


"Oh saluhan nyo kami dito" nakangiting sabi naman ni papa at binigyan sila ng tig isang plato na may pancake at may juice.


"Maraming salamat po" sabay naman nilang dalawang sabi. Kaya kumain na din ako duh!


"Wag kayong maiilang samin hah?pwede nyo kami tawaging tito at tita dahil wala naman tayo sa klase" sabi ni mama at bahagyang natawa. Bait talaga nilaaaa uwuuu.


"Yes ma'a- ahy este tita" sabi naman ni erika at kumain na.


Masaya kaming nag kwentuhan about sa nga life namin at kung ano ano pa.


Nalaman ko din na wizard pala si erika at witch naman si max. Pero hindi daw porket wizard at witch pangit at masama gaya ng napapanood sa TV.


They are valerian wizard and witch, not a dark wizard and witch. Gets?


Natapos na kaming mag chikahan nila mama at pauwi na sila.


"Oh sya sya, uuwi na kami nice to meet you two friends of our princess" nakangiting sabi ni mama at ngumiti saka tumango naman sila erika.


"Bantayan nyo tong anak ko hah?pasaway masyado yan" sabi ni mama kaya napasimangot ako. Wow hah! Angas dai.


"Masusunod po tita" natatawang saad ni max. nag iba na din si max, marunong na syang maki halubilo sa iba hindi tulad daw dati sabi ni erika na magsasalita lang pag gusto.


"I love you nak" sabi ni mama sakin at niyakap ako.


"I love you too mapa" saad ko sa kanila at narinig namin sila erika na kumakanta.


"Wag mag alala
Ipikit ang iyong mata tahan na
Pahinga muna
Ako ng bahala
Labis pa sa labis ang
Iyong nagawa mama
Pahinga muna
Ako na" kanta ni erika at max. Wow sabay pa talaga hah.


Pero ang ganda ng boses nila pag nagsabay hah, And may naramdaman akong aura sa kanila nung kumanta sila. Diko alam kung paano nangyari yun eh basta baka coincidence lang.


"Ang ganda ng boses ninyo pwede na kayong maging singer hahaha, sige na mauuna na kami" pag bibiro ni mama kaya napa iling nalang ako at umalis na sila.


"Bes tinatamad ako maglakad huhu" reklamo ni erika kaya hinawakan ko sila at nag teleport sa dorm.


"Woah thanks bes" nakangiting sabi ni erika ay dumiretso sa kwarto nya pati si max. Mga pagod.


Hayyy pumunta nalang din ako sa kwarto ko at sempre iiglip. Gigising kami mamaya para kumain sempre.


5:35 palang so gigising kami ng 7:00 para kumain sa cafeteria. 24 hours naman ang cafeteria e.


Shuta goodnyt.


Kino's POV


"Ano baaaaaa!" Sigaw ni agatha habang nakikipag agawan ng pagkain kay kai.


"Nah ah ah akin toh ako ang unang kumuha dito" sabi naman ni kai na parang wala lang sa kanya na hinihila sa kanya ni agatha yung pagkain.


Mag sasalita pa sana si agatha pero inuhan ko na sya.


"Can you just please shut the fuck up!!" Sigaw ko sa at natahimik naman sila.


Agad naman akong pinakalma ni ashalia pero hinawi ko ang kamay nya at nag teleport sa garden ni safira.


All i want is her


All i need is her


And i love her.


Blaire...

Comment