chapter 20

This is the last chapter of my story huhu! And eto lang po talaga ang kaya kooooo sorry pooo. May book 2 naman po and sure po ako na hahabaan ko na chapters dun hihi :>

Blaire's POV

"Nakababa na si ashalia and keanan, handa ka na ba?" Tanong sakin ni athena at umiling ako dahil diko sure kung lalaban ba talaga ako.

Ngunit napatingin kami sa di kalayuan ay may naglalakad na...babae?

"Anak" saad nya nang makahinto. W-what?

"Q-queen s-sofia?" Utal kong tanong at tumango naman sya.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya.

"Huhu mamaaaa" hagulgol ko.

"Kumusta ka na anak?ayus ka lang ba dito?" Tanong sakin ni mama.

"O-opo mama huhu" iyak ko pa. Finally!! Nasa harapan ko na ang mama ko!!

"Ngayon ang malawakang digmaan laban sa demons diba? anong ginagawa mo dito?hindi ba dapat nandun ka dahil ikaw ang inaasahan nilang magliligtas sa kanila?" Saad ni mama at nakaramdam naman ako ng guilt. Hayst.

"Pero sinaktan nila ako ma, hindi nila ako pinagkatiwalaan" iyak kong saad at pinaupo naman ako ni mama.

"Alam mo nak?lahat ng tao nagkakamali, alam mo yun. Nalinlang sila nak, masyado silang nabulag sa kasinungalingan, look dapat marunong kang magpatawad. Sayo tong mundong toh nak, ikaw ang may ari ng mundong toh at wag mong hahayaang masira toh ng ganun-ganun lang. Paano na yung lalaking mahal mo?mga kaibigan mo, diba sila ang inspiration mo?tama na ang pagsisising yun nak dahil di nila kasalanan yun. Kasalanan yun ng dark king, so prepare yourself para ikaw naman ang mangibabaw sa kanila. Patunayan mo na hindi ka basta-basta, na kakampi mo sila. Maliwanag ba anak?" Paliwanag ni mama at napahagulgol nanaman ako.

"S-sorry mama" iyak ko habang nakayakap sa kanya.

"It's ok, it's not you're fault. Handa ka na ba?" Tanong sakin ni mama at pinunasan ko ang luha ako at tumango.

"Handang-handa na" saad ko habang nakangisi.

Third person's POV

"A-ashalia and k-keanna?" Gulat na sabi ng elites.

"Uhmm yeah hi!! welcome back samin!" Nakangiti nilang sabi.

"S-saan kayo g-galing?" Tanong ni agatha. Ngunit hindi na toh pinansin ng elites at pinagdikit ang dalawang kamay saka nag bigkas ng salita.

"We are the guardian goddess!!" Sigaw nila at lumiwanag ang katawan nila. Nagbago ang suot nila at naging long gown gaya nung binasbasan sila ni blaire.

Tumama ang liwanag sa 7 deadly sins at naging abo.

"W-hat the fuck!!" Gulat na sabi ng elites.

Humarap sila sa demons pati si max at erika.

Tumayo ng deretso si max at erika saka umawit ng lullaby.

"M-melody p-princess!? Hindi ba't napatay ko na kayo!?" Gulat na sabi ni claderine na ikinagulat din ng elites.

Nakita nila ang nga rhythm na nanggagaling sa bibig ni erika at max.

Unti-unti ding nagbago ang kasuotan nila hanggang sa maging princess gown.

Lahat ng demons ay napatakip ng tenga dahil ayaw nila sa mga musics.

May lumabas namang kidlat sa kamay ni ashalia.

Si keanna ay may tubig sa kanan at yelo sa kaliwa saka pinatama sa mga demons.

Ganun din ang elites, nag tulungan sila upang mapatay ang lahat ng demons.

Nasira din ang portal dahil sa ginawa ng melody princess.

Napatay na nila ang lahat ng demons na ikinagulat ni claderine.

"HINDI MAAARI!! PAGBABAYARAN NYO TOH!!" sigaw ni claderine at magpapatama na sana ng dark ball sa elites nang lumiwanag ang kalangitan.

"VALERIAN PRINCESS!!" Sabay-sabay na sigaw ng gods and goddesses knights.

Lumuhod din sila bilang pag galang maliban sa elites at mga estudyante na gulat. Pati si HM keito ay hindi makapaniwala sa nakikita.

Humupa ang liwanag at nakita nila si blaire na naka violet gown at lumiliwanag ang mata.

Umiilaw din ang linings na gold sa buhok nya, mas lalo syang naging maganda.

Malakas ang aurang nilalabas nya kaya kinilabutan si HM at ang lahat.

"Anong pagbabayaran?ikaw dapat ang magbayad, sa pagkuha mo sa magulang ko" galit na sabi ni blaire.

Blaire's POV

"Sa tingin mo papalagpasin ko ang mga masasamang bagay na ginawa mo samin at sa pamilya ko!?" Sigaw konat may tumulong luha sa mata ko.

"Oh come on, di ako naaawa sayo" sabi ni claderine kahit kinikilabutan na.

"Hindi ko kailangan ng awa mo, dahil first of all wala kang awa dahil demonyo ka" nakangising ko. Ayan matakot ka.

Lumipad sya para pantayan ako.

"BWAHAHAHAHA mahina ka pa prinsesa, kung gusto mo mag tulungan tayo para masakop natin tong buong valerian" nakangisi nyang sabi.

"Hmm no thanks, dahil akin tong mundong toh simula pa nung una" saad ko at nawala ang ngisi sa labi nya.

"Tigilan na natin toh ay simulan na ang laban" sabi nya.

Lumabas si rose mula sa braso ko at binigyan ng healing dust ang lahat para mawala ang mga sakit na nararamdaman nila pero hindi nito mababalik ang buhay nila.

Dahil ako ang makakapag balik ng buhay nila.

Gumawa ako ng barrier para hindi sila maapektuhan sa mga pagtama namin ng tira.

Bumaba ako at ganun din si claderine.

Tinignan ko sila kino na pilit binabasag ang barrier na ginawa ko.

Tumingin muli ako kay claderine at sinummon ang sacred sword na gawa sa destruction magic.

Napatigil sya at napatingin sa espada ko.

"D-destruction magic sacred sword?" Gulat nyang sabi kaya napangisi ako.

Sumugod sya sakin at may hawak din syang espada.

Nagtama lang ang espada namin pero mas lamang ako dahil sa lakas ko. Heh.

"I'm tired of this!! Tatapusin ko na toh!!" Inis nyang sigaw at naging giant serpent!!

Wtf!!

May lumabas na black fire sa bunganga nya pero nakaiwas ako dito.

Nagalabas din ako ng apoy at gaya nung dati kulay lila ito.

Tumama ito sa kanya at napadaing sya.

"Aaaaarghhh!!" Sigaw nya.

Ginalaw nya ang buntot nya at sa kamalas-malasan natamaan ako nito.

Pinulupot nya ako sa mga buntot nya. Naging tao muli sya pero sakal-sakal nya na ako ngayon.

"Yan ba ang prinsesang pinagmamalaki ninyo?" Nakangisi nyang sabi.

"Blaire!! Lumaban ka!!" Sigaw nila kino. Kaya nabuhayan ako ng loob.

Pinainit ko ang katawan ko kaya nabitawan nya ako saka nag teleport ako palayo sa kanya.

"Let's fucking end this" saad ko at napalaki ang mata nya.

Third person's POV

Lumutang si blaire sa hangin at nag iba ang kasuotan nya.

Ang damit nya ay naging pang goddess.

Ang buhok nya ay mas lalong tumingkad sa pagkalila at ginto.

Umiilaw din ang mata nya ng kulay lila sa kanan at ginto sa kaliwa.

"eímai to axerylle blaire valerian afaireí to kakó apó ólous

se antállagma gia ti zoí mou tin apóleia ton daimónon pou zoun ston kósmo tis valeriánas!!" Pagchant ng spell ni blaire ay lumiwanag ang katawan nito.

"Aaaaaaahhhhh!!" Sigaw ni claderine at nawala sa katawan ni haring osmaul.

Nawala ang liwanag kasabay ng pagkawala ni blaire.

Bumalik ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Ang mga namatay ay muling nabuhay.

Ang mga demon fairies ay bumalik sa dati.

Hinanap ng elites si blaire pero di nila makita.

"Hmmm wala na sya" saad ni keanna na ikinagulat nila.

"Sabi sakin ni blaire nung nasa goddesses realm palang kami, ang kapalit ng destruction and creation magic ay ang buhay ng may hawak nun" saad pa nya at napaluha ang lahat.

"H-hindi m-man lang kami n-nakahingi ng tawad" hagulgol na saad ni agatha.

"H-hindi maaari...hindii!!!" Sigaw ni kino at patuloy na pinagsasapak ang lupa.

"S-sorry b-blaire" iyak na sabi ni erika at max.

Lahat ay nagluksa sa pagkawala ng prinsesa.

Gumawa sila ng rebulto ni blaire sa gitna ng academy bilang tanda ng pagbuwis nya ng buhay para sa valerian.

Ang elites ay hindi pa din tanggap ang pagkawala ng kaibigan nila lalo na si kino na kahit pusong bato ay gabi-gabing umiiyak.

————————————

—THE END—

————————————

Waaaah shett tapos na ang book 1 ng legend of goddess!! Ackkk!! Ghash papa-fiesta ako!! Djk.

Salamat po sa pagbabasa ng story ko po opoooo, abangan nyo po ang book 2 sa ano sa ewan kung kelan baka next generation hihi :>

Comment