chapter 17

Happy reading :>


Third person's POV


Lahat ay naguluhan sa sinabi ni ashalia sa kanila.


Wala ni isa ang nagsalita.


"Si ashalia at blaire ay traydor!!" Sigaw ni HM keito.


At ginaya naman ng iba.


Pero sa loob-loob ni HM keito ay alam nyang magsisisi sila pero di nya alam kung saan.


Pinabalik na nya ang mga estudyante pati ang elites sa mga dorms nila.


Ashalia's POV


"Okay na po ba sya?" Tanong ko kay goddess hera.


"Okay na ang kalagayan nya at kailangan lang ng pahinga" sabi nya at tila nabunutan naman ako ng tinik sa puso.


"Kea! Wag mo munang alisin ang clone mo dun hah" sabi ko kay keanna at tumango naman sya.


Nandito kami sa goddesses realm and yes, kakampi kami ni princess blaire.


Clone lang ni keanna ang nandun sa valerian para sa pagparusa kay princess blaire.


Naguguluhan ba kayo?okay eto.


Hindi ako ang gumawa ng video na yun, hindi ko alam kung sino pero alam kong malakas sya.


Si princess blaire...no wala ako sa position para magsabi sa inyo neto pero alam kong may clue na kayo kung sino si princess blaire.


Kaming dalawa ni keanna ay pumayag na maging guardian ni princess blaire para protektahan sya.


And ginawa ko ang mga bagay na yun dahil gusto kong mapaalis si christoff sa kamay ni osmaul/claderine.


Dalawa ngayon ang nasa katawan ng hari ng dark world.


Si osmaul at claderine.


Ginawang masama ni claderine si osmaul dahil hawak ni osmaul ang destruction magic. Ang pinaka malakas na salamangka sa buong magic realm.


Ngunit ang akala ni claderine ay kapag nabuhay muli si haring osmaul ay nandun pa din ang kapangyarihan nya.


Lahat ay mawawala. Ngunit hindi ang ala-ala.


Okay na?


And one more thing I'm a princess of myths. Dionysus is my father and na inlove sya sa demon.


At nabuo ako. Sana ol.


Pinahiram lang sakin ang poisonous smoke para magpanggap na demon.


And nauto naman namin si tanga hshshs.


"Sis! Si blaire gising na!" Sigaw sakin ni keanna kaya dali-dali kaming pumunta sa kwarto ni blaire.


Lumaki ang mata nya nang makita nya kami. Hehe.


"Anong ginagawa nyo dito?" Gulat nyang sabi.


"Paliwanag ba namin?sige upo ka maayos" sabi ni kea at pinaupo si blaire ng maayos.


At kinwento namin ang lahat. As in lahat!


Inabot ata kami ng isang oras dahil andami nyang tanong yawa!


"Eh paano nyo nalaman na ako ang prinsesa ng valerian...kahit hindi naman" tanong nya pa samin. kanina pa hah!


"Let's go to goddess athena." Saad ko sa kanya at inalalayan namin sya.


"Goddess athena!" Sigaw ni blaire at niyakap si goddess athena. Aww sweet yuwuuu.


"Kamusta na ang kalagayan mo mahal na prinsesa?" Tanong ni goddess athena kay princess blaire.


"Uhmm opo, pero gusto ko pong malaman kung sino ako?i mean yeah ako si blaire pero yung pagkatao ko" sabi ni princess blaire.


"Handa kana ba?" Tanong ni goddess athena kay princess blaire at tumango nalang sya.


Blaire's POV


Lumiwanag ang paligid at...


What!?


Lahat ng tao nagkakagulo.


Madaming patay na katawan ang naka kalat sa buong paligid. Mga duguan.


Madaming demons.


Pero di kami nakikita?


"Ito ang nangyari nung lumusob sila claderine, ang namumuno ng dark world" sabi ni athena.


May nakita kaming lalaking nakatayo at biglang may sumulpot na lalaki at...parang di na makakita yung lalaking makaitim.


"Tumakas na kayo habang wala pang nakikita si claderine! Dali!" sigaw nung...haring osmaul?


May nakita din akong reyna ata at may hawak syang batang babae.


Wait...


Tiningnan ko ang tattoo ng bata sa braso at yung tattoo ko din sa braso.


Magkatulad!!


Don't tell me...


"A-ako ang b-batang yan?" Tanong ko kay athena at tumango sya na ikinagulat ko.


A-ako?


"Gumawa ng portal si haring osmaul...papa?at tinulak si queen sofia.


"BWAHAHAHAHAHAHAHA wala kang kwenta, magpaalam kana sa iyong kaharian kapatid kong osmaul" sigaw nung lalaking naka itim. Alam kong may balak syang masama, pipigilan ko na sana sya sa plano nya ngunit huli na ang lahat. Di pala nila ako nakikita at...


Kinuha ni claderine ang kaluluwa ni papa...


Agad akong napaluhod at tumulo ang nag uunahan kong luha.


B-bakit?


Agad na nagbago ang scenario at nandito kami sa malaking bahay...


Bahay namin sa mortal world!!


Nilagay ni queen sofia ang bata sa tapat ng pinto which is ako at may binigay na kwintas.


Napahawak ako sa suot kong kwintas.


"Mahal na mahal na mahal kita anak, magpakatatag ka hanggang sa muli" saad ni mama at gumawa ng portal. Hinila ako ni athena papunta din sa portal pero ang mata ko nasa batang babae....ako.


Nakita namin si claderine na nakamasid lang sa paligid ng nakangisi.


May namuong liwanag sa kamay ni mama at nagbanggit ng spell.


"I am sofia valerian the holder of creation magic will exchange my own life to eradicate evil and give peace to valerian!" sigaw ni mama. W-wait...waaaaag!!


Lumiwanag ang paligid at nakita nalang naming bumalik ang lahat sa dati na parang walang nangyari.


Lumiwanag ang katawan ni mama at nawala.


Tumakbo ako palapit dun pero...wala na sya!


Umiyak lang ako ng umiyak at niyakap ako ni athena.


"B-bakit k-kailangan nilang m-mawala" hagulgol ko.


"Tadhana yun, tulad mo. Tadhana mong maging taga pagligtas ng lahat, ikaw ang pag-asa nila" sabi sakin ni athena kaya napatingin ako sa kanya.


"Di nila ako pinagkatiwalaan, at sinisugurado kong mag sisisi sila sa ginawa nila" saad ko at bahagyang dumilim ang aura ko.


"Kalma, nandito na tayo sa goddesses realm" sabi nya kaya napatingin ako kila ashalia at keanna na may pag aalala sa mukha.


Lumapit sila sakin at niyakap ako.


"Okay ka na ba mahal na prinsesa?" Tanong sakin ni keanna.


"Wag nyo nga akong tawaging prinsesa, blaire lang. Oo ayus lang ako" sabi ko sa kanila at tinawanan naman nila ako.


"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.


"Hmm wala hshshs mag t-training ka ngayon, ahy bukas pala kasi baka masama pa pakiramdam mo" sabi ni ashalia.


Huh?


"Kabisado ko na lahat ng kapangyarihan ko" sabi ko sa kanila.


"Oo nga, what i mean is yung destruction magic" sabi muli ni ashalia.


Destruction magic!?


"Hmm oo sis ikaw ang may hawak nun hshshs" sabi ni keanna na ikinalaki ng mata ko.


"N-nooo! Lubhang mapanganib yun!" Saad ko sa kanila.


"Kaya nga sasanayin mo kasi yun ang makakatalo sa dark king" sabi naman ni ares na kadadating lang.


"Waaaaah!!" Sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya saka niyakap.


"Namiss kitaaaaa bobooooo" sabi ko sa kanya. Hshshs namiss ko silaaaa huhu.


"Namiss din kita tangaaaaa" sabi naman ni ares. Wowww.


"Kilala mo na sila?" Tanong ni keanna sakin.


Lah gagiiii.


"Uhmm yes?" Paano toh! Huhu! "Dito ako nag practice ng mga elemental powers at abilities ko hehe" sabi ko na ikinagulat nila.


"W-woah! Bakit di mo sinabi!" Sigaw ni keanna.


"E-eh kasi bawal daw sabi ni athen hehe" saad ko sa kanya. At umirap si g*go!


"Taray ah" natatawa kong sabi.


"Tara guys kain tayo, andami kong niluto dun daliii" sabi ni zeus at tumakbo na parang bata sa dining room kaya napatawa kami.


Sempre nagugutom na kami kaya sumunod na din kami.

Comment