chapter 13

Happy reading :>


Someone's POV


"Mahal na haring osmaul, buo na po ang hinala kong sya ang matagal na nating hinahanap. Ang prinsesa ng valerian" saad ko kay haring osmaul.


"Mabuti, pagpatuloy nyo lang yan at ibibigay ko na sayo ang lalaking pinakamamahal mo" saad nya at yumuko ako.


"Opo mahal na hari" saad ko. Patawad mahal na prinsesa ginagawa ko lamang toh para sa lalaking pinakamamahal ko.


Blaire's POV


"Bes, amboring huhu" boring na saad ni erika. Totoo naman dai. It's so boring.


Siguro kung nakamamatay ang boring kanina pa kami naka bulagta dito.


3 araw na ang nakakalipas simula nung galing kami sa mission and inusog din ang coronation ni princess ashalia dahil patuloy pa din na sumusugod ang mga demons.


Wala ding pasok ngayon dahil nga ewan ko kay HM.


"Bes tara sa cafeteria" saad ni erika at tumango ako. Hinawakan ko na kamay nilang dalawa ni max at nagteleport sa cafeteria.


Umupo nalang daw ako at sila oorder so ayun nandito ako hinihintay sila.


Napatingin ako sa pinto nang magsigawan ang mga babae pati lalake.


Ineexpect ko na toh.


Lumapit sakin ang elites at umupo.


"Hey bes sama ka?mall tayo hih" sabi ni kea na kakaupo lang.


Magsasalita na sana ako nang biglang dumating sila erika.


"Hi erika, max sama kayo sa mall?" Tanong ni kea kila erika.


"Woah? Mall? Sigeeee sama kami hihi, pero paano tong foods namin" nakangiting saad ni erika.


"Hmm kai ikaw na bahala" saad ni agatha kay kai at kinuha yung pagkain saka binigay sa ibang estudyante.


Eh?


"Don't worry about your money, babayaran ko mamahay" saad ni kai kay erika. Wow namumula si gaga.


"Wag ka dito sa kapatid ko babaero yan" saad ni agatha kay erika kaya napalaki mata namin.


"Magkapatid kayo?" Gulat na tanong ni max.


"Uhmm yeah sa nanay, so he's my step brother" saad ni agatha. Woah cool!


Pero ano yawa nvm.


"So mag bihis na kayo kasi aalis naaa" sabi nya muli kaya hinawakan ko na silang dalawa at nagteleport sa dorm.


Mabilis lang kaming nag bihis at nagteleport sa labas ng gate ng academy.


"Woah bilis, halatang di excited" saad ni tadashi. Eh.


"Lez go sa anoooo wait nakalimutan ko tawag dun" sabi ni agatha at nag iisip pa.


"Unicorns" tipid na sabi ni kino at nawala. Apakasungit nun hmpk!


"Malayo yun ih, uhmm bes diba may teleportation ka?" Tanong ni kea sakin at tumango ako. "Pwede mo ba kaming dalhin dun?anlayo kasi nun ih hehe" saad nya.


"Eh di ko alam kung saan yun" sabi ko sa kanila. Eh totoo naman kasi. "Ah oo may idea na ako sige kapit-kapit" sabi ko at nag hawak-hawak kami kamay.


Paulit-ulit kong sinabing unicorns and...tadaaaa!


We're here.


"Tsk tagal nyo" sabi ni kino na nakasakay na ng red unicorn, symbolises fire.


Nag kanya-kanya na silang sakay sa unicorn nila and base sa powers nila yung colour.


Pero sakin wala pa. Si princess ashalia nakasakay sa unicorn ni kino. Tsk. Kadiri.


"Asan sayo bes?" Tanong ni kea sakin at nag kibit balikat lang ako.


Napatakip kami ng mata nang lumiwanag yung kalangitan.


Di naman lahat pero sa part lang namin.


May lumabas dito na colour violet na unicorn at may linings din ng gold. Woaaah! Ang cool!!


Lahat ng unicorns ahy lumuhod bilang pagbibigay galang kahit yung unicorns ng elites.


"W-wait aaaah!" Sigaw ni princess ashalia nang mahulog sya. Ayan tanga di kumapit.


Pumunta sa harap ko yung unicorn at lumuhod din.


Wtf?


"Magandang umaga mahal na prinsesa" napatingin ako sa paligid ko nang may marinig akong nagsalita. Luh sino yun?


"Ako mahal na prinsesa, nasa harapan mo" napalaki ang mata ko nang marinig ko muli sya.


S-so naririnig ko sya?


"Yes mahal na prinsesa, pag-aari moko mahal na prinsesa" puro sya mahal na prinsesa.


"May pangalan kana ba?" Tanong ko sa kanya.


"Kayo po ang magpapangalan sa akin mahal na prinsesa" sabi nya. Hmm cool.


"Melody, and just call me blaire. Wag mahal na prinsesa kasi di naman ako prinsesa" saad ko sa kanya.


"Magandang pangalang blaire" saad nya kaya ngumiti ako.


"Bes don't tell me, ikaw ang nagmamay ari ng queen unicorn?" Sabi ni keanna na ikinagulat ko pero diko pinahalata at tumango nalang.


Queen sya ng unicorns? woah!


"Let's go na" mataray na saad ni princess ashalia.


Kaya sumakay na ako kay melody. Woah hahaha diko pa sya sanay pero ansarap sa pakiramdam!


Sinundan lang namin si kino at tumingin lang ako sa paligid ko.


Woooooooow!!!


Ang ganda ng tanawin!! Huhu kitang kita ang buong academy pati yung ibang palasyo! Angaaaaas!!


Ramdam kong pababa na kami kaya napakapit ako kay melody.


Lumapag na kami dito sa malawak na space ng city.


Yes may city dito and ngayon ko lang nalaman.


Pero iba yung mga sasakyan dahil nakalutang toh at may apoy na lumalabas hshshs.


Lumuhod muna yung mga unicorns at naging tattoo din namin.


Wow naman haha para na akong tambay na madaming tattoo.


"Tara naaa bes!" Excited na saad ni kea at hinatak ako.


Wala ayun hatak hatak lang nya ako kung saan sya magpunta.


Wala nga akong mabili dahil sa kanya yawa.


At ito namang si ashalia todo kapit kay kino kesyo baka daw maligaw kesyo baka daw mabastos iwx panget naman nya.


"Bes teka kalm-" Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko nang biglang lumindol ng malakas kaya nag panic ang lahat ng tao pati kami!


"Everyone, gather here" sigaw naman ni kino na nagkagulo na din.


Lumapit na kami rito at kompleto na kami pero nagulat nalang kami ng may lumabas na malaking halimaw mula sa lupa. A beast who has red eyes and rocky body, emerged from the ground and it's body has some traces of lava. Is it a demon?


"What is that thing?" Naitanong ko nalang, ang lakas ng ngawa nito.


"It's the hollow" sabi naman ni kino.


"Huh?holy?" Naitanong ko ulit, hindi ko marinig dahil sa walang tigil ang pag ngawa nito.


"It's hollow, for freaking sake" inis na saad ni kino. Bilis magbago ng mood kanina lang ambait tapos ngayon ang sungit, daig pa may PMS.


"It's not a demon" sabi ko.


Napatingin silang lahat sakin. "Huh?how did you know?" Tanong sakin ni agatha.


"I just...feel it" naisabi ko nalang.

Comment