Perlas 2

-

Mara


What is love? There's no gain from it.


You'll just get hurt, shed tears, and suffer alone.


Until when can you endure all the pain and suffering just for the person you love?


Love?


What a shit, it's not comprehensible.


Many people claim that you only end up getting hurt when you're in a relationship.


They say you shouldn't enter that kind of shit 'coz you'll be the one getting hurt.


Some also say that it's great to love because you have someone by your side.


But what do you do when that trust is gone?


When you give everything, you love with your entire being, and you are left with nothing but pain and disappointment?


When the light in your world is extinguished, and you feel like you can never love again?


Love is not always easy.


It can be a double-edged sword, cutting us open and revealing our deepest vulnerabilities.


It can make us feel vulnerable, exposed, and terrified.


It can cause us to do things that we never thought we were capable of,


Things that can destroy everything we've built.


Relationship?


Oh, it's quite the fairytale in the beginning, with those butterflies and feelings of kilig, but once time passes, you'll soon lose them.


Then, you'll start to wonder where you went wrong in the relationship.


Even though you still want to fight for the one you love, you're tired, and keep feeling hurt in the end.


You're the only one left crying and hurting.


You'll have no choice but to give up and move forward.


Love? Happiness? Heartache? Heartbreak? Yeah bullshit.


You've come to realize that love is nothing more than an illusion.


You no longer trust in the power of love, and grown disgust about relationships and human connection.


You've become a closed-off person who lost sight of what actually counts in life.


You've become numb to the beauty of life around you because you're always filled with emptiness.


You've lost your sense of fun and excitement. Except for the agony and despair, you've lost your ability to feel anything else. You've lost your ability to love.


You wake up in the morning ang look around at your empty house and you wonder what you're doing with your life.


You feel empty inside and you don't know how to fill the void.


You've become so used to feeling pain that you've forgotten how to feel anything.


You've become bitter, but deep down you still long for the feeling of love and connection.


You still long for someone to understand and care for you.


You still long for someone to lift you out of the darkness.


You wander around and witness people holding hands, kissing, and being together.


You wonder why you can't experience that type of happiness?


You begin to doubt if you're truly meant to be happy.


"I'm telling you, I don't know why I'm upset. Perhaps because it's the first time someone has ignored me." My senses came back to reality after hearing the call and what she said. Since last week, she's been upset over one of her employees. Here I am now, enjoying myself in the jacuzzi while talking to her over a video call.


"I don't understand why you are wasting your time and effort on an employee. Since when did you start to care about other people?" I said as I swirled the glass of my wine before drinking it. Maybe there was something that happened between them that Lily couldn't accept and got her attention. After all, she's typically not the kind of woman who would waste time and energy on someone she's not interested in.


"Who told you that I care? I was just upset because I couldn't accept it. But let's forget it, I already know the reason why she's not talking to me."


"Oh? What is it?"


"She's mute and can't hear anything. Even if I call out to her and wait for her to respond, it's all useless. I went to her house last night and spoke with her mom. The mom told me about her daughter." I was slightly surprised at what she said.


"Excuse me? Did I hear that right? You went to their house? Are you crazy? Don't tell me you followed her home?"


"I didn't intend for it to happen. I suddenly found myself following her because I was curious. And all of a sudden, I reached their home…" I gave a slight nod and an awkward laugh came out of me. Tumayo ako sa harap niya at inabot ang aking tuwalya. I can't believe this, nag mukha siyang stalker sa ginawa niya.


"What a bad stalker." I chuckled.


"Please don't show your body in front of me. I know you're sexy and many people are into you, but you ain't getting anything from me that way.. And what did you say? A stalker? No way in hell."


"What did I do? I was just trying to get my towel to get dressed to visit you because it seems like you're going to pass out from all the work you've been doing." Patuloy kong kausap siya at bitbit ang laptop sa kama.


"Oh? Will you help me?"


"Of course not, I'll just come to check on you. Okay, I'll call you once I get there. Alright, bye." Sagot ko at agad na ibinaba ang tawag. May isa pa akong dahilan para pumunta sa kumpanya niya. Gusto kong makita kung sino ang unang nakakuha ng atensyon ni Lily.


*


Aylin


Kahit saan talaga ako lulugar hindi mawawala ang mga taong mapanghusga at api. Hindi maganda ang umaga ko, alam kong mahalaga ang bawat segundo pero hindi ko sinadya na ma late ng limang minuto. Kanina pa ako nakatayo rito habang pinapagalitan sa harap ng maraming tao, pasalamat nalang talaga at wala akong marinig dahil hindi ko alam ano magagawa pag narinig ko mismo sa  labi niya ang masasakit na salitang binabato sa akin.


Hindi alam ng karamihan at iilan lang ang nakakaalam sa sitwasyon ko. Isa na itong walang alam ang empleyado na pinapagalitan ako, alam ko naman ang pagkakamali pero may dahilan ako kung bakit late sa trabaho. Hindi naman siya part ng department namin pero kung tratuhin ako parang anak siya ng may-ari nitong kumpanya. Kung kanina pa niya sana ako pinaalis edi sana marami na akong nalinis.


Nababasa ko ang labi niya at hindi ko na gusto kung saan patungo ang panenermon niya dahil dinadamay na pati pamilya. Ayaw ko naman mawalan ng trabaho at sobrang hirap maghanap kung sasayangin ko ito, hinabaan ko nalang ang pasensya pero kulang nalang mabali tong stick ng mop kong hawak dahil sa higpit ng aking pagkakahawak.


Bigla itong tumigil at nag iba ang ekspresyon, ilang segundo ay may humawak sa balikat ko kaya lumingon ako. Isang babae na hindi ko kilala ang biglang lumitaw sa gilid ko, postura at pananamit palang ay malalaman mong hindi basta-basta ang posisyon niya. Saglit niya ako tinapunan ng tingin at hinarap ang nanenermon sa akin.


Gusto ko malaman kung ano ang kanyang gagawin kaya hindi ko inalis sa kanyang mukha ang paningin at bahagyang umatras para mabasa ng malinaw ang kanyang labi.


"Name? Department?"


"G-Good morning ma'am, Lloyd from the sales and marketing department." marunong pala siya kabahan at gumalang? Asan na ang angas niya kanina na akala mo tagapagmana ng kumpanya?


"I heard everything you said to her. Take your last paycheck today. You're fired." gusto ko marinig ang boses at kung paano niya sinabi sa lalaki yun, pero base sa kanyang ekspresyon ay mukhang seryoso siya. Halos wala ng buhay kung umalis ang lalaki dahil sa masamang balita at nawalan pa ng trabaho bigla.


Lumingon ulit ang babae sa akin, mabilis akong nagyuko ng ulo bilang pasasalamat sa ginawa niya pero hindi naman kailangan umabot pa sa tanggalan niya ng trabaho. Mabilis ko dinukot ang headset sa aking bulsa at ipinasok sa aking tenga, ginagawa ko ito para hindi magduda ang iba sa akin.


"Why are you wearing that when you can't hear anything?" natigilan ako sa pagsusuot ng headset at malamig na tinignan siya sa mata. Ou, nagpapasalamat ako sa ginawang tulong pero hindi ko hahayaan ng dahil lang sa konting tulong na ginawa ay harap harapan ako iinsultuhin. Pare-pareho lang silang lahat mayayaman, walang mapipili kahit isa.


"No, wait, I'm sorry. I wasn't trying to insult you. I'm just wondering if you're able to hear anything when you're wearing those?" mabilis niyang paghingi ng tawad nang makita ang pag-iba ko ng ekspresyon sa mukha. Bakit kailangan niya makialam? Buhay ko to kaya labas na siya sa kung ano gagawin ko.


Mas lalo akong nagduda sa kanya, hindi naman siguro ako tatanungin ng ganyan kung wala siyang alam tungkol sa kalagayan ko. Hindi ko siya kilala at ngayon lang din kami nagkita. So, paano niya nalaman na hindi ako nakakarinig?


Lumapit ito sa akin at inagaw ang isang pares saka isinuot sa kanyang tenga. "An OPM song?" sambit niya, mabilis ko itong hinablot sa kanya at sinimulan ang paglilinis. Kailangan ko na magtrabaho bago ulit mapagalitan ng feeling entitled na empleyado.


Hindi umalis ang babae sa kanyang kinatatayuan at patuloy ako pinagmasdan. "Hmm, now I understand why she gets annoyed." basa ko sa kanyang labi at tinignan ako hanggang paa. Naiinis ako sa tuwing ganyan ang tingin sa akin, tapos ano? iinsultuhin ulit ako?


"And I also see why she got interested in you." sino ba tinutukoy niya? Kung pwede lang sana umalis na siya sa harap ko dahil ang dami ko pang trabaho. Isa ba siya sa mga boss ng kumpanya? Kahit anong nararamdaman ko ay hindi ko dapat pakitaan ng masama ang babaeng to dahil baka mawalan ako bigla ng trabaho.


Dinukot ko ang phone at nag type para maintindihan niya ako, as if naman may alam siya sa sign language.


Salamat sa pagtulong pero pwede umalis ka na para matapos agad ako? Marami pa ako kailangan linisin.


Mabilis ko ipinakita sa kanya ang message ko at bahagya pa itong nabigla dahil hindi inaasahan ilalapit ko ito sa kanyang mukha. Nagtaasan ang kanyang mga kilay habang binabasa ang mensahe ko.


"Oh, I'm sorry. I can't read your message because of your broken screen." sabi niya at di ko napigilan ang pag ikot ng aking mga mata. Bumaba ang paningin ko sa kanyang kamay at nakita ang hawak na phone. Kinuha ko yun kaagad at doon nag type saka pinabasa sa kanya ng malinaw.


She blinked a few times while reading the message and I noticed na ngumisi ito pero agad din nawala. "Are you not afraid? What if I were your boss? You snatched away my phone without consent and you disrespected me. What if I were to fire you because of your actions?" sabi nito at nanginig ang katawan ko.


Mabilis kong ibinalik ang phone sa kanya at nagbaba ulit ng ulo para humingi ng tawad. Ayaw ko mawalan ng trabaho, kailangan ko ng pera para matulungan si nanay mabayaran kahit paunti-unti lang ang mga utang. Nagtataka akong napaangat ng ulo sa kanya dahil inabot niya ang phone habang nakayuko ang aking ulo. Ako na hindi alam kung anong gusto niya ay naguguluhan itong tinignan.


"I was just kidding, it looks like you're not scared no matter who you're talking to." awtomatikong tumaas ang isang kilay ko dahil sa biglang pag abot nya ng cellpgone. Gusto nya kunin numero ko? Ano gagawin niya pag ayaw ko? Tulad niyang babae gusto kunin ang numero ko? Para saan?


Imbes kunin ang phone ay kinuha ko ang mga gamit at umalis ng walang paalam. Iniwan siyang mag-isa at wala akong panahon sa mga katulad niyang walang alam sa buhay kundi ang magpaka sarap sa kayamanan.


Kinamumuhian ko mga tulad nila.


*


Sobrang puno ang cafeteria pagpasok ko, lunch break na kasi at kakatapos ko lang sa paglilinis. Halos maubos narin ang mga pagkain at konti na lang options na pagpipilian. Ang maganda pa sa company na to ay libre lahat ng kakainin mo. Hindi mo kailangan mag-alala dahil di nila binabawas sa sahod mo. Ibang-iba sa kumpanya na pinasukan ko noon bilang taga linis din dahil hindi libre at ang mahal ng mga pagkain.


Dito ako sa gilid pumwesto kung saan may mga kasamahan ko, hindi ako sumali sa table nila kaso wala ng available na mga upuan kaya no choice kundi ang tumayo na lang habang kumakain. Sa tagal ng panahon limot ko na kung kailan ako huli nakakain ng mga ganitong uri ng pagkain. Pati pagkain dito halatang hindi tinipid at talagang masarap lahat.


Nag e-enjoy ako sa pagkain ko nang may tumabi sa akin, paglingon ko ay isa sa mga kasama kong cleaners. Tiningnan ko ang kanyang nameplate na suot bago muli ibinalik ang atensyon sa pagkain. Hindi ko alam kung ano pinagsasabi ng lalaki pero alam ko ako kinakausap niya, hayaan nalang natin magmukha siyang tangang kausap ang sarili. Kahit hindi alamin ay alam ko mutibo niya, pasensya at nag aaksaya lang siya ng laway jan.


Habang patuloy ito sa pagsasalita ay nagulat ako sa pagyugyog niya ng aking balikat at kinakabahan na itinuro ang sa kabila kong side. Hindi ko namalayan may tumabi na pala dahil sa gusto ko maubos ang pagkain, nilingon ko ang right side at nakita ang babaeng stalker na sumunod sa akin kagabi. Anong ginagawa ng CEO sa cafeteria at ang alam ko hindi dito kainan ng mga katulad niya?


May sticky note siyang nilagay sa gilid ng aking pinggan at naglalaman ng mensahe.


I forgot to thank your mother last night. Before you leave work tonight, be sure to stop by my office.


My eyebrow flinched. Pinunit ko ito at ibinulsa, anong dahilan bakit niya ako pinapa-punta sa opisina? Hindi ko na sakop linisin ang opisina niya at may naka assign na sa floor na yun. Paubos na pagkain ko pero nahagip ng mga mata ko ang pagkain niya. Anong uri ng pagkain yan at parang kakaiba? Ito ba tinatawag nilang pang top class na pagkain.


Di ko alam ano pumasok sa kukute ko at bigla ko na lang tinusok ng tinidor ang pagkain at inagawan siya kahit hindi pa niya ito nagagalaw. Masarap, hindi ko alam ano tawag sa pagkain na ito pero nakakaadik ang lasa. Kumuha ako ulit at nasundan pa hanggang sa halos mapuno na ang bibig ko at maubos na pagkain niya.


Ninanamnam ko ang sarap ng pagkain nang biglang may naglapag ulit ng tray sa left side ko. Pag angat ko ng ulo ay yung babae naman na tumulong sa akin kanina ang kaharap ko. Bigla akong nabulunan at bumara ang pagkain sa lalamunan aking lalamunan. Inagaw ko ang inumin nito at nang makahinga ulit ng maluwag ay pagkain naman nito sinimulan kong kainin.


Saglit ko itong sinulyapan at nabasa ang sinasabi ng kanyang labi. "See? I told you, she doesn't care who she's talking to. Even if it's her boss. She doesn't care and will do whatever she wants." sabi nito sa babaeng nasa kabilang side ko pero wala man lang kahit konting emotion akong makita sa kanyang mukha. Hindi ko alam sinagot ng boss ko dahil isa lang naman ulo ko?


"This is why you mentioned going to the cafeteria to eat lunch. But how can we eat anything if she ate it all?" hindi ko naman kinain lahat, bulag ba ang babaeng to at hindi nakikitang may natira pa?


Kumuha ako ng isang pirasong grape at isinubo kaagad sa kanya, sa labis na pagkagulat sa aking aksyon na ginawa ay hindi nito nagawang makapagsalita at react. Napabuka na lang ito ng labi at kinain ang binigay ko sa kanya. Kumuha din ako ng isa pa para sa boss ko na ganun din ang naging reaksyon, pagkatapos makita ang tulala nilang mga mukha ay mabilis akong kumaripas ng takbo palabas ng cafeteria.


Dumiretso ako sa locker room at doon nagkulong hanggang sa oras na ulit upang magpatuloy sa trabaho. Nag-aalala ako dahil sa ginawa ko kanina, alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko kaya hindi ako magtataka kung bukas wala na akong trabaho. Nagbago na isip ko at ayaw na magpatuloy dito, gagawa ako ng paraan para mapatalsik sa kumpanyang to.


Kinagabihan pag out sa trabaho ay diretso ako umuwi ng bahay. Bigla ko naalala sabi sa akin kanina na magpunta sa opisina ng boss bago umuwi pero hindi ko ginawa.


"Ate!" salubong nila Lara at Marian pagpasok ko ng bahay.


"Ate, tignan mo pasalubong ni kuya Leo sa amin, binilhan niya kami ng mga laruan." malawak ang ngiting pinakita sa akin ni Lara ang barbie na binili ng anak ni nanay. Leo ang kanyang pangalan yung lalaking nagtaboy sa amin noon pero hindi na ngayon, naging malapit na rin siya sa amin tulad ng ina nito.


May tumapik sa balikat ko at nakita si Leo na bagong pasok lang din, hindi ko siya napansin sa labas kanina. "Sama ka? Club tayo." aya nito, paano niya nagagawang magsaya at club kung hirap na nga kaming lahat sa pera.


"Huwag ka mag-alala at hindi tayo gagastos ng pera. Sabi ng classmate ko magdala ako ng kasama dahil sasama ate nita. Wag mo alalahanin ang pera at mayaman tropa ko, sila bahala sa gastos." paliwanag nito at kumindat, napapikit ako ng mga mata at buntong hininga. Magiging babysitter na naman ako sa gabing to.


"Ma! Lalabas po ako kasama kaibigan, isasama ko si Aylin para hindi ka mag-alala sa akin." tawag ni Leo kay nanay na galing sa kusina.


"Mas nag-aalala ako kay Aylin kaysa sayo, sa sobrang pasaway at habulin ka ng gulo baka mapahamak pa siya dahil sayo." sermon ni nanay dito at tinawag kami para sa hapunan.


"Hindi ma, pangako walang mangyayari at uuwi kami bago mag alas onse." sagot ulit ng anak kaya balik na naman kay nanay ang mga mata ko.


"Huwag ako ang tanungin mo at si Aylin magde-desisyon sa buhay niya." sagot nito sa anak. Mukhang kailangan ko rin uminom kahit minsan lang, wala rin naman ako magiging problema kahit gaano pa kaingay ang lugar na pupuntahan. Bilang tugon ay tumango ako at sasama kay Leo,


Naligo ako ulit dahil puno ng pawis ang katawan, may bago rin akong damit na bigay ni Leo kaya yun susuutin ko. Sinabi ni Leo at nag-iba ang destinasyon namin at imbes na sa club ay pupunta kami sa bahay ng ate niya dahil kaarawan nito. Nagpaalam kami kina nanay at abang ng jeep.


"Aylin, wag ka humiwalay sa akin at baka maraming bisita." tumango ako.


It took us 10 minutes bago narating ang malaking bahay na nasa gilid lang ng kalsada. Ang daming tao sa labas at nakaparasang mamahaling mga sasakyan sa gilid.


Kinalabit ako ni Leo, "Dito ka lang at hintayin ako, hahanapin ko si Richard. Nandito lang daw siya sa labas naghihintay." pwede naman akong isama para diretso na kami pumasok pag nagkita sila pero sumunod na lang din ako at nanatili sa gilid malayo sa mga taong naghihintay sa labas para makapasok. Kung alam ko lang ganito pala at hindi matutuloy sa club ay sana di nalang ako sumama.


Kanina pa si Leo at wala pa rin ito, halos wala ng mga tao sa labas at nasa loob na ng malaking bahay. Sinasabi na nga bang may hindi siya magandang gagawin, bakit pa ako sumama. Hindi ko rin siya makita kahit saan kaya balak ko nalang sana umalis nang bigla ako makatanggap ng mensahe sa kanya at sinabing pinasok siya kaagad ng kaibigan niya.


Me :
Uuwi nalang ako


Leo :
Wag! Pumasok ka sa gate at sabihin bisita ka ni Richard,


Me :
Sinubukan ko pero di ako pinapasok at wala raw ako sa list of guests.


Leo :
Hinahanap ko si Richard kasi bigla nawala. May naisip ako, nandun ka pa ba sa pinag iwanan ko sayo?


Me :
Ou


Leo :
May puno jan diba? Umakyat ka at tumalon ng pader.


Me :
Okay ka lang? Uuwi nalang ako, baka mahuli pa ako at ipakulong dahil trespassing.


Leo :
Wag! Pag uuwi ka hahanapin ako ni nanay at papagalitan tayong dalawa! Sige na Aylin, pupuntahan kita sa likod pag nakapasok ka na.


Isang malalim na buntong hininga pinakawalan ko, hindi niya ako babysitter para sundan siya kahit saan pero ano pa ba magagawa ko? Ayaw ko rin mag-alala yun si nanay pag nakitang di ko kasama si Leo pag umuwi ako.


Me :
Sige.


Ibinalik ko sa bulsa ang cellphone at tumingin sa paligid bago tumalon at umakyat ng puno. Ang taas ng pader na to at paano kung mapilayan ako pag tumalon ng pader?


Hirap man at masakit ang mga kamay ay nagawa kong maabot tuktok ng pader at ngayon iisipin nalang kung ano gagawin pababa. Para akong magnanakaw sa ginagawa ngayon, sana lang walang makakita. Ginamit ko ang sanga ng puno at naglambitin bago tuluyang bumitaw at bumulusok paibaba.


"Oh, that was impressive." awtomatikong lumingon ulo ko kung saan nagmula ang boses. I saw a woman na nakasandal sa pader kung saan ako tumalon at may hawak itong sigarilyo, ngunit ikinagulat ko nang mapagtanto kung sino ito.


"I don't remember inviting you to my place." mas lalo akong kinabahan at nanigas sa kinatatayuan dahil sa kanya pala ang malaking bahay na to at talagang nasaksihan pa ginawa ko.


Kasalanan tong lahat ni Leo, kung di niya sana ako sinama hindi ako mahahantong sa ganito. Dali-dali akong tumalon ulit sa sanga para tumakas pero nahuli niya ako sa damit at hinihila pababa kaya bagsak kaming dalawa sa lupa.


Tinapik niya ako. "Are you eating? You're so light. Why is that?" napagtanto kong bumagsak pala ako sa kanya at ngayon nasa ibabaw niya. Mabilis akong bumangon tumayo at napangiwi sa hapdi ng aking siko, may sugat dahil naitukod ko.


Tumayo ito at pinagpag ang sarili para alisin mga dumi sa kanyang mamahaling dress, hindi ko afford bayaran yan. "I mean, why are you leaving? I didn't ask you to leave. Come with me, let me see your wound." tinangka niya ako hawakan sa kamay ngunit mabilis akong umatras at binantaan siya ng tingin.


"If you don't want to get sued, then do as I say." naikuyom ko ang kamao at kagat ng labi, sobrang dali lang sa kanilang mayayaman pagbantaan ang mga katulad kong mahirap, pero mali rin ako sa pagpasok ng walang pahintulot.


Wala akong nagawa ng tuluyan ako kinaladkad papasok ng bahay, pagpasok palang ramdam at pansin ko na agad maraming matang nakatutok sa akin kaya nagbaba ako ng ulo habang hinahayaan ang mga paa kong sumunod sa babaeng nasa unahan.


Nagulat ako sa marahas niyang paghila at itinulak paupo sa malambot na sofa, napalingin ako sa paligid at bakit dito niya ako pinaupo kung saan maraming tao nakakakita?


"Stay here, and don't you dare leave." di ko man marinig ay ramdam ko ang diin sa salita niya. Sino ba siya para pag bantaan ako?


Hindi pa nag iisang minuto nang makaalis ito ay may lumipad ng kung anong bagay sa ulo ko kaya napahawak ako. Pagbaba ko ng ulo ay nakita ko ang isang tennis ball, yun pala ang ibinato sa akin. Agad ko itong pinulot at tumayo saka ibinato ng malakas pabalik sa taong nag bato at tumama ito sa kanyang noo.


Hindi ako ang nauna, binalik ko lang sa kanya ang bola.


Galit at nanlilisik ang mga mata nitong sinugod ako at itinulak ng malakas, ganito ba gusto nila? Ang magpahiya ng tao sa party?


"Hindi mo ba ako kilala? Ang lakas ng loob mo batuhin ako ng bola?" pagbasa ko sa kanyang labi. Sanay na akong masaktan kaya di na bago sa akin ang ganito. Tumayo ako at siya'y hinarap, di ko hinintay maibuka pa nito muli ang bibig at buong lakas itinulak dahilan upang tumilapon paatras.


Mali niya at di ako umaatras. Bawat pananakit ay double kong ibabalik sa kanya.


Biglang sumulpot si Leo at tumakbo palapit sa lalaking kaaway ko, nagulat ito nang makita ako. "A-Aylin, anong ginawa mo kay Richard?" naguguluhang tanong nito at bakas sa mukha ang takot at kaba. Yan kaibigan niya? Nananakit ng walang dahilan.


"Kilala mo babaeng yan, Leo?" tanong nong Richard at tumango ito.


"Siya yung kasama ko, Aylin, mag sorry ka." alam kong nag-aalala siya dahil baka masira relasyon nilang magkaibigan pero bakit ako hihingi ng tawad sa taong unang nanakit sa akin.


Ang babaeng iniwan ako kanina ay biglang bumalik ng may bitbit na kit. Nilagpasan niya si Richard na kapatid nito at tuloy-tuloy ang lakad pabalik sa akin. Mukhang makakasuhan na ako ng tuluyan dahil dito.


"Sit down. I saw what happened." hindi ako sumunod pero pilit niya akong pinaupo at binigay ang kit saka tumalikod at nilapitan ang kapatid.


Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan nila dahil hindi ko makita ang kanilang mga mukha, na sorpresa nalang ako nang biglang nagbaba ng ulo ang kapatid niya at sinampal niya ito ng malakas sa ulo. Hindi lang mga bisitang nakakita ang gulat dahil kahit ako sa kinauupuan ay nagulat.


Ilang segundo pa ay bumalik siya sa akin sunod ang kanyang kapatid at si Leo. "I'm sorry sa ginawa ko, ngayon lang kita nakita kaya akala ko may balak kang masama sa ate ko." umarko isang kilay ko at napatingin sa kanyang ate na nasa aking tabi at krus ng mga binti habang tinitignan kung may sugat ako sa ulo.


"R-Richard, hindi ka masasagot ni Aylin dahil hindi siya nakakapagsalita at wala rin pandinig." paliwanag ni Leo matapos ko lang tumango at walang sinabi. Gulat ang mukha ng kaibigan nito at mas lalon na guilty base sa pinapakitang eskpresyon.


"A-Ate, sorry, hindi ko alam–" I don't know anong ginawa o sinabi sa kanya ng ate niya dahil bigla itong namutla at umalis kasama si Leo, bakit ako iniwan? Anong gagawin ko rito?


Tatayo sana ako at balak na rin sana umuwi pero pinigilan ako ng babaeng hindi ko parin alam sa pangalan.


"Stay, gagamutin ko sugat mo." hinila ko ang kamay ko pero malakas ang kapit niya at nangibabaw ang lakas kaya napaupo akong muli. Birthday niya ngayon pero nandito siya at hindi pinagtutuunan pansin ang mga bisita, ano pang dahilan nagpa party kung uupo lang siya rito?


Hinayaan ko nalang itong gamutin ang aking sugat dahil dumudugo. Sa totoo lang malaki ang galit ko sa mga katulad niyang mayayaman, dahil wala naman silang alam kundi ang pagtulungan ang walang laban. Aminado akong marami akong kasalanan at pagkakamali sa nakaraan pero pinagsisihan ko ang lahat.


Hindi ko namalayan tapos na itong gamutin sugat ko, sobrang dikit masyado at hindi maiwasan maamoy ang mamahalin niyang pabango. Akala ko kung saan ako susunod dadalhin, yun pala ay papakainin lang ako.


Ang dami naman ng pagkain na kinuha niya? Mukha ba akong patay gutom sa mga mata niya?


"Not enough for you?" umiling nalang ako at sumunod sa kanya sa may garden. Wala ako makuhang tamang dahilan para tratuhin ako ng ganit. Hindi kami magkakilala at mas lalong wala akong magagawa para sa kanya. So, bakit nagpapakita siya ng kabutihan?


Ang lawak ng garden at ngayon ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang bahay. Mag-isa lang siya nakatira sa malaking bahay na to? Marami naman siguro siyang maids at baka kasama ang kapatid naninirahan sa mala-palasyong bahay na ito.


Pinisil niya ang aking pisngi at seninyasan na maupo sa kanyang tabi. Tama ba tong ginagawa ko? Hindi kami magkakilala at kinamumuhian mga tulad nya pero bakit naririto ako ngayon kasama sya mag-isa?


"Sit down, lalamig na ang pagkain." gusto ko kumontra at umuwi pero wala pa si Leo,


Umupo ako ngunit hindi sa tabi niya at pumwesto sa kanyang tapat. Okay lang siguro manatili ng matagal at hindi na ito masusundan pa. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang malalaking plato, marami talaga itong kinuha at hindi ko alam kung mauubos ko.


She tapped my hand kung kaya'y napatingin ako. "Are you just going to stare the food? Ayaw mo kainin?" tanong sa akin bago niya ipinagpahinga ang baba sa palad.


"Sorry, he's just doing his job." doing his job pero sinampal mo sa harap ng maraming bisita. Isang tango ang aking ibinigay bago magsimulang kumain.


Ilang minuto ay nilapag niya ang phone sa gilid ng aking plato, tinatanong kung hindi ako mahilig sa matatamis kaya umiling ako. Kumakain ako ng matamis minsan pero pag sobrang tamis ay ayaw ko, mas mahilig ako sa maasim at maalat. Kinuha niya ulit ang phone at nagsimulang mag type.


Kanina pa ako naiilang at hindi malunok ng maigi ang kinakain dahil nasa akin ang kanyang atensyon, may makukuha ba sya kung tititigan lang nya ako? Kung hindi lang dumating ang kapatid niyang bumato sa akin ng bola kanina ay marahil hindi ko matatapos ang pagkain.


Hindi ko alam pero base sa itsura nya matapos matanggap ang balita ng kapatid ay binalot ng kalungkutan at sakit ang kanyang mga mata. Mabilis ko sinundan kung saan siya nakatingin at nakita ang lalaking nasa likod ni Richard. Isang matipuno, maamo ang mukha, matangkad at nakasuot ng uniporme ng navy. hindi basta-basta ang taglay nitong itsura dahil sa taglay na kagwapuhan at may dalang mamahaling bulaklak para sa babaeng tulala na nasa aking tapat.


I see, mukhang boyfriend niya.


"Mara," pagbasa ko sa binigkas nitong pangalan. So, Mara ang kanyang pangalan.


Humakbang ito palapit kay Mara ngunit agad siyang hinarangan ni Richard, bakas sa mukha ng binata ang galit at pagkamuhi niya sa lalaking may bitbit na bulaklak. Marahil sinaktan nito ang kapatid ni Richard kaya ganyan ang pinapakita nito ngayon sa kanya.


"Chard, I just want to talk to your sister." aniya ng lalaki, malaking biyaya talaga na marunong akong bumasa ng salita.


"Para saan? Pagkatapos mo siyang saktan? Ngayon gusto mo ulit lokohin ate ko?" alam kong sa mga oras na ito ay sinisigawan ng binata ang kaharap na lalaki base sa ekspresyon ng kanyang mukha.


Hindi ko akalain makakapanood ako ng drama sa gabing ito, akala ko sa teleserye lang ako makikita ng ganitong eksena pero ngayon live ko ng matutunghayan sa harapan ko. Tinignan ko si Mara at nagulat dahil sa akin siya nakatitig? Nagtaas ako ng dalawang kilay kasabay ang pagkibit balikat dahil wala naman akong magagawa at ayaw ko madamay sa drama nila.


She heaved a sigh bago hinawakan sa balikat ang kapatid at hinarap ang lalaking hindi ko parin kilala. Halata naman na may nararamdaman pa siya sa lalaki dahil sa pinakita nyang reaksyon kanina. Ano ba pakiramdam pag minahal ka ng totoo? Minsan na rin akong nagmahal pero nauwi sa pagsisisi ang lahat.


Nagpatuloy ako sa pagkain hindi ko na binasa ang mga salitang binitawan ni Mara, wala akong kinalaman sa relasyon nila at problema na ng magkasintahan yan.


Napansin ko ang maliit na notebook na kanina pa dala ni Mara, kinuha ko yun at balak sana mag-iwan ng sulat sa kanya dahil balak ko na umalis. Ayaw ko rin naman pumagitna sa kanila at tila seryoso ang sitwasyon ngayon. Ngunit nagulat ako sa aking nakita, isang tula, masakit na tula.


Let us love again

You haunt my mind and my dreams
You claim everything I know
Yet you're nowhere to be seen
Leaving me to suffer, lonely

I try to let you go
But my heart, it beats for you
I wish you were here with me
In this world that used to be just you and me

I try to move on, but it hurts so much
Because all I want is you, my love
And to feel those rubs and caresses once more
Healing the cracks in my broken heart

So please, come back to me
Fix the damage you caused to me
Let us love again, just you and I
Before my heart, forever, dies.


Pagkatapos basahin ang ginawang tula ni Mara ay nag angat ako ng paningin sa kanila. Marahil para sa lalaking nasa harapan nya ngayon ang taong tinutukoy sa kanyang tula. Hindi mo masisisi ang puso kung mahal mo parin ang taong ilang beses nanakit sayo. Hindi madali o mabilis kalimutan ang mga pinagsamahan ninyo.


The past suddenly came flooding back to me. If only I had made the right choices, I wouldn't be in this situation. I would have been happy and with the ones that I loved in life. If only I had done the right thing, if only I had done what was right.


Bumuntong hininga ako at tumayo pagkatapos mag iwan ng sulat bilang pasasalamat kay Mara, hindi nya rin ako napansin kaya tuloy-tuloy akong naglakad palayo sa kanila hanggang sa nakasalubong si Leo,


"Lin, saan ka pupunta?" tanong nya. Mabilis ko hinablot ang cellphone at nagpadala ng mensahe sa kanya, sinasabing uuwi na.


"U-Uuwi ka na? S-Sandali, hindi mo ako pwede iwanan. Nakita mo ba si Richard?" tinuro ko lang sa kanya kung saan ako nanggaling.


"Hintayin mo ako sa labas, magpapaalam lang ako kay Richard,"


Habang naghihintay kay Leo sa labas ay ikinagulat ko ang biglang pagbukas ng malaking pintuan. Paglingon ko sa aking kanan ay hindi ko inaasahang si Mara ang taong makikita. Nagtagpo ang aming mga mata at pansin ko ang kanyang mga luha. Mabilis itong tumakbo papasok sa kanyang sasakyan, ako naman ay nanatiling nakatayo habang nakatanaw sa kanyang papaalis na sasakyan.


Ilang segundo pa ay sunod-sunod lumabas ang mga kalalakihan. Una lumabas yung lalaki kanina kasunod ang kapatid ni Mara, nagsusumiklab ito sa galit at mabilis sinuntok sa mukha ang ginoo, si Leo na kakalabas lang ay kaagad inawat ang kaibigan.


"Fuck you! Wag na wag ka na ulit magpapakita sa ate ko at ako mismo sisira ng tuluyan sa mukha mo!" Namumula na sa galit ang kapatid ni Mara, hindi man lang nila pansin na hindi lang sila ang taong nandito.


"Chard, mahal na mahal ko ang ate m-"


"Kainin mo yang pagmamahal mo gago! Pagkatapos mo sya lokohin ng maraming beses?! Mahal?! Potangina mo! Lumayas ka bago ko tuluyan wasakin yang pagmumukha mo!" Susugod na sana ulit ang kaibigan ni Leo ngunit agad nya itong napigilan.


Hindi na muling nagsalita ang ginoo at bagsak ang mga balikat umalis hanggang sa tuluyan ko na itong hindi makita. Ibig sabihin EX-Boyfriend ng ate nya ang lalaking yun?


"Richard, paawat ka na pre! Wag mo pairalin galit mo, kailangan ka ng ate mo." May konting tino rin pala sa pag-iisip si Leo?


"Shit!"


"Chard!" Tawag ni Leo sa papalayong kaibigan, tatakbo na sana ito upang sundan ngunit bigla nya akong nakita.


"A-Aylin! Patawad pero kailangan ako ng kaibigan ko ngayon, pwede ba mauna ka nalang umuwi at gumawa ng dahilan kay nanay?" Hindi mapakali niyang tanong sa akin habang nililingon ang direksyon ng kaibigan nya. Tumango lamang ako at pagkatapos ay kaagad na itong tumakbo palayo.


Nakalimutan ata ni Leo na wala ako dalang pera, hindi man lang ako binigyan ng pamasahe kaya paano ako ngayon sasakay? Medyo may kalayuan ang uuwian ko mula rito, pag nilakad ko ay aabutin ako ng isang oras pero may magagawa pa ba ako kung wala ng choice?


May shortcut akong alam kaya instead na sa highway maglakad ay doon na ako sa shortcut para mas mapabilis ang pag-uwi ko, kaso wala masyadong ilaw sa daan pero kampante naman ako na ligtas dumaan doon.


Marahil sa mga oras na ito ay sobrang tahimik ng kapaligiran, marahil ay tanging ingay lang ng mga insekto ang maririnig sa daan. Kung titignan mo ang mga bituin sa langit at malaking buwan, para ka talagang hinihila nito patungo sa kawalan. Lakad nang lakad lang ako hanggang sa di kalayuan ay may natanaw akong nakaparadang sasakyan at bukas ang headlights.


Ilang minuto pa ang nakalipas, napagtanto ko na ang kotseng ito ay ang kotseng sinakyan ni Mara kanina bago ito umalis ng kanyang bahay. Hindi nga ako nagkakamali, dahil pagsilip ko sa bintana ng sasakyan ay nakayuko ito at tila ba umiiyak. Marahan ko itong kinatok at nagulat dahil sa biglaan kong ginawa, mabilis niyang pinunasan ang mga luha at pagkaraan ng ilang segundo ay bumaba.


Muli nyang binalikan ang cellphone sa loob ng sasakyan at nag type bago ito iniharap sa akin.


Hi, what are you doing here? Tanong nya. Inagaw ko ito sa kanya at nagsimulang magtype ng sagot.


Pauwi na tapos nakita kita :)


Bahagyang tumaas ang kanyang isang kilay pagkabasa ng reply ko at tinignan ako sa mga mata. "What's funny?" Sabi nya kaya nagkibit balikat ako.


"Wait, do you understand what I'm saying?" Tumango ako.


"Well, I guess I don't need a phone to talk to you now." Tango ulit. Sinubukan kong mag sign language sa kanya ngunit biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay kaya sa tingin ko ay hindi nya yun gets.


"Instead of using sign language, why don't you just use the phone to type out a message?" Mabilis akong umiling at umatras. Mukhang okay naman sya at sa tingin ko pwede na akong magpatuloy dahil malayo-layo pa ang aking lalakarin.


Pero makulit din pala ang isang to? Bigla-bigla kung manghila ng braso. "Are you heading home? Would you mind taking the longer route? This area can be quite dangerous at night. What's your address? I'd be happy to drive you home and make sure you get there safely." Mahaba nyang salita.


Ayaw ko man dahil baka kung anong isipin at mas lalong ayaw ko mapalapit sa mga tulad nya pero kailangan kong umuwi ng maaga dahil may trabaho pa ako kinabukasan. Hindi ako sumagot at inalis ang kanyang kamay saka umikot sa kabilang bahagi at pumasok sa katabi ng driver's seat.


Dahil narin siguro sa pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala habang nasa byahe. Nagising nalang ako dahil sa babaeng tumapik sa akin at ikinagulat ko dahil pagtingin sa labas ng bintana ay nasa tapat na kami ng bahay, wala akong natatandaang sinabi sa kanya ang address ko?


Tinitigan ko sya ng ilang segundo at ganun rin ito, iniisip ko lang kung sinabi ko ba talaga ang address ko kanina o hindi pero biglang bumaba ang mga mata nya sa labi ko kung kaya'y nagmadali na akong bumaba. Akala ko makakahinga na ako ng maluwag at pahinga, ikinagulat kong muli ang babaeng bigla nalang lumabas nang gate at ngayon nasa tapat ko na.


"I asked you to come to my office before you went home. Why won't you just follow my instruction-" Ngunit bigla itong napatigil sa pagsasalita nang may biglang tumabi sa akin, si Mara,


"Huh? Why are you here?" Tanong ni Lily sa kaibigan.


"Hinatid ko." Simpleng sagot ni Mara ngunit umarko ang isang kilay ni Lily,


"Huh?"


They can do whatever they like, but I don't have time to waste and really need to rest. I would prefer it if they discussed their issues elsewhere, as this is not the right place for such conversations. Their cars are blocking the road and causing a disturbance. Nagyuko ako ng ulo sa kanilang dalawa at papasok na sana nang maramdaman kong muli ang paghawak ni Mara sa siko ko.


I raised my eyebrows at hinintay ang kanyang sasabihin.


"Goodnight." She gave me a sweet smile.


"You still have work tomorrow, so you should head to bed and get some rest. Don't stay up too late, and make sure you get plenty of sleep." Sunod na paalala ng boss ko na si Lily,


Tumango akong muli saka nagtuloy-tuloy pumasok sa loob ng bahay. Biglang tumunog ang phone ko at nagsalubong ang mga kilay dahil sa unregistered number na nag text.


From: 09*********
This is Mara, I hope you don't find me peculiar. Thank you for finding me. I look forward to meeting you again soon.


Kahit anong sabihin ay weird silang magkakaibigan, yung isa bigla sumulpot sa bahay at itong isa naman alam numero at address ng bahay.


Bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon?


*


Mara Koch


Comment